A/N: Natagalan kasi nalunod ako sa school works, I'm sorry. Medyo lame kasi sabaw ako. Huhu. Babawi ako. Thank you.
Comment naman po kayo please. Huhu. Gusto ko talaga magimprove. Wag lang harsh okay? :)) birthday gift niyo na sakin.
--
Panyo
"To rationalize an expression, you need to--"
Heto nanaman po tayo, another ordinary day for Bianca Mariano, drowning in Math. Nafefeel kong onti-onting sumasara ang bongga kong mata. I couldn't take the sleepiness anymore!
"Eve, pakurot naman please." Bulong ko sa kanya sabay abot ng braso ko. Hindi ko na talaga kaya, anytime pipikit na ako at matutulog.
"Baka magpantal ah?" Aniya at kinurot ako. Pagkakurot niya sa akin, instant na nagising ang diwa ko. Pero andun pa rin yung antok. Huhu, tukso lubayan mo ako.
"Ms. Mariano, what to do next?" Tanong ni Ma'am Iza.
Pagkatawag naman niya sa akin, bigla akong napatayo. Ayan tayo eh, kung kelan ka hindi focused, dun ka tatawagin.
"Uhm..." Panimula ko.
"Ma'am!" Sigaw ni Jacelle habang winawagayway ang kanyang kamay.
"Ms. Mariano?" Tanong ni Ma'am Iza ulit.
"Hindi ko po alam." Sabi ko at umupo.
"Ms. Tomeldan."
"Ma'am, first we need to multiply both the numerator and the denominator so that we can rationalize the equation." Aniya at ngumiti kay Ma'am.
"Very good, you may now take your seat." Sabi ni Ma'am habang sinusulat ang solution sa board.
Oo na, matalino na si Jacelle. Di bale, Bianca. You may not get it now, but you'll get it later. Magto-top ka sa exams mo at 'hu you.' na sila sayo.
"Next meeting, we will be discussing more of these problems, okay? Prepare for possible quiz." Sabi niya at kinuha na ang mga gamit. "Goodbye class."
"Goodbye and thank you Ma'am Iza."
"Tara, lunch na tayo Katrina!" Sigaw ni Kier.
"Sige sige, eto na."
"Magcacanteen ba kayo?" Tanong ni Loi.
"Nope, may baon ako! Pizza!" Sagot ni Eve.
"No, depressed na ko." Sabi ko habang nakasalumbaba,
"Why depressed?" Tanong ni Loi at umupo sa tabi ko.
"Kasi ang bobo ko sa Math." Sabi ko at sumalungbaba.
"Hindi ka bobo, Bianx. Matalino ka, kailangan mo lang ng onting--" panimula ni Eve nang may narinig kaming mga gasp.
Agad naman kaming napalingon sa pinto at nakitang nakasilip si kuya Charles. Oh. My. Gosh. Kuya Charles is here.
"Hi Eloise, Bianca, and Evian!" Bati niya, lalo namang nagulat ang mga tao sa room. Yes classmates, kilala kami ng gwapong iyan.
"Hi kuya Xander!" Bati ni Eloise. "Anong sadya mo dito?"
"Pwede ba kong pumasok?" Tanong niya at tumingin sa iba naming classmates. Sila naman, agad-agad na tinango ang mga ulo.
Sa pagpasok niya, nastarstruck ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, bakit ba ko nawawalan ng dila sa twing nandyan siya? Nagsasayawan ang mga paru-paro sa tyan ko, hindi ko na kaya.
"Para sainyo to," nilapag niya ang isang container ng ice cream sa harapan ko. "Share niyo na lang sa iba niyong classmates ha?"
"Wow kuya Xander! Why so bait?" Tanong ni Eve.
"Naalala ko lang kayo bigla, kaya ayan." Sagot niya.
"Sana lagi mo kaming naalala, chocolates naman bukas ah?" Biro ni Loi.
"Sige ba," tawa niya. "Sige, alis na ko ah? Text mo na lang ako, Loi! Bye Bianca and Eve!"
Hindi ako nagsalita, what's happening to me?!
"Uy Loi, may number ka ni Kuya Xander? Penge naman oh." Sabi ng isang kaklase namin.
"Oo nga, Loi. Friends naman tayo eh."
