Nakalimutan
Pagkauwi naming galing ng Hypermarket, agad kong inayos ang mga pinamili at nagpaturo kay Mama kung paano gumawa ng Maja Blanca.
"Nakuha mo ba?" tanong ni Mama sa akin binubuhos yung mixture ng mga ingredients sa isang lalagyan. "Madali lang naman gumawa nun, 'nak. Kailangan mo lang halu-haluin yung ingredients base dun sa recipe."
"Opo Ma, thank you!" masayang sabi ko sa kanya! Aba, tumulong ako sa paggawa nung Maja Blanca! Meaning ako na din yun.
"Sige na, ilagay mo na 'to sa refrigerator." Inabot niya sa akin ang lalagyan. "Kakainin natin yan mamaya."
Napalingon ako sa kanya nung sinabi niya yun kaya medyo umalog yung hawak kong Maja Blanca.
"Dahan-dahan lang anak!" napalakas niyang sabi at inalalayan ang hawak ko.
"Pwede po bang mag-baon ako ng marami bukas, 'my?" tanong ko sa kanya ganit ang nagmamakaawa kong tono.
"Basta ba may matirang marami eh." Tawa niya.
Ipinasok ko sa refrigerator ang lalagyan at sinara ang pintuan nito. "Sige na mommy, please?"
"Sige. Titiran na lang natin ikaw ng madami para sa baon mo bukas." Sagot ni mama at binalikan ang niluluto niyang ulam.
"Thank you Mommy! I love you!" sabi ko at tumakbo papunta sa kwarto ko.
Hawak-hawak ko ang cellphone ko at pinuntahan ang profile ni kuya Charles. Should I message him or not? Gumawa pa ko ng Maja Blanca kung hindi ko naman din pala ipapaabot sa kanya diba?
Bianca Mariano:
Kuya Charles, pwede po bang magkita tayo bukas pagkatapos ng klase? May ibibigay lang po ako. :)
Ilang minuto ako nag-intay bago ko nakitang online na siya. Ilang beses kong tinitigan ang message box pero wala pa din. Online siya pero hindi niya nakikita ang message ko!
√ seen 5:22 PM
Omaygosh! Nakita na niya! Nakita na niya! Pero bakit hindi pa siya sumasagot? Natetense ako, nararamdaman kong namimilipit ang tyan ko at parang nanlalamig ang katawan ko. Nakita kong nagsimula na siyang magtype at mas lalo akong kinabahan.
Alexander Charles:
Sige sige. Ano ba yan?
Bianca:
Secret po kuya! See you tomorrow po.
Alexander Charles:
Hindi naman siguro bomba yan diba? Haha! See you tomorrow! Ingat ka. :)
"MAY SMILEY FACE!" tili ko. Sinend-an ako ng crush ko ng smiley face!
"Bianca!" sigaw ng nanay ko pagkabukas ng pinto ko. "Napano ka?"
Tumigil ako sa kakatalon ko sa kama at umupo. Ngumisi ako sa kanya at umiling lang, alam kong mukha akong tanga pero minsan lang ako magkaganito!
"Bakit ka namumula?" tanong niya at nakakunot ang kanyang noo.
"Ha?" pinaypayan ko naman ang sarili ko ng kamay ko at tumayo para buksan ang electric fan sa tabi ko. "Mainit po kasi, nakalimutan kong buksan yung fan."
"Wag kang sigaw ng sigaw, akala ko kung ano na nangyayari sayo eh." Aniya at lumabas.
"Mama naman eh," bulong ko at tumayo mula sa kama at sinara ang pinto. "Pintuan please. Pintuan."
--------
Kinabukasan, excited na excited na kagad akong matapos ang classes. Pang huling subject na naming at gumagawa na lang kami ng seatworks sa English ngayon.
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?
