A/N: Sorry sa late update, Finals kasi and maraming inasikaso. So sorry. Again, thank you for reading this far.
**Dedicated to Danielle. Thank you sa book cover, dear! Super appreciated.
--
Sino?
"Pair up, may activity tayo." Sabi ng teacher namin na si ma'am Chatree.
Wala ngayon sila Eloise at Evian kasi naimbitahan sila sa isang inter school talk. Namromroblema tuloy ako ngayon kung sino ang kapartner ko. Why did you leave me, friends?
"Bianca!" Tawag ng isang boses sakin, patay tayo diyan. "Tayo na lang ang partners."
Gusto ko lang sabihin na unang-una, ayoko nagiging o maging kapartner itong si Renzo kasi hindi naman siya gumagawa ng trabaho sa mga activities. Nakakainis pa siya kasi dinadaan niya lang sa charms niya para ipasa siya ng teacher.
"Uyy!" Tukso naman nila Adenine at Guanine. Tinignan ko lang sila ng masama at ibinaling ang attention ko kay Renzo na umupo sa tabi ko.
"Bakit hindi na lang iba ang partner mo, Renzo." Sabi ko sa kanya at nagsimulang magpunit ng padpaper para isulat ang mga pangalan namin.
"Gusto ko kasi ikaw makasama ko," tawa niya. "Habang buhay."
Napatigil ako sa pagsusulat at tinignan ko siya ng masama. Kahit kelan, ang landi-landi nitong taong 'to! Hindi man lang nahihiya!
"Kung patayin na kaya kita ngayon para lubayan mo na ko?" Sabi ko at ibinalik ang tingin sa papel.
"Ang taray mo naman, Bianca." Tumigil siya saglit at tinignan ang papel na sinusulatan ko. "May mali."
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Pinagtritripan ba ko ng taong 'to o talagang may mali akong naisulat? Tinignan ko naman yung papel na may pangalan namin.
Bianca A. Mariano
Lorenzo Raphael D. Guillermo
Kinuha ko ang ID na nakalagay sa bulsa sa may chest niya at kinumpara sa sinulat ko.
"Chansing ka, Bianx. Kung gusto mo lang din naman hawakan ang dibdib ko, sabihin mo lang." Pangaasar niya.
"Shut up! Chansing? Eww ah, wala naman akong pwede hawakan sayo. Buto't balat ka kaya." Sabi ko. "Tyaka, tignan mo dude! Walang mali, saan ang mali diyan?"
"Shh!" Sita ng kaklase kong si Johncy. Tumawa naman ng mahina si Renzo, alam niya kasing bad trip kami sa isa't isa ni Johncy.
"Tumigil ka nga." Sabi ko.
Tumigil naman siya sa kakatawa at tinuro naman niya ang pangalan ko habang nakangisi.
"I know my name, paanong mali yan. Wag mo nga ako pagtripan!" Sabi ko sa kanya at inirapan siya.
"Mali siya kasi," lumapit siya sa may tainga ko para ibulong ang mga sumusunod. "Guillermo ka dapat diba?"
Nilayo ko naman ulo ko sa kanya. "Asawa kita?!"
"Naks, naman Bianca! Level up, wala nang boyfriend girlfriend, asawa na kagad." Tawa niya.
"Mr. Guillermo, please keep quiet." Sabi ni Ma'am Chatree. Pinagagalitan niya si Renzo pero nakangiti siya sa kanya? Wow Ma'am!
"Sorry po." Ngiti naman ng asungot.
"So class," panimula ni Ma'am. "I'd like you to draw one thing that symbolizes love and by pair, ieexplain niyo sa harap kung ano yun at bakit yun ang pinili niyo."
Tumango naman kaming lahat at nagsimula na gawin ang pinagagawa ni Ma'am. Napaisip ako, what can symbolize love? Hearts? Too common.
"Bianca, pwede bang i-drawing ko na lang mukha mo?" Seryosong tanong ni Renzo.
"Wag mo ko asarin." Sabi ko. Bakit pa kasi biglang pumasok pa 'to? Akala ko nga naglaho na sa tagal niyang hindi pumasok.
"Infinity?" Tanong niya.
"I don't like infinities, walang forever ang love." Sabi ko.
"Wow, bitter." Tawa niya may ibinulong siya pero hindi ko narinig. "Pwede magtanong?"
Ang kulit ng lahi nito! Nakakaasar na kasama, gusto ko tuloy sisihin si Loi at Eve kung bakit of all days ngayon pa nila ako iniwan. Ayan tuloy ka-partner ko ang bwisit! Hindi ko na lang siya sinagot at nag-isip na lang ulit.
"Pwede manligaw?"
Nakuha naman niya ang attention ko, nakita kong seryoso siya at mukhang kabado. Wait, seryoso siya?! Nginitian ko naman siya.
"Oo naman." Sagot ko.
"Talaga?" Masayang sagot niya.
"Pwede ka manligaw, hindi lang sa akin."
"Ikaw ang gusto ko ligawan."
"Ang kulit mo alam mo yun? Hindi nga pwede, may nagmamay-ari na ng puso ko." Sabi ko at nagsimula na magsketch ng babaeng nakablindfold.
"Sino ba ang nagmamay-ari ng puso mo?" Tanong niya pero hindi ko siya pinapansin kaya hinawakan na niya ang wrist ko.
"Bakit ba gusto mo ba malaman?" Tanong ko sa kanya.
"Para kilala ko karibal ko." Maikli niyang sagot.
"Si Ch--"
Sasabihin ko na sana nang bumukas ang pinto.
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Fiksi RemajaIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?