A/N : Dedicated to Sweetysixteener for giving me the chapter title. Hahaha. Hart hart.
--
The Knight and his Shining Eyes
PE class nanaman namin ngayon, isipin mo, first subject namin PE tapos third subject namin Math? Hindi ba nakakadrain ng brain cells yun? Ugh!
"Ano bang practical naman natin ngayon, Loi?" Tanong ko.
"Grabe, bes. Practical kagad? Kakatapos lang kaya ng practical natin sa badminton!" Tawa niya. "Practice lang ata muna tayo ng volleyball."
"What. Volleyball!?" Tanong ko.
"Oo, as in volleyball."
"Ay, bet ko yan!" Natutuwang sabi ni Eve.
"Palibhasa player ka kaya natutuwa ka." Sabi ni Loi sa kanya.
"Madali lang naman yan eh. You make habol the ball then you make palo or salo." Tawa niya.
"Nako, umayos ka Evian!" Saway sa kanya ni Loi. "Wag mo gayahin ang pananalita ni Jacelle ah."
"Why do you care ba?" Tawa niya sabay flip ng hair. "Hoy Bianx, wag ka na madepress. Hindi ka mamamatay sa volleyball." Hindi naman kasi ako athletic tyaka takot ako matamaan ng bola.
"Eh, ang sakit kaya!" Sabi ko.
"Mas masakit ang injection kaya don't worry. Warm up ka na." Sabi niya habang nagsisimula na magwarm up.
"Let's start the game na, girls!" Sigaw ng isang boses.
Tinignan ko at nakita kong si Jacelle pala yun, nasa kabilang dulo siya ng court at naguunat-unat.
"Loi, player ba ng volleyball si Jacelle?" Tanong ko nang hindi tinatanggal ang tingin sa kanya.
"Oo." Aniya.
Nako, hindi lang pala sa badminton magaling si Jacelle. Masyado siyang blessed sa athletic abilities.
"Nanonood nanaman yung kabilang section, oh." turo ni Eve sa kabilang sulok ng court.
"Tara na, Bianca." Tawag ni Eve para pumunta na kami ng kabilang side ng court. Kakalabanin talaga namin si Jacelle?!
"Wag ka mag-aalala, Bianca. Andyan si Evian." Sabi sakin ni Loi.
Tumango na lang ako at pumwesto sa medyo malapit sa net. Kahit ano namang sabi nila Loi at Eve na wag masyado alalahanin, hindi ko kayang hindi mag-alala. Nakakatakot ang bola!
"Game!" Sigaw ni Eve.
"Go Jacelle! Kaya mo yan!" Sigaw ng fansclub niya.
"Eloise, kaya mo yan!" Sigaw naman ng iba. Aba, may fansclub din pala ang bestfriend ko.
"Loko talaga yan sila Lawrence." Iling ni Loi.
Pagkasimula ng laban, agad-agad akong natakot sa paglipad ng bola kaya agaran din ang pagiwas ko dito.
"Mine!" Sigaw ni Eve at lahat ng sinubukan habulin ang bola ay lumayo sa kanya.
Hinabol naman ng ka-team ni Jacelle na si Juanne ang bola at pinalo. Pagkapasa sa side namin, ini-spike naman ni Kaizerene ang bola.
"Yun, pasok!"
Pumalakpak naman sila sa score na nakuha ng team namin, nanonood ang lahat na akala mo formal game talaga. Nakita kong isa sa mga nanonood ang grupo ni Ardevela. Sus, palagi naman yang nandyan basta present si Jacelle.
Narinig ko ang pito para magserve na si Rein, abang na abang naman ang kabilang team para sa pagpass ng bola sa kanila.
"Bianx, attention." Tawag ni Loi. "Baka matamaan ka."
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Genç KurguIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?