First
"Towel mo?" tanong ni Mama sa akin habang nakatayo siya sa may pintuan.
"Nalagay ko na po."
Kasalukuyan kong inilalagay lahat ng gamit ko sa backpack kong gagamitin ko para sa swimming mamaya sa bahay ni Lance. This is it pancit, ang first ever party with my friends!
"Bikini mo?"
Agad-agad akong napatingin sa direksyon niya at napatigil sa paglalagay ng gamit sa bag ko, naabutan ko siyang nakangisi at umiiling. Seryoso ba siya dun? Bikini?
"Ma? Bikini?!" pinanlakihan ko siya ng mata na ikinatawa niya. "Eww ha. T-shirt and shorts nga lang na simple ang dadalin ko eh tapos bikini? Eww."
"Ikaw naman baby ko, hindi na mabiro." Tawa niya. "Makikita mo lang yung crush mo ganyan ka na."
"WOW?!" tingin ko sa kanya habang umiiling. "CRUSH? HINDI KO CRUSH SI LANCE!"
"Wala naman akong binabanggit na pangalan ah, ikaw ang nagbitaw ng pangalan ni Lance! Masyado kang defensive."
"Ma naman eh." Sumimangot ako habang tinitignan siya.
Bigla namang may nagdoorbell kaya bumaba na si Mama para pagbuksan ito ng pinto. Sigurado naman akong si Evian na yun kaya sinarado ko na ang bag ko at sumunod na kay Mama.
"Good afternoon po tita!" ngiti ni Evian pagkabukas ng pinto sa kanya ni Mama ng pinto at nagmano.
"Bless you," ngiti ni Mama sa kanya. "Pasok ka muna, nagbibihis pa ata si Daddy."
Pumasok na si Evian at ngumiti sa akin, "Ready ka na ba?"
"Oo," tumingin ako sa tabi ko. "Upo ka, dali."
"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong niya matapos umupo.
"Wala na po, inay." Tawa ko.
Nakita ko namang napasimangot siya at umiling, ang kulit kasi parang si Mama lang!
"Tara na?" sabi ni Daddy nang makababa na siya.
"Tara na po."
~*~*~*~*~*~*~*~
Sumakay na kami sa kotse at sinabi na ni Evian ang address ni Lance. Kinakabahan ako na parang naiihi, ano ba dapat ang i-expect ko sa year-end party na yun? Kakaiba talaga yung feeling kapag first time eh no?
"Sure ka bang dito yun, Evian?" bulong ko sa kanya pagkatpaos naming lumiko ng ilang kanan at ilang kaliwa.
"Sure ako." Aniya pagkatapos ay tinaasan ko siya ng kilay ko. "Well, hindi. Alam kong parang ganitong daan yun tapos kulay puti yung gate."
"Lahat ng gate dito sa kalyeng to ay puti." Bulong ko. "Lagot, nawawala na tayo."
"Kung hindi natin mahanap, pwede naman na tayong umuwi. Itutuloy mo na talaga yung pool party sa bathtub mo, Bianca." Sabi ni Daddy at tumingin saglit sa akin.

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Novela JuvenilIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?