Chapter 39

108 10 19
                                    

Note: Sa mga nagtyagang mag-antay, thank you very much po! I love you from the bottom of my hypothalamus. 


-----------------------------------




Pagkatapos ng nangyare na iyon sa kwarto ni Lance, walang sabi-sabi na umalis ako at tumakbo pababa para puntahan ulit sila Evian at Eloise.


"Bianca!" tawag sa akin ni Evian nang makita nila ako na papalapit ako sa kanila.


"San ka dinala ni Lance?" tanong ni Eloise habang pinapanood akong hinahabol ang hininga ko. "May nangyare ba?"

"Ha?" napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata. "Nangyare? Lance?"

"Bakit ka tumatakbo?" tanong naman ni Evian.


Tinatakbuhan ko kasi yung nabigyan ko ng first kiss ko.

Nang maisip ko ang mga mga malalambot na labi ni Lance na dumampi sa mga labi ko, napapikit ako at napailing. Erase erase! Bakit kasi bigla siyang lumingon diba? Dapat sa pisngi lang yun!


"Wa—walang na—nangyare!"

"Bakit ka nauutal? Bakit mas nagiging kamatis ang mukha mo?" diin pa ni Eloise.

"W—w—wala nga sabi!"

"Wala? Sure ka?" tanong ni Evian ulit.

"Wala nga," sabi ko habang tinitignan ang paligid at inuutusan ang puso ko na dumahan-dahan naman sa pagtibok, daig pa nito ang kabayo sa bilis ng tibok eh. "Tara na nga kasi."


Habang naglalakad kami pabalik sa pool, nakasalubong namin si Jacelle at ang mga alipores niyang naka-bikini, isa sa mga alipores niya ay naka suot ng kulay blue at ang isa naman ay naka kulay green. Mukha tuloy silang Power Puff Girls na maldita, nakakairita tignan! Kulang na lang magsuot sila ng headband eh.


"Look what the cat dragged in!" sigaw ni Jacelle at tumayo mula sa pagkakababad niya ng mga paa niya sa pool.

"Ano namang problema mo?" tanong ko.

"Ikaw," aniya at lumapit sa akin para duru-duruin ako sa dibdib. "Ikaw ang problema ko."

"Alam mo, wala naman akong ginagawa sa'yo eh, bakit ba ang laki ng galit mo sa akin?" tanong ko habang nararamdaman kong nanonood sa tabi ko si Eloise at Evian.

"Ang pathethic mo kasi," aniya ang iniirap-irapan ako. "Really? You had to pretend to drown just to make papansin to Lance?"

"Hindi ako nagpapapansin kay Lance no." sabi ko.

"Inggit ka lang," dagdag ni Evian. "Ikaw kasi, kahit anong papansin mo, hindi ka pinapansin ni Lance."

"Hindi ko kailangan magpapansin, ako ang gusto niya." Aniya. Halata sa boses niya na naasar na siya.

"Lance!"


Habang nagtititigan kaming dalawa ni Jacelle, biglang may sumigaw ng pangalan ni Lance kaya napatingin kami pareho sa direksyon na iyon. Agad-agad tumibok ng mabilis ang puso ko at biglang gusto ko maging pagong para taguan si Lance.


Lupa, lamunin mo na ako ngayon din! Tinitiyak kong magiging healthy ka at maraming tutubong halaman sayo.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon