Chapter 55

40 5 2
                                    


Chapter 55

"Bianca?"

Nilapitan ako ni Eloise at umupo sa tabi ko. Nakalipas na ang weekend pero hindi ko pa din makakalimutan ang mga pangyayare noong Sabado.

"Ayaw mo daw kumain sabi ni Evian," aniya at inabutan ako ng sandwich galing sa bag niya. "Kain ka na, masama ang nagpapalipas ng gutom."

"Ayoko." Bulong ko at naramdaman nanamang patulo ang mga luha ko pero pinigilan ko lang ito.

Huminga ako ng malalim at nanatiling nakatulala sa kawalan. Iniisip ko pa din kung bakit nagkaganon ang sitwasyon namin. Masaya naman sila Mama, kung mag-aaway naman sila ay makikita mong magkaka-ayos sila agad. Anong nangyare?

Hindi ko na napansing umalis na pala si Eloise. Mas mabuti na yun kaysa mahawa pa siya sa kadramahan ng buhay ko ngayon. Nakakaasar. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Hey," malambing na boses ni Lance. "Are you okay?"

Sasagot na sana ako pero nagsalita siya ulit, "Of course you are not okay. Umiiyak ka na nga eh."

Hindi pa din ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa mga kamay ko at bumungtong hininga. Napapagod na ko umiyak.

"Bianca," aniya at lumapit sa akin para yumakap. Ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya at hinaplos ang buhok ko. "Andito lang ako palagi."

Doon na nagsimulang pumatak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Niyakap ko ng mahigpit si Lance, sumasakit pa din ang puso ko.

"Nasasaktan ako Lance," hikbi ko. "Ayoko na umiyak."

"Ano bang nangyare?"

"Yung mga magulang ko nag-away noong isang araw, feeling ko mag-hihiwalay na sila." Iyak ko. "Natatakot ako."

"Wag mong pangunahan ang mga magulang mo Bianca," aniya at pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo niya. "Bigyan mo lang sila ng oras, magkakaayos din sila."

"Malala na tong pinag-aawayan nila!" hagulgol ko. "Ayoko silang maghiwalay."

"Bianca," aniya at hinawakan ang mukha ko. "Huminga ka ng malalim."

"Pero—"

"Huminga ka ng malalim."

Sinunod ko naman ang mga utos niya at huminga ng malalim. Nakaramdam ako ng kaunting kalma sa sistema ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang napag-usapan namin ni Mama nung gabing nag-away sila ni Daddy.

"Bianca," malungkot na sabi ni Mama. "Malaki ka na. Gusto kong maintindihan mong hindi lang sa TV nangyayari ang nangyayari sa amin ng Daddy mo."

Nanahimik lang akong nakinig sa mga sinasabi ni Mama. Yakap-yakap ko ang unan na lagi kong katabi simula pagkabata ko, yakap-yakap ko ito habang sinasalo nito ang mga luha ko.

"Masakit makita na niloloko ka ng mahal mo. Lalo na't—" huminga siya ng malalim at pinunasan ang kanyang luha. "Sinasabi ko sa'yo to kasi ayokong sa iba mo pa to marinig. Gusto kong malaman mong eto ang totoong buhay, may nasasaktan sa pagmamahal, hindi lang puno ng Happily Ever After katulad ng mga pelikula."

"Noong bata pa ko," hikbi niya. "Akala ko masayang-masaya yung mga magulang ko. Nakikita ko naman na mahal na mahal ng Papa ko si Mama."

Nanahimik siya panandalian para huminga, "Pero nung nakita ko siyang may ka-date na iba sa Cubao, sobrang nasaktan ako. Gumuho ang mundo ko. Hindi ko inakalang mambababae si Papa kahit nasa ospital na si Mama at may sakit."

"Laging hinahanap ni Mama si Papa. Napakawalang hiya niya, hindi pa man din namamatay ang asawa niya, naghahanap na kagad siya ng iba. Ayokong mangyari din sa'yo yun kaya ngayon pa lang mas maganda nang bukas ang mata mo sa katotohanan ng buhay."

Binitiwan ko ang unan ko at lumapit sa kanya para yakapin siya ng mahigpit.

"I love you, Mama."

"Mahal na mahal ka din ni Mama, anak." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Impossibleng hindi ka masaktan habang nagmamahal anak. Payo ko lang sa'yo na piliin mo kung para kanino ka ba masasaktan."

Minulat ko ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang mga mata ni Lance na punung-puno ng pag-aalala. Hinawakan niya ang mukha ko at unti-unting inilapit ang kanyang mukha. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako ulit.

"Hindi ko man alam kung ano ang pinagdadaanan mo o ano ang buong storya ng lahat ng ito pero tandaan mo nandito lang ako at mahal kita."

"Salamat Lance."

"I love you, Bianca." Bulong niya. "Wag ka na umiyak, nasasaktan ako sa bawat patak ng luha mo. Para akong sinasaksak."

Mahal ko na nga ata ang lalaking ito, sana wag mo kong saktan.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon