Fall
"Kamusta naman paa mo?" Tanong sakin ng mga kaklase ko. Medyo touched ako kasi concern pala sila sa akin.
"Ayus naman, medyo nahihirapan pa ko itapak ng maayos."
Tinaas ko naman ang paa kong nakabenda, thankfully excused naman ako sa pagsuot ng closed shoes ngayon.
"Mag-ingat ka sa susunod ha?" Sabi ni Gayle at ngumiti.
"Katangahan moment ko lang talaga." Biro ko.
Umiling-iling naman si Eloise. Sa pagkakaalam niya, nahulog lang ako kasi, yun nga, inaabot ko yung sabitan ng Christmas ball. Hindi ko pa sinasabi sa kanya na nahulog ako kasi sinubukan kong pakinggan yung pinaguusapan nila kuya Charles.
Nakita ko namang lumapit yung J4 na pinapangunahan ng Queen Bee nila na mukhang manika ng mangkukulam. As usual, naka red lipgloss nanaman siya. Ang bago lang ngayon ay nagkulot pa siya ng buhok.
Akala mo naman JS prom na kung pumorma.
"Kasalanan mo yan eh." Tawa niya. "Dinadamay mo pa si Lance sa ka shunga-an mo."
"Ano bang ikinagagalit mo ah, hindi ko naman tinawag si Lance para tulungan ako ah?" Depensa ko.
Umirap lang siya, "Bwisit."
Nagsunuran naman sa kanya yung mga alipores niyang mukhang ipis. Nakakapang-init talaga ng dugo yung bwisit na yun!
"Ano ba kasing--" panimula ni Evian nang biglang sumulpot si Renzo na gulat na gulat habang nakatingin sa paa ko.
"Anong nangyare?!" Kumuha siya ng malapit na upuan at umupo malapit sa paa ko para matignan.
"Aray, Renzo!" Palo ko sa kamay niya nung sinubukan niyang dutdutin.
"Diba sabi ko sa'yo mag-ingat ka? Kelan nangyare yan? Anong ginagawa mo ba nun? Dapat--"
"Dinaig mo pa ko no, eh ako yung kaibigan?" Sabi sa kanya ni Evian at umiling. "Ano nga bang nangyare?"
"Eh kasi, tumulong kami ni Bianca sa pagsabit ng Christmas balls sa may playground nung Friday. Diba, may mataas na parte dun? Hindi niya napansin na wala na siyang tatapakan kaya, ayan." Sabi ni Eloise at tinuro yung paa ko.
"Masakit pa ba?" Tanong ni Renzo at sinubukan galawin ng bahagya yung paa ko.
"Oo!" Sabay hampas ko sa kanya. Masakit na nga dadagdagan niya pa!
"Buti na lang binuhat siya ni Lance papuntang clinic kaya nacheck ni nurse Aira tyaka nabendahan." Dagdag ni Eloise.
Pagkabanggit ng pangalan ni Lance, nakita kong nagbago yung facial expression ni Renzo. Nakita ko naman na parang manununtok yung kamay niya.
"Wow, mananalo ako sa pustahan natin Eloise." Rinig kong sabi ni Evian. Kahit mahina lang 'to medyo narinig ko pa din.
Tumayo naman si Renzo ng walang paalam at bumalik sa pwest niya para humalukipkip.
"Anong problema nun?" Tanong ko.
"Ikaw." Sabay na sabi nila Eloise at Evian kaya tumawa sila.
"Ako?" Turo ko sa sarili ko. "Bakit, anong ginawa ko?"
Nagkatinginan silang dalawa at umiling habang natatawa.
"Ano nga?"
~*~
"Tulungan na kita?"
Ilang beses na ko tinatanong ni Renzo kung gusto ko ba ng tulong pero everytime na gagawin niya yun, ilang beses ko din siyang tinanggihan. Umuwi na kasi sila Evian at Eloise kaya wala na kong kasama.
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?