Guitar
"Evian, ang sakit ng katawan ko." Reklamo ko sa kanya habang niyuyugyog siya.
Nakailang unat na ko ng katawan ko pero ang sakit pa din, parang sinagasaan ako ng sampung 10 wheeler truck.
"Bakit hindi ka kasi nagstretching kahapon?" Tanong niya.
"Nagstrectching ako, uy!" Sabi ko at inunat ulit ang kanan kong braso. "Ayoko na mag PE, pwede bang excused na ko forever dun?"
"Hindi pwede, kailangan mo maging fit." Tawa ni Eloise.
"Fit naman ako ah!" Depensa ko.
"Weh? Hindi ka nga tumatagal ng 10 minutes sa Xbox na puro galaw galaw yung laro." Tawa niya.
"True friend ka talaga eh no?" Nilingon ko ulit si Evian. "Hoy, asan na si boyfie mo?"
"Ako?" Tinuro niya ang sarili niya at luminga-linga sa tabi niya. "Boyfriend? Wala akong boyfriend no!"
"Eh anong tawag mo kay Kieran, aber?" Tanong ni Eloise habang nakangisi.
"Bestfriend ko lang yun." Sabay yuko niya.
Para sa akin, hindi lang sila bestfriends ni Kieran, konti na lang magsyota na yang dalawang yan eh. Magbestfriends kasi Mama niya at Mama ni Kieran, ever since, malapit na talaga sila sa isa't isa. Hindi man sila palaging magkasama sa school, lalo na't section A si Kieran, close pa din yan.
"Sinong niloloko mo, Evian?" Tawa ko.
"Hindi nga kami magboyfriend, may nililigawan yun no." Tumingin siya sa aming dalawa ni Eloise. "Bakit ba ako dinidiin niyo? Ikaw nga dapat ang magkwento Bianca, nakita mo ba titig ni Lance nung hinahawak-hawakan ka ni Renzo? Konti na lang papatay na yun!"
"Ayy oo nga, bet ko yung love team niyo eh. Umamin ka nga, sino mas gusto mo, si Lance o si Renzo?" Sabi ni Eloise.
"Bakit hindi si Eloise ang tanungin natin kung may boyfriend?" Pag-iiba ko ng topic pero hindi yan tumabla kasi umiling lang si Eloise at tumawa naman si Evian.
"Wag mo ibahin ang usapan. Marami akong boyfriend, fictional boyfriends. Wala pa yan sa utak ko ngayun, it will come." Aniya at inayos ang kanyang salamin.
"Adik ka talaga, Eloise." Sabi ni Evian. "Oh ano na, Renzo o Lance?"
"Bakit--"
"Narinig ko pangalan ko!" Singit ni Lance at tumabi sa akin. "Kamusta ka na, Bianca my loves?"
"Woo! BiNzo na ba ituu?" Pang-aasar ni Eloise.
"Pustahan tayo Loi, ang makakatuluyan ni Bianca ay si Lance." Sabi ni Evian.
"Renzo." Sabi naman ni Eloise at nakipagshake hands kay Evian.
Pero wala akong gusto sa kanila! Ang gusto ko ay si kuya Charles and kuya Charles only. Kuya Charles or no one.
"Tayo na ba, Bianca?" Lapit ni Renzo at hinawakan ang dalawang kamay ko. Hahalikan niya sana 'to nang binawi ko ito.
"Nanliligaw ka pala?"
Tumawa naman sila Eloise, "Basag ka Renzo!"
"Ang tagal ko nang nanliligaw sa'yo tapos hindi mo pa alam?" Hinawakan naman niya ang dibdib niya. "I'm hurt, loves."
"Evian!" Tawag ng isang lalaki, lumingon naman ako at nakita kong si Kieran pala. "Sabi ni tita sumabay ka na daw samin!"
Kinuha naman ni Evian ang mga bags niya at napakunot ang noo. "Uy guys, aalis na ko ah? See you tomorrow!"
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?
