Dedicated to CaptainJacque for inspiring me these days. Hart hart! Thank you very much! :)
--
Pickpocket
Tik tok. Tik tok.
20 minutes pa before time? Nababagot na ko, dumudugo na ilong ko sa English subject na 'to."Alright class, that's all for today. Just remember that you need to submit your requirements before your quarterly exam. Be responsible, you are already high school students. Konti na lang magiging high school na kayo." Ani ng teacher namin.
You read it right, high school students na kami. Parang kelan lang nung grade school kami, ngayon, kami na ang babies ng high school. Sobrang proud ako sa sarili ko nung sinabing nakapasa ako sa Math namin last year! Kahit na pasang awa, thankful pa din ako. Nagpromise ako sa sarili kong babawi ako ngayon. Hinding-hindi na ko magiging katulad ng dati.
"Yes ma'am." Sagot naming lahat. Wala na talagang pumapasok sa utak ko, gusto ko na mag-lunch!
"You may go." SA WAKAS! Tumayo ako sa upuan ko nang maramdaman ko na nagvibrate ang phone ko mula sa aking bulsa.
"Bianca, late ko na kayo masusundo ni Kiersten ah? May urgent meeting kasi ako. I love you."
Late pala kami susunduin mamaya ni Papa. Siguro by that time, wala na masyadong tao sa school. Nakakatakot pa naman 'tong school na 'to kapag palubog na ang araw.
"Bianx, tara na! Mahaba nanaman ang pila sa canteen, ang bagal-bagal mo kumilos kahit kelan!" Sigaw ni Eloise sa may pinto habang winawagayway niya ang kanyang wallet para kuhanin ang atensyon ko. Unti-unti na din kasing lumalabas ang kaklase namin para bumili ng lunch.
"Bilisan mo, Bianca. Nagwawala na yung anaconda ng best friend mo." Tawa ni Ayesha.
"Saglit lang kasi," kinapa ko lahat ng bulsa ng bag ko hanggang makita ko wallet ko. Tumakbo ako papuntang pinto at nginitian si Eloise. "Tara na."
"Hayy nako, kahit kelan ang bagal-bagal!" Sabi niya ng pabiro.
"Sorry naman, may binasa kasi akong text galing kay Papa."
Pagdating namin sa canteen, tama nga si Loi, ang daming tao tapos abot hanggang covered court pa ang pila. Nakakahimatay pa naman ang init ngayon, kahit sabihin nating covered court naman, andun pa din ang mainit na singaw ng paligid."Sorry talaga, Loi!" Sambit ko habang nakayuko.
"Ayos lang 'no, nadismiss naman tayo ni Ma'am ng 20 minutes early. Keri pa natin pumila." Sabi niya habang tinatanaw ang dulo ng pila. "Sino ba kasi pinagkakaguluhan doon? Hindi na lang kasi pumila, bumili, at lumabas!"
Tinignan ko naman ang sinasabi niya, sa dulo ng pila, merong grupo ng mga babae ang nagtitilian. Baka naman may bagong luto si Aling Marina?
"Nakakainis ah! Ang init-init dito sa court tapos tumatambay lang sila?" Dagdag ng babaeng nasa harapan namin.
Unti-unting umusad ang pila, pasalamat na lang kami na medyo mabilis naman ang pag-galaw. Konti na lang ata ang matitirang bituka ko kapag hindi pa gumalaw.
"Ate, tocino meal po--" sinasabi ko pa lang kay ate Gwen yung order ko nang biglang magkagulo sa likod ko.
"Hoy Lance! Huwag kang sumingit, kanina pa kami nakapila dito tapos mangunguna ka lang ng basta-basta?!" Sabi ng isang tao.
"Oo nga, Ardevela! Umayos ka naman, bro!" Dagdag pa ng isa.
"Hindi ako sumisingit! Titignan ko lang kung anong ulam!" Sagot niya sa mga kaibigan niya habang nakangisi."Palusot pa ang loko, hmp." Bulong ko at ibinaling ang tingin ulit sa harap. Isang taon na ang lumipas pero ganun pa din kami ni Lance. Magkaaway. Hindi pa din ako maka getover sa ginawa niya last year, ugh! Gusto ko talaga siyang tusukin ng tinidor. Ayy wait, animal cruelty pala yun.
"Ate, tocino meal po tsaka tubig." inulit ko kay ate Gwen sabay abot ng pera kong dalawang daan.
"Ate, gawin mo ng dalawang tocino meal tapos walang tubig. Dagdag mo na sa bayad ni Bianca. Salamat!" Ngisi niya kay ate Gwen.
Aba! Ang kapal ng loko, sa'kin pa pinabayaran ang lunch niya. Nakakainis talaga! Nangaasar nanaman siya. Nafeel ko tuloy na nanlisik ang mata ko sa ginawa niya.
Dahil madaming tao ang nag-aantay, madaliang inabot sa akin ni ate Gwen ang sukli ko. 60 pesos na lang ang natitira sa akin dahil ako ang nagbayad ng lunch ng loko.
"Next na please! Mahaba pa ang pila!" Sigaw ni aling Marina.
"Hoy Lance, akala ko ba titingin ka lang ng ulam? Bakit sumingit ka?" Sita ni Russel."Oo nga, mahiya ka naman sa mga pumila!" Dagdag ng isa pa.
"Wag kayo, nilibre ako ni Bianca The Great!" Tawa niya sabay labas.Nagkatinginan kami ni Loi, nagsimula nanaman kumulo ang dugo ko sa kanya! Nakakairita na siya ah! Hinabol ko siya at naabutang naglalakad na para bang walang pakialam sa mundo.
"HOY LANCE!" Sigaw ko. Hindi man lang siya tumingin, tuluy-tuloy siyang lumabas ng covered court. Sira nanaman ang araw ko!
Sa lakas ng sigaw ko, nag-echo ito sa buong covered court. Hindi ko napansin na andun pala ang aming dragon na principal na si Ma'am Dolores. Tumingin ito sa direksyon ko at nakapamewang suot ang kanyang 'pumunta-ka-sa-office-now' look. Lagot, handa na siyang magbuga ng apoy!Napalakad kami ng mabilis ni Eloise palabas ng covered court para makatakas at mahabol ang tukmol!
"Lance!" Sigaw ni Loi, at sa wakas! Lumingon ang loko!
"Bakit?" Ngisi pa nito sa amin. Konti na lang, sasakalin ko na 'to.
"Bayaran mo lunch mo." Nilahad ko ang palad ko sa kanya.
"Libre mo 'yun ah, bakit ko kailangan bayaran?" Pang-aasar niya pa lalo, napanganga ako bigla.
"Loko ka pala eh! Sinong nagsabi na ililibre kita? Bigla-bigla ka na nga lang sisingit tapos ilalagay sa pera ko yung inorder mo eh."
"Basta, libre mo na 'yun." kindat niya pa sa akin at tumalikod. Lalong kumulo ang dugo ko sa ginawa niya.
Tumingin ako kay Loi at pinahawak ang lunch ko. Naglakad ako ng mabilis para maabutan ko nag nagmamadaling Lance.
Nakita ko ang wallet niya na pwedeng-pwede kong dukutin mula sa back pocket ng pantalon niya. Dahil maraming tao ang dumadaan, tumigil siya saglit para dumaan ang mga ito. Dito ako nagkaron ng chansang para dukutin ang wallet niya.
Nung dudukutin ko na sana ang wallet niya, biglang may tumulak sa kanya na siyang nag-allow para pumasok ng tuluyan ang kamay ko sa back pocket niya. Agad ko namang kinuha ang wallet niya at lumayo.
"Ikaw ah, chansing ka! Hinawakan mo pwet ko!" Sigaw niya pagkalingon niya sa akin, nakita niyang hawak ko ang wallet niya.
Namula ako sa pageeskandalo niya, hindi ko naman sinasadya eh! Gusto ko lang naman kunin yung wallet niya para kumuha ng bayad pabalik. Tinignan tuloy kami ng mga taong dumadaan, ang iba sa kanila ay tumigil para panuorin kami."Crush mo ko 'no?" Dagdag pa niya sa nakakaasar na boses.
"Shut up, hindi!" Sigaw ko sa kanya, naramdaman kong nag-init ang tenga ko sa hiya.
"Uyy! Ikaw Bianca ah! Hindi mo naman sinasabi na crush mo si Lance." Sabi ng isa naming kaklase. Tinignan ko si Loi, nakatulala siya pero konti na lang, alam kong tatawa na yan.
"Hindi ko siya crush!" Depensa ko sa sarili ko.
"Ba't ka namumula?" Dagdag pa ng isa pa naming kaklase. Hinawakan ko ang pisngi kong mainit. Alam kong namumula ako, namumula ako sa public humiliation. Hindi dahil crush ko si Lance! Hindi ko siya crush!
Ipinatong ni Lance ang braso niya sa balikat ko at bumulong, "Wag ka mag-alala, Bianca. Marami naman talagang nag-kakagusto sa akin eh. Ang gwapo ko kaya. 'Ge, thank you sa lunch ah? Kiss na lang kita next time." Pagkatapos niya bumulong, kinuha niya ang wallet niya mula sa kamay ko.
"Uyyy!" Dagdag ng mga nanonood.
At umalis siya ng ganon na lang. Iniwan niya akong nakatingin sa likod niya ng madilim. Pasalamat siya wala akong kutsilyo sa kamay. Hahatiin ko talaga siya!

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Novela JuvenilIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?