Chapter 31

192 13 14
                                    


Note: Dedicated to Bianca. Happy Birthday dear! Eto na gift ko sa'yo, hope you like it. :)

-----

Cake

"Class dismissed." Sabi ng teacher namin bago niya kinuha ang mga gamit niya at lumabas ng room.

"Bianca," tawag ni Evian sa akin. "Mag-uusap pa tayo ha?"

"Oo nga, hindi ka man lang nagkwekwento. Paano na kaming kaibigan mo diba?" Sabi ni Eloise at sumimangot. "Ilang beses mo na kami iniiwan sa ere."

Oo nga naman Bianca, sa mga kaibigan mo hindi mo nasasabi kung anong nangyayare. Dapat sabihin mo na din sa kanila para may katulong ka mag-isip ng kung ano ang gagawin mo.

"Oo na," sabi ko at napakamot ng ulo. "Mamaya."

"Mamaya ah, aabangan kota sa FB." Ngisi ni Evian.

"Excited na ko malaman ang love story niyo." Sabi ni Eloise at pumalakpak.

Ibinaling ko naman ang tingin ko sa kabilang direksyon at nakitang nakasimangot sa akin si Jacelle. Oh, ano nanaman ang ginawa ko sa kanya?

Lumabas na kaming lahat ng room, sila Evian at Eloise, nauna nang umuwi. Samantalang ako, naiwan nanaman sa mga yellow chairs kasi wala pa si Daddy.

Nakatingin ako sa malayo nang biglang may humarang sa view ko. Inangat ko ang aking tingin at nakita ang napakahandang pagmumukha ni Jacelle.

"Mm?" Tanong ko at itinaas ang kilay.

"Anong pinakain mo kay Lance?" Tanong niya ng mariin.

Pinakain? What? So far wala pa kong pinapakain dun, di naman kami close ah!

"Pinakain?" Ulit ko. Tumingin ako sa likod niya at napansing wala ang mga alipores niya, aba himala at sumusugod siya na walang human shield?

"Wag ka na mag-maang maangan pa! Ginayuma mo si Lance!" Aniya at itinaas ang boses.

Sa pagkakaalam ko, may anti-bullying rule ang school namin. Bakit nga ba hindi nasususpend si Jacelle sa dami nang binubully niya?

Ayy oo nga pala, ganyan talaga kapag tito mo yung Principal eh no?

Tumawa ako sa sinabi niya. Ako? Gagayumahin ko si Lance? Bakit? Hindi ko naman yun type eh. Kahit naging crush ko siya ng isang araw, hindi ko papangarapin na maging shota ko siya ngayon. Si kuya Charles pwede pa, siya na lang kaya?

"Hoy, wag ka tumawa!" Aniya at tinulak ako ng marahan.

"Eh sa nakakatawa ka." Sabi ko habang pinipigilan ang pag tawa ko pero obviously, failed. "Ginayuma? Si Lance?"

"Wag ka sabing tumawa eh!" Aniya at tinulak ako ulit.

"Wag ka ngang brat." Sabi ko at hinaplos ang balikat kong dinuru-duro niya lang.

"Wag ka ngang mang-aagaw!"

"Hindi ko gusto si Lance, sa'yong sayo na siya." Sabi ko ang tumayo na para magkalevel lang kami. Kanina pa niya ko tinutulak-tulak eh, nakakaasar na. "Hindi ko nga siya inagaw! Binibigay ko pa nga siya diba."

"Layuan mo siya!" Pagpapatuloy niya.

"Hindi ka ba nakikinig?" Nilakasan ko na din ang boses ko. "Hindi ko nga siya gusto. Sayo na siya! Kainin mo pa kung gusto mo!"

"Pangit ka! Pangit!" Sigaw niya. "Anong pwede magustuhan sa'yo ni Lance, eh buhok mo pa nga lang parang basahan na!"

Susugurin ko na sana siya nang biglang may humigit sa kamay ko at sinubukan akong pakalmahin nang niyayakap ako.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon