Chapter 21

186 10 20
                                    

Note:
So... Happy 2k reads! *insert sabog confetti at umiiyak na Ayra dito* lol.

Gusto ko lang sabihin na sorry hindi ako nakapagupdate kagad kasi gumuho ang mundo ko. Binary code ang mga scores ng quizzes ko, saklap diba?

Thank you nga po pala sa mga nagbabasa nito, super duper mega ultra thank you. :(( Sana po hanggang matapos ko ay nandito pa din kayo. So eto, dahil ang tagal ko nagupdate, bumawi ako ng bongga. :)) Sana magustuhan niyoo.

Comments? :)

This chapter is dedicated to my friend who is afraid to love again. Hahaha. I hart you. Thank you sa feedback na natanggap ko sayo. :)

Kamusta naman kayo?

--

Little Things

"Good morning," bati ng teacher namin. "Dahil wala si Ma'am Hazel, ako muna substitute teacher niyo."

"Namiss ko pa man din si Ma'am Hazel." Sabi ni Loi.

"Weh? Eh bored na bored ka nga kapag nagtuturo yun eh." Bulong niya habang tumatawa.

"Ang adik mo eh no?" Tulak sa kanya ni Loi.

"Hi Bianca!" Masayang bati ni kulit.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Bakit ang sungit-sungit mo, ang aga-aga ah." Tawa niya.

Ibinaling ko na lang muli ang atensyon ko kay Sir Leander, ang kulit kasi forever nitong si Renzo.

"Dahil parehas na lang din naman kayo ng time for PE ng kabilang section, napagusapan namin ni Teacher Sara na maglaban kayo for dodgeball." Aniya.

What?!

"So I want you to choose your leader. Section B?" Tanong ni Sir.

"Renzo!"

"Cantina, ikaw na lang!"

"Francisco!"

"Bakit ako? Bakit hindi na lang si Louis?"

Nagkakagulo sila kung sino magiging leader, eto kasi mahirap kapag punung-puno ng mga varsity ang section mo. Hindi kayo nagkakasundo kung sino dapat ang magiging ganito at ganyan.

"Ang ingay." Reklamo ni Evian.

"Magdedesisyon na lang eh." Dagdag pa ni Loi.

Napatingin naman ako sa kabilang section na super tahimik habang nagdedesisyon kung sino magiging leader, nakakahiya naman sa kanila.

"Si Renzo na!" Sigaw ni Kimberly.

Tumayo naman si Renzo, naghiyawan naman mga kaklase namin. Nagsalute pa siya na parang sundalo na siyang ikinatawa ng lahat. Nang magtama naman ang tingin namin, ngumiti siya at kumindat.
Kahit kelan loko talaga 'to eh.

Umiling na lang ako at tumingin ulit sa teacher namin na may binabasang mga paper.

"So Renzo Guillermo for B, how about for A?" Tanong niya.

"Lance Ardevela po!" Sabi nila ng sabay-sabay.

Lumapit naman si Lance sa harap ng walang expression, bigla namang nagseryoso ang mukha ni Renzo nang magkaharap sila.

"Mr. Ardevela, heads or tails?" Tanong ni Sir.

"Heads."

Nagflip naman ng coin si Sir at sinalo ito sa palad niya.

"Heads it is, so section A ang magbabato ng bola. Get ready, section B."

"Masaya to!" Nagtatatalon na sabi ni Loi.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon