Chapter 14

175 11 11
                                    

A/N: Happy 1k reads! Gusto ko lang icelebrate yun kasi kahit mababa pa sa tingin ng iba, langit pa din sa akin. Kung sino man ang nagbabasa nito, thank you very much! I really appreciate it.

This chapter is dedicated to xaviervillegirl. Hi! Sobrang appreciated ko na nagbabasa ka ng story na ito, thank you thank you thank you!

I hope you like this, medyo sabaw ako. Happy reading!

--

Layuan

Pagkabukas ko ng pinto, lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin na para bang may pinatay akong tao. Well, buhay pa naman si Ardevela so I'm good. Karamihan sa kanila nakabukas ang mga bibig at nanlaki ang mga mata.

"What happened to you?" Maarteng sabi ni Jacelle. Mentally, napairap ako sa tono niya. Gusto ko tuloy siya sabunutan eh. "You're like... Very wet from top to bottom."

"Nag-ice bucket challenge ako, why do you care?" Mataray na sabi ko at pumunta sa upuan ko.

Lahat naman ng mga kaklase ko, kasama na dun si Eve at Loi ay nanahimik at nanonood lang sa sagutan namin ni Jacelle.

"Are you like... Serious?"

"Would you like me to nominate you?" Sabi ko sa kanya at tinitignan siya ng masama.

"No, my hair would be like very basa. That would make my hair so panget, wet look does fit you anyway." Nag-flip ng hair at nag-walkout.

After Lance Ardevela, siya ang susunod sa soon-to-be-killed-mentally-list ko. Such kaartehan that I couldn't take.

"Bes, ayos ka lang? Anong nangyare sa'yo?" Tanong ni Loi.

"Nagpunta ka lang kay Lance, nagkaganyan ka na?" Dagdag pa ni Evian. "Anong nangyare? Nagshower together kayo?"

"Shower? Are you freaking kidding me?" Tinignan ko siya ng masama. "Binugahan ako ng tubig ni Justin dahil kay Lance. I hate Lance! Ugh!"

Lalo akong pinagtinginan ng iba kong kaklase. "What?"

"Why would you even hate Lance? Sobrang bait kaya ni Lance." Sabi ni Jiezel.

"Oo nga, tinuturuan nga niya ako sa assignments ko eh." Sabi naman ni Jamilla.

"Mabait? Eww." Sabi ko at umaktong parang nasusuka.

"Bianca! Bianca!" Tawag ng isang boses na kilalang-kilala ko. Oh no.

"Renzo." Sabi ko at nakitang ngumisi sila Loi at Evian.

"Anong nangyare sa'yo? Narinig kong nabugahan--" tuluy-tuloy niyang sabi.

"Shh. I'm fine, bumalik ka na nga sa pwesto mo." Pagtataray ko. Hindi ako comfortable sa presence ni Renzo, hindi ko alam kung bakit pero I really don't like him.

"Ang sungit mo naman, Bianca." Malungkot na sabi niya at may kinuha sa pocket niya at nilagay sa table ko, umalis din siya pagkatapos.

"Ang sungit mo palagi kay Renzo, Bianca. Ang bait-bait nun sa'yo, crush na crush ka pa man din." Sabi ni Eve habang nakatingin sa direksyon ni Renzo at umiiling. "Kita mo, kahit na sinungitan mo, binigyan ka pa ng Kisses."

"Kung hindi man si Lance ang makatuluyan mo, I bet it's going to be Renzo." Tawa ni Loi.

"Eto ang sasabihin ko sa'yo Eloise, iisa lang ang destiny ko at si Xander Charles Faundo yon at wala nang iba. Hindi kami magkakatuluyan either ni Lance or ni Renzo. Sayo na yang Kisses." Sabi ko at nilayo ang chocolate.

"Woo, bakit ka ba kasi nabugahan ng tubig ni Justin? Akala ko ba si Lance ang pinuntahan mo?" Pagkasabi ni Loi ng pangalan ni Justin ay medyo namula ito. Hmm. "Wow, thanks. Sarap kaya ng Kisses."

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon