Note: so... Hi! :) Thank you for reading this far, lalong lalo na sa mga kaibigan kong pinwersa ko basahin ito at sabihin sa akin kung saan ako nagkamali, nagkukulang, at tumama. HAHA. Kayo po ang nagpapatatag ng loob ko right now, kayo ang nagsasabi sa akin na ituloy ko lang ito hanggang matapos ko. THANK YOU PO!
Dapat Christmas gift ko 'to. Oh well. huhu. Happy December pa din!
Mahabang update kasi guilty ako sa pagiging late sa pagupdate. Medyo nafrustrate lang kasi ako sa buhay writer ko. Chos.
May nagbabasa pa ba nito? huhu.
Dedicated to ate Ysa. Lakas loob akong magdededicate sayo ate, ang intense na po kasi ng storya niyo to the point na nararamdaman kong hindi ako humihinga minsan hanggang matapos ko na basahin ang update kila Yvette. HAHA.
--
Mapapansin kaya?
After a few weeks, medyo gumaling na yung paa ko. Hindi na siya gaanong masakit, thankfully nakakalakad na ko na hindi ngumingiwi sa tuwing napapadiin ang tapak.
“Bianca, anong dadalin mo para sa potluck niyo bukas?” tanong ni Daddy.
“Palabok na lang po, Daddy!” ngiti ko sa kanya. “Specialty mo naman kasi yun diba?”
“Nako, binola mo pa Daddy mo.” Pang-asar ni Mommy.
“Hindi po ako nambobola, Mommy! Sobrang masarap ang Palabok ni Daddy.”
“Masarap pero hindi ka kumakain?” singit ni ate Kiersten.
Ngayong college na si ate Kiersten, hindi na kami masyadong nakakapagbonding. Sa tuwing holidays na lang or kung may time na lang kami nakakapagusap.
“Kumakain ako, hindi lang ako mahilig.” Ibinaling ko muli ang tingin k okay Daddy. “Daddy ha, palabok na lang po?”
“Sige anak,” ngiti niya. “Pero dapat sumama ka sa pamimili ng ingredients mamaya ah?
“Sige po!”
Bumalik na si ate Kiersten sa sala at pinagpatuloy ang panonood niya ng kung ano sa laptop niya habang kumakain ng chips.
“Ate,” sabi ko at umupo sa tabi niya. “Anong pinanonood mo?”
“Makeup tutorials.” Aniya at sumubo muli ng chips, kumuha naman ako ng konti mula sa bag at kinain.
“Para saan ba ang makeup?” tanong ko sa kanya. “Maganda ka naman ah?”
Napatigil siya sa pagkain ng chips at ngumisi. “Anong kailangan mo, Bianca? Wala akong pera.”
“Grabe naman,” sabi ko at tumawa. “Pero seryoso, bakit kailangan?”
Ibinaling niya muli ang kanyang tingin sa kanyang laptop. Nakita kong nilalagyan ng eyeliner nung babae na nagtuturo sa video ang kanyang mata.
Kung titignan mo base sa pagtuturo niya, mukhang madali. Bigla ko namang naalala nung nilagyan ako ni Mommy ng eyeliner at iba pang makeup para sa Graduation picture ko nung gradeschool. Hindi siya madali, nakakaiyak siya.
Bakit kakailanganin mo pa magmake up kung “Simplicity is beauty” ika nga nila. Ang daming tanong na parang walang sagot, siguro malalaman ko ang iba kapag lumaki na ko.
“Bianca,” tawag ni ate Kiersten. “Nagmemakeup ang babae for a lot of reasons. May mga nagmemakeup dahil required sa trabaho nila, or sa college nila. May mga nagmemakeup naman para itago ang imperfections nila, tapos meron ding ginagawa yun para ma-boost ang confidence nila. Basta maraming dahilan, baka abutin na ko ng Finals namin, hindi pa din ako tapos magenumerate.”
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?
