Chapter 43

57 9 15
                                    

Chapter 43

Nagsimula ang klase namin na hindi ako pinapansin ni Mokong. And by Mokong I mean si Ardevela. Ang awkward kapag magkatabi kayo tapos hindi ka niya pinapansin, parang hangin lang?

Kung ayaw niya akong pansinin edi wag!

"Inaway mo ba yang si Lance?" bulong sa akin ni Evian pagkadismiss sa amin ng teacher naming para maglunch na kaming lahat.

"Hindi. Masyado akong mabait para mang-away ng tao, bakit ko naman aawayin yan?" bulong ko sa kanya habang nakatingin kami kay Lance.

"Bianca," tawag ni Renzo kaya napatingin kaming dalawa ni Evian. Pati na din ata si Lance na hindi naman namamansin biglang napalingon. "Tara kain tayo, libre ko!"

"uhm-"

Napalingon sa akin si Lance at nag-aantay ng sagot ko. Edi ngayon lumingon ka? Si Renzo lang pala sikreto sa paglingon mo eh.

"Sige Bianx, canteen lang kami ni Eloise." Pamamaalam ng kaibigan ko at iniwan ako sa gitna ng tension nila Lance at Renzo.

"May baon ako eh." Ngiti ko sa kanya. "Una ka na."

Dahan-dahan nitong ibinaling ang tingin kay Lance na napansin kong umangat ang gilid ng labi pero agad nitong tinakpan ekspresyon na iyon. Umalis na lang si Renzo na medyo nakakunot ang noo.

Wala na pala ang majority ng buong klase, lahat sila halos nasa labas para kumain at kaming dalawa lang ni Ardevela ang natira.

Awkward.

"Hindi ka ba kakain?" panimula ko kahit na hindi naman siya nakatingin sa direksyon ko.

Nilingon niya ako dahan-dahan at tinuro ang sarili niya. "Ako ba?"

Gusto kong sapuhin ang ulo ko habang umiiling. "Ikaw lang naman ang nasa harap ko diba?"

"Oo nga ako na lang ang nasa harap mo. Bakit hindi mo pa rin ako makita?"

"Ano?"

"Sabi ko may baon ako." Aniya at nilabas ang baunan niya.

Nilabas ko na din ang laman ng baunan ko at isa-isa itong binuksan. Cornbeef lang naman ang ulam ko kasi nagmamadali na si Mama magluto kanina.

Iniayos niya ang upuan niya para medyo nakaharap siya sa akin saka niya inilabas ang baon niya. Mukha tuloy kaming nagshe-share ng lamesa at nagdedate.

Naramdaman kong dumaloy nang mabilisan ang dugo sa mukha ko kaya yumuko ako para hindi niya makita. Nang iangat ko muli ang tingin ko, nakatitig siya habang ngumunguya ng pagkain niya.

Creepy?

"Bakit mo ko tinititigan?" nanginginig kong tanong. Hinawakan ko naman ang gilid ng bibig ko para tignan kung may dumi. Kaya ba siya tumitingin kasi may naipit na broccoli sa ngipin ko? Bakit pa kasi nilalagyan ni Mama ng broccoli yung cornbeef?

"Masama ba?" aniya at ngumisi. Sa pagngisi niyang iyon, nagningning ang mga mata niyang color Grey.

"Naka-contacts ka ba?" tanong ko at medyo inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya para matitigan ito. Paano ko nga naman ba malalaman kung may contacts yung tao eh hindi naman ako nagsusuot nun?

"Kung gusto mo kong halikan, magsabi ka lang. Ibibigay ko naman sa'yo, hindi mo na kailangan pang tanungin kung totoo mata ko." Biro niya at umiling.

"Nagtatanong ako ng maayos eh." Umupo ako ng maayos at inirapan siya kahit na namumula na mukha ko sa hiya.

"Totoo mga mata ko." Seryoso niyang sagot bago siya sumubo muli ng kanin.

Sumubo ako ng ilang kanin at ulam habang pinagmamasdan ang itsura niya. Hindi pa ako nagkaron ng chance na matitigan ko siya ng maayos at mapagmasdan ko ang itsura niya.

Kahit na madaming nagsasabi na kulay asul ang mata niya, kulay abo ang mga ito. Meron siyang light hair na bagay sa kulay ng balat niya. Hindi siya ganun ka-puti, sakto lang. Matangos ang ilong niya at-

"Masyado mo kong tinititigan, baka ma-inlove ka sa akin ng tuluyan." Biro niya tapos uminom ng tubig.

"In-love? Sa'yo? Oh please." Iling ko.

Ibinalik niya muli ang mga lalagyan niya sa baunan niya at naglabas ng maliit na supot. Napatitig pa rin ako sa kanya at sinusubukan maalala kung saan ko nakita ang kahawig niya. Baka sa TV? Internet? Basta may kahawig siya na kilala ko.

"O," aniya at pinapakuha ako ng Flat Tops.

"Ayos lang, sayo na." tanggi ko.

Kumuha siya mula sa supot at inilapag sa table ko ang tatlong piraso. Kaya ba tatlo para 'I like you'? Hayy nako, Bianca. Assuming ka naman masyado.

Nanahimik kami ulit habang napaligiran nanaman kami ng katahimikan. Hindi ako sanay na tahimik siya, hinahanap-hanap ko yung ingay niya o kaya yung pang-asar niya kahit na-nakakapikon.

"Tungkol sa kahapon-" Tinignan niya ako at tila nangungusap ang mga mata niya. "Sorry."

"Sorry para saan?" tanong niya at medyo inilapit ang sarili sa kinaroroonan ko. Close and still far.

"Hindi ko kasi alam-" hindi ko alam kung ano tayo. Kung may tayo nga ba o magkaibigan lang o-ugh!

"Ayoko maging kaibigan mo." Aniya at umiling. "Ayokong hanggang magkaibigan lang tayo."

Paano na ba dapat ako susunod na sasagot?

"Lance? Lance!"

Parehas kaming napatalon sa boses ni Jacelle habang hinahanap si Lance na akala mo nalulunod na. Pwedeng substitute ng sirena ng ambulansya tong isang to eh.

Tumayo na ako para malayo sa kanilang dalawa na baka maglampungan nanaman. Kinuha ko ang mga kalat na tissue at wrapper ng Flat Tops tapos lumabas para itapos ito.

Paano ka magiging sigurado o paano ka magtitiwala na gusto ka talaga ni Lance kung laging nandyan si Jacelle at mas bagay silang magkasama?

"Boo!"

Napahawak ako sa dingding sa gulat pero agad napalitan ito ng ngiti nang makita ko si kuya Charles na nakatayo sa harap ko.

"Kuya Charles namiss kita!" ngiti ko sa kanya.

Bakit ko pa kailangan isipin si Ardevela kung may kuya Charles naman diba? Ngiti lang ni kuya Charles swak na swak na. Good vibes na ko sa araw na ito!

"Namiss din kita." Ngiti niya. "Gusto mo ng kiss?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Kiss? Kiss as in yung ginawa naming dalawa ni Lance? Ayy anong ginawa? Ninakaw niya sa akin yun eh! Kaharap ko na nga si kuya Charles, Lance nanaman ang iniisip ko.

Matagal ko nang gusto ng kiss galing kay kuya Charles!

"Sige kuya!" sabi ko at medyo nagtiptoe pa ko kasi mas matangkad siya. Si Lance din naman matangkad eh, perfect-ano ba yan Bianca! Puro ka Lance.

"Eto na." aniya at nakalahad sa palad niya ang isang piraso ng Kisses.

"Ahh-" kinuha ko iyon at tinitigan. Bwisit ka, akala ko Kiss niya! "Thank you po kuya."

"Sige mauuna na ko Bianca ha, baka kasi hinahanap na ko ni Kim eh." Ngiti niya.

Kim? Yung nasa party yun diba? Yung babaeng kasama niya?

"Sige kuya, see you around!" masayang paalam ko sa kanya.

Nang maka-alis na siya tinitigan ko pa din yung kiss na nasa palad ko. Umasa ako sa kiss. Sabi nang too good to be true eh! Nagbuntung hininga ako at umiling.

"Isang piraso lang?" kantyaw ni Lance.

"Manahimik ka nga." Kahit na isang piraso lang to at least galing sa taong special sa akin.

"Mas masarap naman ang Flat Tops kaysa sa Kisses no." iling niya at pumasok na lang sa loob.

Anong pinararating nun? Pinararating niya ba na mas masarap siya? Wait, ano daw?


To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon