Note: Hashtag theendisnear. chos.
Chapter 59
"Ilang araw ba kayo magiging ganyan, ha?"
Tinignan ko si Eloise na parang walang idea sa tanong niya, "Nino?"
"Kunwari ka pa eh," aniya at umupo sa tabi ko. "tinotorture mo si Lance."
Tinotorture? Eh siya nga yung nanakit sa akin. Eh hindi naman siya ang humalik sa bruha, bulong naman ng konsensya ko.
"Sige ka, baka makahanap yan ng iba."
Edi okay. Feeling ko nga nakahanap na siya eh, hindi pa man din 'kami' may nahalikan na siyang iba. Edi magsama na sila hamangbuhay!
"Uy joke lang ha," tawa niya nang makita niya yung expression ko. "mahal ka naman niyan eh. Hahabulin ka ba niya kung hindi?"
Sa 'di kalayuan, narinig naming napa-bahing si Lance at pasinghot singhot ng ilong.
"Kita mo, nagkasakit na siya at lahat para lang habulin ka." Turo niya kay Lance na umaaligid aligid. "Uuwi na ako bago pa ko abutin ng ulan, ikaw din umuwi na."
"Opo, Mommy." Pang-asar ko sa kanya. "See you tomorrow!"
Hinatid ko siya sa may gate kasi ayaw ko pa umuwi. Bakit? Eh hindi ko pa feel umuwi eh.
Kaninang umaga, sobrang maaraw at hindi mo iisiping uulan sa sobrang sikat ng araw. Pero ngayong hapon na, biglang kumulimlim at parang uulan pa nga ata ng malakas.
"Bianca,"
Napatigil ako pero hindi nilingon ang malambing na boses ni Lance. Hindi ko pa din tanggap, okay?
Nakakatakot naman magkaron ng boyfriend na gwapo, parang lagi kang may takot na baka... ugh.
Para saan pa ang tiwala, Bianca?
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya.
Tumingin ako sa relos ko, nagkaron na ko bigla ng motivation umuwi. "Uuwi na pala ako, bye!"
Pumasok ako para kunin yung bag ko nang hindi tumitingin sa kanya. Dali-dali din ako bumalik papuntang gate nang bumuhos na ang luha ng mga ulap na matagal nitong pinipigil.
Bakit ba laging umuulan kapag magkasama kami ni Lance? Sign na ba ito ni Lord na ayaw niya kami paghiwalayin kaya umiiyak siya?
"Wag ka munang sumugod, baka magkasakit ka." Aniya at napabahing nanaman ng malakas.
"Bianca," maamo niyang sabi pero hindi ko siya tinitignan. "galit ka pa ba?"
Huminga ako ng malalim at hinarap siya, "Hindi ako galit no. Bakit ako magagalit sa kaibigan ko?"
Napasimangot siya at naghalukipkip. Inilabas ko ang phone ko at sinubukan na itext si Daddy kung pwede na lang ako sunduin, makalipas ng ilang minuto ay sinabihan niya akong na-stranded daw sila ni Mama dahil baha on the way pauwi kaya baka matagalan pa lalo bago ako masundo.
"Hmm..." kumunot ang noo ko habang nakatingin sa phone ko. "Bakit hindi ka pa umuuwi?"
"Ha? Inaantay lang kita makauwi bago ako umuwi." Napa-angat ang kilay ko sa sinabi niya. At bakit, aber?
"Umuwi ka na, hindi pa ko uuwi." Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa phone ko at napalunok. Susugod nga ata talaga ako sa baha para makauwi.
"Bakit hindi ka pa uuwi, sobrang dilim na?"
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Novela JuvenilIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?