Chapter 9

265 10 18
                                    

What Just Happened?

"Uy, narinig niyo ba? May crush daw si Grey Eyes dito sa section natin!" Bulong ng isa kong kaklase sa tabi ko.

"Really? Sino kaya ang maswerteng babaeng iyon?" Dagdag naman ng isa.

"Diba, couple si Bianca at Lance? Baka magselos si Bianca." Sabi ng isa.

Binaba ko ang binabasa kong libro ng malakas at humarap sa kanila. "Walang kami ni Lance, okay? Wag niyo nga idamay ang pangalan ko sa pangalan ng bwisit na yon!"

Napatahimik sila at tumingin sa akin ng naka-nganga, pagkatapos ay nagbulung-bulongan. Bwisit, kahit kelan ang chismosa!

"Bes, wag kang magalit sa kanila." Saway sakin ni Loi. Sino ba namang hindi mabubwisit, imbis na mag-aral na lang sila para sa quiz mamaya sa Social Studies pinag-chchismisan pa ang buhay ng iba! Wala namang ka-kwenta kwenta.

"Tss. Walang magawa sa buhay." Bulong ko.

"Baka naman affected ka lang sa bagong nalilink na babae kay Ardevela?" Bulong ni Eve na may halong pang-aasar.

"Hindi ako affected, makipag-halikan pa siya diyan sa babaeng nalilink sa kanya, I don't care!" Sigaw ko.

"Kalma lang 'te, hindi kita inaaway." Tawa ni Loi at Eve. Nako, pasalamat kayo at best friends ko kayo.

"Class," katok ng teacher namin. "Pumunta na kayo sa covered court for our P.E., okay?"

"Yes ma'am!" Sagot naming lahat.

"Bet ko this day!" Excited na sabi ni Loi. "Kasabay natin mag-PE yung kabilang section."

"Ayy! Malalaman na natin kung sino ang sinasabi ng mga bruha na karibal ni Bianca Mariano sa puso ni Lance Ardevela." Ani ni Eve at tumawa.

"Mga pauso niyo ah." Sabi ko habang inaayos ang uniform ko. "Tara na."

Pagdating namin sa covered court, nagkalat ang mga taga-section A. Sa kabilang dulo ay nakita ko ang grupo ni Lance na nakatingin sa section namin na papasok ng covered court, nagbubulung-bulongan sila at nagtuturo ng kung sinu-sino. Aba, sino nanaman ang pinaguusapan nitong mga to?

"Ok class, magkakaron tayo ng laban sa badminton. This will serve as your second practical quiz, am I clear?" Tanong niya sa aming lahat.

"Yes ma'am."

Agad-agad naman kaming kumuha ng mga badminton racket at shuttlecocks para magpractice. Hindi naman ako player talaga ng badminton pero kaya ko naman humabol para hindi siya lumapag sa ground.

"Evian Padilla, kalaban mo si Jericho Valleza." Sigaw ng teacher namin sa malayuan.

"Of all people, bakit si Echo pa?" Ani ni Eve at umiling-iling.

"Ano namang issue ang meron ka kay Echo at ayaw mong makalaro siya?" Tanong ni Eloise sa kanya habang pinatatalbog ang shuttlecock sa racketa niya.

"Eh athlete yan eh! Hindi naman ako varsity or physically fit tapos siya kalaban ko?" Dagdag ni Eve.

"Kaya mo yan, hindi naman nambabagsak si Ma'am. Minor na nga lang yan eh." Bulong ko sa kanya.

"Bianca Mariano and Jacelle Tomeldan." Sigaw ng teacher ko. Pagkarinig ko pa lang ng pangalan, napangiwi ako internally. Of all people, bakit si Jacelle pa?

"Sinusuwerte nga naman tayo, Bianx. Badminton player pa ang makakalaban mo." Tukso ni Loi. "Good luck!"

Bahagyang tumuwad si Jacelle para ayusin ang kanyang uniporme kung kaya't maraming nagsipulan sa aming paligid. Agad naman siyang tumayo ng maayos at nagflip ng hair.

Jacelle Tomeldan. Sino nga ba si Jacelle Tomeldan?

"Ang ganda ni Jacelle, ano? Nakakainsecure." Bulong ni Loi.

"Oo, super nakakainsecure! Ang puti-puti tapos ang sexy-sexy! Mukha siyang hindi first year! Tinalbog niya pa talaga ang ganda nila ate Louella. Tapos tignan mo," tumingin si Eve sa sarili niyang dibdib. "Nahiya naman dibdib ko sa kanya. Ang laki!"

Totoo ang mga sinabi ni Eve, super ganda talaga ni Jacelle. Mestisa in short. Grade school pa lang kami siya na ang mga inilalaban sa mga beauty contests, and puberty did a good job on her.

"Hindi ko inakalang mangagaling sa'yo yan, Evian." Iling ni Loi at bahagyang natawa. "Oo nga maganda siya. Pero ugali? Nako."

Tinaasan ko naman siya ng kilay, pero totoo. Maarte si Jacelle, maarte to the point na gusto mo na siyang sagasaan.

"I'm just stating a fact." Aniya at itinali ang buhok ng maayos. "Bianx, game mo na."

Kinuha ko ang aking raketa at pumwesto sa kabilang side ng court, naabutan kong nagwa-warm up si Jacelle. Nakita ko rin sa kabilang side namin na nanonood ng game yung mga lalaki ng section A.

"Go Jacelle!" Sigaw ng isa.

"I love you!" Wow grabe, 'love' agad?!

Tss. Oo na, ako na talo dito porket player talaga siya. Tapos ang dami niya pang supporter!

"Go Mrs. Ardevela!" Sigaw ng isang boses. Napailing na lang ako, hay nako best friends.

Matapos ang game, sobrang sakit ng katawan ko kakahabol sa shuttlecock at pumalo. Pagod na pagod ako habang si Jacelle naman ay parang walang nangyare. Maayos pa rin ang kanyang histsura, parang hindi nga siya lumaban. Kumpara sa akin na halos parang nakipagbakbak-an sa gera!

"Ang galing mo Jacelle!" Sigaw ng mga taga section A. Tss, oo na, ako na hindi magaling.

"P're, lapitan mo na dali!"

"Pagkakataon mo na yan!"

"Go p're!"

Ang ingay ng mga section A pero hindi ko pinansin, tumapat na lang ako sa harap ng malaking electric fan para medyo malamig-an kahit papano, grabe yung pagpapapawis ko sa larong yun! Feeling ko ang dami kong nabawas na fats.

"Ugh, nauuhaw na ko." Tumalikod ako sa electric fan para puntahan ang bag ko sa may kabilang sulok ng court nang may nakabangga akong lalaki sa harapan.

Tumigil ang mundo ko, tila nagslowmotion ang lahat. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakanganga at maski siya ay nagulat din. Ang kanyang kamay ay nakahawak sa dibdib ko. Kasalukuyang hinahawakan ni Lance ang dibdib ko, siya ang pinakaunang lalaki na nakahawak dito.

Agad niyang tinanggal ang kanyang mga kamay at itinaas ito na parang sinasabi na "I surrender!"

"Sorry!" Sabi niya habang medyo namula. Hindi ako makapagsalita, anong dapat kong gawin? Anong... Ugh!

Tumingin ako sa kanya ng masama, "Chansing ka kahit kelan, Ardevela."

"What? Chansing? Ako? Sayo? Nananaginip ka ba?" Aniya at tumawa. "Eh hindi nga kalakihan yang sayo eh. Let me rephrase that, flat chested ka pala."

Sinampal ko siya sa kaliwa niyang pisnge. Oo alam kong hindi naman malaki itong sa akin pero ang sama ng ugali niya.

"Hala pare, wrong timing yung tulak ko. Jacelle pala." Sambit ng kasama niya.

Tumalikod ako at naglakad papalayo. Bwisit siya!

"Hi Lance." Rinig kong bati ni Jacelle sa kanya.

"Oh, bakit ka galit?" Tanong ni Eve nang makarating ako sa pwesto niya.

"Wala." Malamig kong sabi.

"Okay, if you say so." Sagot niya. "Si Jacelle pala yung babaeng crush daw ni Lance sa section natin? Kawawa ka naman Bianca!"

"He!" Sigaw ko sa kanya at tumingin sa direction nila Lance. Nakita kong hinalikan ni Jacelle sa pisngi si Lance kaya naghiyawan ang mga taga section A.

Sus, mas maganda naman ako sa Jacelle na yan no. Mas maputi lang siya tyaka--Wait, san nanggaling yung thoughts na yun Bianca?! Ano naman kung crush ni Lance si Jacelle? Ugh! Naasar ako sa chansingero na yan.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon