One Glance
"Ang gulo naman ng buhok mo, Bianca." Ani ni Glea at umupo sa likod ko para hawakan ang buhok ko. "Braid ko ah?"
Tumango na lang ako at binuksan ang Math notebook ko, mag-iintroduce kasi ngayon si Ma'am Iza kung paano mag-solve ng problems using equations sa Ratio and Proportion. Kahit anong tingin o basa ko dun sa pina-kopya niya kahapon, wala akong maintindihan, ang hina ko talaga sa Math!
"Aray, Glea! Dahan-dahan naman." Sabi ko sabay himas ng ulo ko, feeling ko hinatak na niya pati anit ko eh.
"Sorry naman, Bianca. Kasi naman, ang dami mo palang patay na buhok," sabay bunot ng isang stand ng hair ko. "At split ends. Dapat ipagupit mo na ang buhok mo, ang haba-haba na!"
"Saka na ko mag-papagupit! Magagamit ko kaya ang buhok ko sa Halloween, mananalo ako sa costume contest ng school." Pangatwiran ko.
Palibhasa kasi ang ganda-ganda niya. Si Glea kasi yung mga sinasali sa mga beauty contests dito sa school kaya talagang maalaga siya sa physical appearance niya.
"Tama nga naman," naramdaman kong nilagay na niya ang panali ko sa buhok. "Ayan! Hindi na mala-pugad ng ibon yang buhok mo."
"Thanks." Ani ko at kinapa ang ginawa nyang braid sa buhok ko, naka-fishtail braid pala ito.
Pagkatingin ko sa pinto, nakita kong papasok na si Teacher Iza dala-dala ang isang libro. Tumingin naman ako sa katabi kong natutulog pa din.
"Hoy Eloise," yugyog ko sa kanya. "Bes!"
"Good morning class." Bati ni Ma'am Iza.
Hindi pa rin siya nagigising, mapapagalitan nanaman ang best friend ko. "Good morning, teacher Iza!"
Biglang tumayo si Eloise na parang na-electric shock, pero tinakpan naman niya ito na parang nangalay lang ang kanyang braso.
"You may now take your seats." Ani muli ni Ma'am Iza.
"Ano ba kasing ginawa mo kagabi at puyat na puyat ka?" Bulong ko sa kanya noong hindi nakatingin ang teacher namin.
"NagWattpad. May kina-adikan akong storya, hindi ko namalayan na umaga na pala." Sagot niya at kinusot-kusot ang mata.
"Alam naman kasing may pasok, nagbasa pa." Tawa ko ng mahina. Ang hilig hilig kasi magbasa sa dilim, ang kapal na tuloy ng salamin niya.
"So today we will be discussing about Ratio and Proportion. Turn your textbooks to page 153." Sabi ng teacher namin habang sinusulat ang pointers for our quiz next week sa white board.
Ayoko na, gusto ko na mag-lunch. Hindi ko talaga favorite ang Math subject, I mean, bakit pa natin kailangan magsolve ng problems na magkasama ang letra at numero? Hindi naman ako pupunta sa store at magsasabing 'Ate, pabili nga po ng 2x - 1 na sabon.'. Pang-gulo lang kasi yang mga letra na yan.
Bigla na lang ako tinapik ni Loi, tumingin ako sa kanya at kumunot ang noo.
"Kanina ka pa tinatawag ni Ma'am." Bulong niya. Bigla naman akong namula, ano bang sinabi niya? Napahaba ata ang pag-iisip ko tungkol sa use ng Algebra. "Nagdeday dream ka nanaman, Bianx."
"Ano po, ma'am?" Tanong ko kay ma'am, patay ako nito. Baka patawagin niya ang magulang ko, mababa na nga ako sa previous quizzes eh.
"Hayy nako, Ms. Mariano. Bagsak ka na nga sa last quiz tapos hindi ka pa nakikinig ngayon. You are a Grade 6 student, hindi ka pwedeng magbagsak ng subject. Gusto mo bang hindi grumaduate?" Aniya.

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Fiksi RemajaIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?