Hi! Gusto ko lang po pasalamatan lahat ng nagbabasa nito. Mapasilent man o hindi. I hart hart all of you. :)
--
The Green Straw
Walang nakalimot sa ginawang stunt ni Lance last week, naturingan pa nga kami na "Couple of the Year" ng buong school. Nako, kung alam lang nila, hindi kami couple or anything. I hate him! Wag silang assumingera at assumingero, walang kami. Hindi magiging kami.
"Hi Mrs. Ardevela!" sigaw ni Eve mula sa doorway. Nako, hanggang ngayon pa din ba naman? Bianca Mariano-Ardevela? Such eww-ness.
"Don't say bad words, Evian Jacque Padilla." sabi ko sa kanya at pinagpatuloy na walisin ang mga kalat sa classroom, kami kasi naka-assign na maging cleaners for today eh. Nagsi-uwian na nga halos lahat ng ibang cleaners na kasama dapat namin, kami ni lang ni Eve ang natira. Konti na lang naman yung kalat, ayos-ayos na lang ng gamit tapos yun na.
"Aba, ginamitan mo pa ko ng full name ko ah. Hoy Mrs. Ardevela, alam mo bang nakapasok sa RhythmMovers and Dynamics yung asawa mo?" Aniya at tumawa ng malakas, anong problema mo ngayon Evian at ako ang inaasar mo?
"Seryoso, I don't care. Kahit lapain pa siya ng mga leon diyan, I honestly don't care." sabi ko sa kanya, pero para namang hindi ako sineseryoso kasi tinawanan nanaman ako.
"Ang defensive mo naman Bianca," tawa nanaman niya. Seriously, sobrang saya ngayon ni Evian at lagi niya ko tinatawanan.
"Eh kasi, wala naman talaga! Walang kami at hindi magiging kami," sabi ko habang inaayos ang mga upuan. "Tyaka, I hate him."
"Bee, paano na lang kung kayo magkatuluyan ni Lance? Wag ka magsalita ng tapos." seryosong sabi niya.
"Walang kami, tapos." Inayos ko ang teacher's table pagkatapos ay tumingin sa kanya. "Tara na, Eve. Mag-aantay pa tayo ng sundo natin sa labas."
Tumungo siya at lumabas na kamii, malelate nanaman daw kasi si Daddy kayaeto mag-aantay na lang ako dito ng late.
Pagkalabas namin sa waiting area, nakita naming may matandang babae ang nag-aantay duon, hindi ko kilala kung sino iyon pero familiar ako sa mukha niya,
"Bee," bulong sa akin ni Evian at medyo hinila pa ko. "Yan yung mommy ni kuya Xander!"
Napatitig naman ako ng matagal sa babae, kaya naman pala mukhang familiar sa akin! Yun ang mukha ng future mother-in-law ko!
"Ganon ba? Omaygas." Bulong ko sa kanya.
"Magb-bless ka ba?" Tanong niya sa akin. Seriously, I don't know. Hindi naman niya ako kilala tapos hindi naman kami ganong ka-close ni kuya Charles.
"Ma!" bati ng isang boses, boses pa lang niya sobra na ang kalabog ng puso ko, Naramdaman ko ding naestatwa nanaman ako sa kinatatayuan ko, omaygas. Meters away lang si crush pero hindi ako makapagsalita o makagalaw!
Hinalikan niya sa pisnge ang kanyang Mommy. Nakasuot ngayon ito ng basketball uniform, aside pala sa RhythmMovers, varsity din ito ng school.
"Susunduin niyo po ba si Czyrah?" tanong niya sa kanya at napatingin sa direksyon namin. Nagsalubong ang mga mata namin, ngumiti at kumaway siya. There goes my fast heart beat.
"Hi Bianca!" aniya at tumingin kay Eve. "and Bianca's friend, Evian."
Hindi pa din ako gumagalaw sa pwesto ko at naramdaman ko na lang na hinatak ako ni Evian palapit kay kuya Charles.
"Ah eh, hello po." sabi ko at yumuko. Umakyat nanaman ang dugo ko sa ulo ko.
"Ma, mga kaibigan ko po, si Bianca at si Evian." tumingin siya sa amin. "Mommy ko."
"Hi Bianca and Evian! Ang gaganda niyo naman." ngiti nito sa amin. "At sobrang namumula pa si Bianca."
Napayuko naman ako lalo, huhu. Bakit ang observant po ni mommy?
"Nainitan lang po, hehe." ani ni Eve.
"Ang cute mo naman." sabi ni mommy--este ni tita. "Sige, Xander. Iiwan na kita ah? Andyan na si Czyrah eh. Take a break naman, eto money. Kumain kayo ng snacks nila Bianca."
"Opo Ma, ingat po kayo pa-uwi." At kiniss ang pisnge nito.
"Bye po!" sabay naming paalam ni Eve. Grabe, ang init pa din ng mukha ko! Nakakahiya!
Grabe Bianca, hindi pa kayo ni kuya Charles your lab, nagkaron ka na ng meet the family member. Asensado ka na ah!
"Tara, meryenda tayo saglit." aya ni my labs.
"Ha? Nakakahiya naman po kuya Charles, wag na." sagot ko sa kanya.
"Nako, wag ka na tumanggi. Saglit lang break namin, pagagalitan ako ni coach kapag hindi ako nakabalik." at ngumiti siya at nagsimula na maglakad papalabas ng school. "Tara na!"
"Wag kang makulit, Bianca. Libre na nga tatanggihan mo pa." sagot ni Eve at hinila ako papapunta sa direction ni kuya Charles.
Dinala niya kami sa Starbucks na malapit lang sa school namin, grabe. Ang yaman naman nila kuya Charles, Starbucks pa talaga?
"Anong gusto niyo?" Tanong niya sa amin at ngumiti. Shemay, lumabas na ang mga dimples niya. ANG MGA MAHIHIWAGANG BUTAS NIYA SA PISNGE!
"Ahm, kahit ano na lang po." Sagot ni Evian.
"Nako, wala yan sa menu ng Starbucks." Tawa niya, puso ko nalalaglag na.
"Uhm... Caramel Frappe na lang po sa akin." Sabi ko ng mahina.
"Anong size?" Tanong niya muli.
"Small na lang po." Sagot ko.
"Ngeh, nahiya ka pa. Gawin na nating Venti, minsan lang naman eh." Ngiti niya.
"Choco Chip Cream na lang po sa akin, kuya Xander." Sabi sa kanya ni Eve.
Umalis naman si kuya Charles para umorder, tumingin naman sa akin si Eve na ngumingiti na parang nang-aasar pa.
"Ikaw ah, may Lance ka na meron ka pang 'Charles' nakanaks! Iba na talaga ang maganda." Pang-aasar pa niya. "Pero TeamLanCa ako, emsosarreh."
"Shatap." Bulong ko sa kanya at umiling.
"Eto na mga drinks niyo!" Sabi ni kuya Charles at inabot ang mga frappe namin. "Tara na, balik na tayong school?"
Pagkabalik namin ng school, saktong nandun na ang sundo ni Eve kaya umalis na siya at si kuya Charles naman ay kinakailangan na bumalik sa practice kaya naiwan ako sa may waiting area. Hindi ko pa ginagalaw ang frappe at hindi matanggal ang ngiti ko sa mukha.
Nagchcheck ako ng Facebook kopagkadating ko ng bahay nang makita kong may iniinom si ate Kiersten na inumin, nung una hindi ko pinansin, pero sa pangalawang tingin ko, nakita kong Starbucks frappe ang iniinom niya.
Agad-agad akong tumakbo papunta sa ref namin para i-check kung nandun pa yung frappe na iniwan ko.
"Ate Kiersteeeeeen!" Sigaw ko papunta sa kanya. "Akin yan!"
Oh no, ininom ni ate ang frappe na nilibre sa akin, ang frappe na bigay sakin ng crush ko.
"Sorry, Bee. Wala na eh." Sabay alog niya nung walang laman na baso ng Starbucks. Huhu. "Di bale, bibilan na lang kita ng bago."
"Oh no." Mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Hala, bibilan kita talaga ng bago. Promise." Aniya at tumayo para itapon ang baso pero tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya.
"Ate akin na lang yung straw kahit wag mo na ko bilan ng bagong frappe!" At kinuha ko yung straw at idineretso sa banyo para hugasan.
"Ang weird mo, Bianx." Sabi niya habang natatawa.
At least, kahit hindi ko natikman yung frappe, straw na lang na green na lang ang itatago ko. Kinuha ko agad ang scrapbook ko mula sa kwarto at idinikit ito dun.
"Hayy Bianca Mariano-Faundo." Bulong ko. "Konting push pa."
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?