"Textmates kayo ni kuya Xander?"
"Nililigawan ka ba niya?"
"Wow, sunud-sunod ang tanong ah. First, meron akong number kasi close kami dahil parehas kami ng club. Second, bawal ipamigay. Third, hindi niya ko nililigawan. Grabe ah." Sabi ni Loi sabay subo ng ice cream.
"Ang sweet niyo naman." Pang-aasar ni Eve.
"Damot naman." Sagot ng isa.
"Hmph, bawal talaga. Sorry." Sabi ni Loi. Lumapit siya sa akin para may ibulong. "Bibigay ko sayo, don't worry. Crush mo naman eh."
"Really! Thank you ah!" Sabi ko at instantly, good mood na kagad ako.
"Oo naman, basta, gawin mong inspiration sa pag-aaral at hindi distraction." Dagdag niya.
"Opo!" Ngiti ko. This is why I love my friends.
--
"Mag-CR lang ako, Loi at Eve ah?" Sabi ko at tumango naman sila.
Hindi naman ako naiihi pero, wala lang. Naiinip na ko eh, kailangan ko na din magstretch ng legs.
Nasabi ko na bang on the way sa CR, madadaanan ang room nila kuya Charles? If not, yan na. Kaya worth it naman ang trip kahit hindi ako naiihi or something. Nung makita ko na yung room nila, nagtiptoe ako para umangat ako ng onti para makasilip sa window ng door nila. Nakita kong papalabas si kuya Charles. Hide!
Nagtatawanan sila ng friends niya at papaunta sila ng canteen. Pinagmasdan ko ang mga kilos niya. Nakita kong pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang kanyang puting panyo. Ilalagay niya dapat ito sa bulsa niya pero hindi niya napansin na nahulog ito. Nang makaalis na sila, agad ko namang kinuha ang panyo.
"Oh my gosh, pinunas ito sa labi niya." Bulong ko habang tinitignan ang panyo. Ang baliw ko na. Baliw na baliw kay kuya Charles. Ibabalik ko na lang sa kanya next time 'to. Indirect kiss? Nako, Bianca. The real thing is better, wait and see.
Imbis na tumuloy pa ko ng CR, bumalik na lang ako sa room. Umupo kagad ako sa upuan ko at nakinig sa pinaguusapan nila Loi.
--
Dismissal na at nag-aayos na ako ng gamit ko bago ako sunduin ni Daddy.
"Bianx, eto na pala yung number ni kuya Xander baka kasi malimutan ko pa ibigay sa'yo." Sabi ni Loi at nilagay sa phone ko ang number. "Wag mo ipagkalalat yan ah? Para sayo lang yan."
"Syempre naman." Niyakap ko siya at ngumiti. "Thank you very much ah?"
"No problem, o paano? Una na ko ah!" Aniya.
"Ingat ka okay, thank you ulit!" Nang maka-alis na siya, kinuha ko ang phone ko.
I can't believe na may phone number na niya ako, itetext ko na ba siya ngayon para sa panyo niya o hindi muna? Ano naman sasabihin ko? Paano ko sasabihin? Hindi kaya magmumukha akong stalker? Paano kung tanungin niya kung paano ko nakuha ito?
"Stop!" Bulong ko. Ayan nanaman eh, overthinking.
"Uhm... Hi kuya Charles. Si Bianx po ito, gusto ko lang po sabihin na napulot ko po yung--ugh! Pangit!" Bulong ko.
"Mukha kang baliw dyan, you know?" Pang-asar ng isang boses.
Inangat ko ang paningin ko at nakita kong si Lance lang pala. Sus, ayan nanaman siya. Inhale exhale, Bianca. Wag papaepekto sa mokong na yan.
"Baliw ka na pala talaga." Dagdag niya.
Tumingin ako ulit sa kanya para lang tignan siya na parang sinasaksak ko na siya. Hay nako, Ardevela. Hindi pa din ako maka-getover sa dibdib incident na yan.
"Layuan mo nga ako." Sabi ko at umirap.
"Sungit ah." Pang-aasar niya at umalis din.
Tinignan ko muli ang phone ko para magcompose ng message pero... Ugh! Wala na kong maisip, nangingibabaw ang pagkaasar ko kay Lance. Bwisit!

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Fiksi RemajaIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?