Chapter 48

68 7 7
                                    

Note: Last update na wala akong pasok. Huhuhu. Thank you for reading!


--


Chapter 48

"Uy Renzo," this is the start of a new friendship. Am I right? "Kamusta naman yung emergency mo sa bahay?"

"Ayos lang." aniya at umalis agad. Ngumiti naman siya pero ang cold niya na sa akin. Anong nangyare sa pagiging friends?!

"Bianca naman eh, pinatalo mo agad ako ng walang laban." Bulong ni Eloise sa akin. "Hangga't walang kasalan, si Renzo ang makakatuluyan mo."

Para sa isang subject namin, required kaming magpresent ng talent as a team. Kakatapos lang ng grupo namin ni Eloise sumayaw kaya nagpapahinga kami. Nakalagay ang mga pinagpatong-patong na upuan sa gilid ng room habang ang mga lamesa naman ay nakalagay lang sa gilid. Hinihingal na ko kaya umupo na lang ako sa taas ng lamesa at nagpaypay ng sarili.

Nasa isang sulok si Lance at yung iba niyang ka-grupo na nagprapractice ng kantahan. Dahil nga isa yun sa mga talent niya, yun na ang iprepresenta niya para sa subject namin.

"Guys," maarteng sabi ni Jacelle sa kabilang sulok ng room. "from the top! 5, 6, 7, 8."

Tumugtog ang Jai Ho mula sa mga speakers ni Jacelle at nagsimulang gumalaw ang J4. Belly dancing ang iprepresent nila kasi...?

"Balita ko ang susuotin daw nila ay yung kita pusod." Bulong sa akin ni Eloise habang pinapanood namin silang gumalaw.

"Let's make pahinga na nga please." Naiirita niyang sigaw. At least marunong siya mag 'please'. "Kanina pa tayo repeat ng repeat sa dance step na yun. It's not that hard."

"Hindi daw mahirap pero ang tigas-tigas ng katawan niya." Side comment naman ni Eloise kaya natawa ako. Nakuha ko naman ang attention ni Bruha kaya tumingin siya ng masama sa akin.

Hindi namin ka-grupo si Evian unfortunately, nasa kabilang grupo siya at tumutugtog ng gitara.

"Ang cute ni Kieran." Sabi ni Eloise sa akin ng hindi niya ata namalayan.

"Crush mo best friend ni Evian?" asar ko sa kanya.

"Hindi uy, pero tignan mo." Turo niya kay Kieran na siyang may hawak ng gitara ngayon. "Gusto ko silang magkatuluyan ni Evian."

"Pero bestfriends nga lang kasi sila." Malungkot kong sabi.

I would like to read a story one day na sila ang nagkatuluyan. Sana talaga.

Nagsimulang tumugtog si Kieran kaya pinanood ko siya habang expert na gumagalaw ang mga kamay niya sa board ng gitara.

She's the girl that no one ever knows

And I say hi, but she's too shy to say hello


She's just waiting for that one


To take her hand and shake her up
I bet I could

I wish my heart was always on her mind


'Cause she's on mine like all day, all the time


Forget me not, forget me now


I've come too far to turn around


I'm here tonight

Nanlaki ang mata ko nuong narinig ko nanaman ang boses ni Lance. Hindi ko talaga malilimutan kung gaano ka-sarap pakinggan ang boses niya. Ngayon para niya akong-

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon