Chapter 35

96 11 28
                                    

Sigurado



"Mukha kang sinakluban ng langit at lupa."



Inangat ko ang tingin ko kay Eloise at sumimangot. Isang araw na ang nakalipas pero eto pa din ako, nag-aalala kay Lance.



"Ano nanaman ba kasi problema mo, ha?" tanong ni Eloise habang nakapatong ang kanyang ulo sa kamay niya. "Si Lance nanaman ba?"


"Hindi ko naman palaging problema si Lance—pero si Lance ang problema ko ngayon." Mahina kong tugon.


"In love ka lang eh," panunukso ni Evian. "Aminin mo na, dali!"


"In love kagad? Hindi pwedeng guilty lang muna?" sagot ko at nagipon ng maraming hangin at saka pinakawalan ito.


"Masyado ka kasing affected! Makikita mo din naman siya mamaya!" tawa ni Eloise.


"Ehh."


"Anong 'Ehh'?" nangunot ang noo ni Eloise at tumingin kay Evian. "Malala na ang problema ng isang 'to."


"Gusto mo ba tawagin ko si Renzo para kumalma ka?" seryosong tanong ni Evian.


"Hindi na." sagot ko at ibinaba ang ulo ko at ipinatong sa table.



Sana ayos lang si Lance! Hindi ko alam pero hindi ako mapakali! Kakaibang takot yung naramdaman ko. Hindi ako makapag-intay na mag-lunch time na para makita ko siya! Gusto ko talaga masigurado na nasa maayos siyang kalagayan.



"Tapos na ba kayong lahat?" tanong ni Ma'am Chatree habang nagbubura ng mga sinulat niya sa whiteboard.



"Ma'am! Wait lang po!"


"5 minutes Ma'am!"


"Kakasimula ko lang po, Ma'am!"



Sabay-sabay naman na nagsi-sagutan ang mga kaklase ko, kanina pa ko tapos sa pinagawa ni Ma'am kaya nakatunganga na lang ako. Tumingin ako sa orasan na nakalagay sa taas ng whiteboard at nakitang may 30 minutes pa bago mag-lunch.



"Yung mga tapos na, pwede na kayo kumain." Sabi ni Ma'am Chatree pagkatapos ma-upo. "Maganda yun para hindi na kayo pipila diba?"



Tumingin sa akin si Evian at Eloise at saka tumango kami nang sabay-sabay para lumabas na ng pinto.


Ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit. Sige nga, kapag nakita ko si Lance, anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Syempre, sorry. Ano naman ang susunod? Natutuliro ako! Ano ba Lance, ginugulo mo ang utak ko eh.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon