Note: Napapabilis ang UD kasi maraming nagiinspire sa akin ngayon. Hihi. Thank you for reading!
Next update will be... hmm.
--
Chapter 44
"Next meeting we're going to have our second quiz about this topic. So prepare and study in advance. You're dismissed."
Ilang linggo na ang nakalipas at puro quizzes nanaman kami. Hindi lang letra ang nahalo sa Math ngayon, may iba't ibang shapes na din na kailangan alam namin ang sukat o kaya yung volume nun. Surprisingly, naiintindihan ko siya.
"May hindi ka ba maintindihan?" tanong ni Lance sa akin pagkalabas ng teacher namin.
"Wala naman." Ngiti ko.
Tulad ng paglipas ng panahon, binawas-bawasan ko na din ang pang-aaway ko kay Lance. Nag-aaway pa din kami pero mas madami na yung times na matino naman kaming nakakapagusap.
"Uyy!" tukso ni Eloise. "Concerned na concerned si Lance!"
"Kayo na ba?" dagdag pa ni Evian.
"Hindi." Sagot ko.
"Hindi pa." sagot naman niya.
"May pag-asa!" tawa ni Evian.
Nilingon ko naman si Lance at ngumiti lang ito. Lakas ng confidence ni kuya na sasagutin ko siya ah?
Hindi nga ba? Eh puro Lance Lance Lance Lance na lang ang laman ng utak mo.
May isa kaming seatwork instruction one time sa Math na kailangan naming magdrawing ng pentagon at pangalanan ang vertices nito. Matapos ko magdrawing ng perfect pentagon, hindi ko namalayan na bawat letra ng pangalan ni Lance ang inilagay ko sa vertices niya. Agad-agad ko namang binura ito bago pa niya makita.
Feeling ko may gayuma yung Flat Tops, hinding hindi na ako kukuha lalo na't galing pa sa kanya.
"Bianca," tawag ni Renzo habang nakangisi. "exam result mo."
Ibinigay niya sa akin ang result ng Math quiz namin last week at ikinagulat ko na one mistake lang ako. Tinignan ko ang mali ko at hindi ko alam kung bakit may nakaligtaan akong number. Perfect n asana pero hindi ko nakita yung isang number lang na yun.
"Ardevela." Bigay ni Renzo pero hindi sa kamay ni Lance. Pinalipad niya lang ito kaya napunta sa may katawan ko.
"Salamat ha?" sarkastikong sabi ni Lance. "Anong nakuha mo?"
"One mistake."
Napangiti naman si Lance at nakita ko sa mga mata niya ang sincere niyang pagkatuwa sa akin. Proud siya? "Congrats!"
Napatitig nanaman ako sa mga mata niya. Gustong gusto ko yung shade ng Gray sa mga mata niya. Sobrang nakaka-akit. Dapat matanong ko siya next time kung totoo ba yung mga narinig ko dati na Irish ang grandparents niya pero pure Filipinos naman ang magulang niya. Nakakapagtaka.
--
Pagkatapos naming bumili ng pagkain sa canteen, hinarang kami sa may pinto ni Renzo.
"Anong problema mo?" natatawang tanong ko sa kanya. Seryoso naman ang itsura niya pero kasi yung bago niyang gupit, nagmukha siyang manok na may palong. Hinawakan ko ito at lalong natawa. "Ang cute mo."
Ngumisi naman ito. "Thank you, love."
Umiling ako pero ngumiti pa din. "Wag mo ko tawaging 'love', please."
Lalakad na sana ako pero hinarang nanaman niya ako. Seryoso na. Anong problema ni Renzo?
"Date tayo." Anong nakain nito at biglang nag-aaya ng date?
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Fiksi RemajaIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?
