I'll make you
"But I like you."
"But I like you."
"But I like you."
"But I like you."
Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya sa utak ko. Kulang na nga lang pati yung boses ni Kendra na nagsasabing
'Is it real? Is it real?'
Ay gayahin ko na kasi hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Lance. Lance Zion Ardevela? May gusto sa akin?
Binukas ko ang bibig ko para magsalita pero isinara ko na lang ulit ito nang walang tunog ang lumabas. Feeling ko naghahallucinate ako or nagkamali lang ako ng rinig.
He likes me?
How do we even define like?
Like as in like... Like?
Gusto kong pagsabihan ang sarili ko, ilang ulit pa bago magsink in sa utak ko na totoo ang lahat nang ito? Malay ko ba kung natutulog lang pala ako tapos lahat ng ito ay panaginip lamang. I need to wake up!
Sana kurutin ako or sampalin para hindi ako nagiilusyon.
Nagtitigan lang kami ni Lance, kelan nga ba yung last time na ganito kami? Bigla kong naalala yung tinignan niya ako mula mukha hanggang dibdib tapos sinabihan na flat chested, or sa terms niya, flattops. Napasimangot ako lalo nang maalala ko yung pangyayari kanina, yung nakikipaglandian siya dun sa babaeng hindi ko alam ang year sa may 3rd floor!
Ang kapal ng mukha niya na sabihing gusto niya ako habang marami siyang kalandian!
Bwisit.
"Kuya Lance!" Tili ng isang lower year kasama ng friends niya na may hawak na camera. "Pwede po bang magpapicture?"
Napaatras ako ng bahagi kay Lance kasi bigla na lang silang nagsilapitan at nagfangirl.
"Uhh--" tumingin sa akin na nag-aalala si Lance. "Kasi may--"
"Sige na po, kuya! Isa lang!" Pagpupumilit ng isang bata.
"Uh, sure." Aniya.
Inirapan ko na lang siya at patalikod na sana nang bigla akong tawagin ng isang bata.
"Ate, pwede pong papicture-an kami?" Tanong niya habang nagmamakaawa ang mata na parang tuta at inaabot sa akin ang camera.
Kinuha ko naman ito nang walang sabi-sabi at itinutok sa kanila ang lens.
"Thank you very much po, ate!"
May part sa akin na gusto kong gawing pangit yung picture nila kasi... Wala lang. Naasar talaga ako kay Lance, lahat ng asar ko bumabalik.
I think, hating Lance would be better. He's clouding my mind too much.
Ngumiti si Lance na parang pilit at ipinatong ang kamay sa balikat ng isa sa mga babae eto namang si ate, konti na lang ay mangisay sa kilig.
"1...2...3... Smile!" Sabi ko at pinindot ang shutter.
"Thank you very much po ate!" Sabi nung nag-abot sa akin ng camera.
Pagkakuha niya ng camera ay agad-agad akong tumalikod para umalis. Gusto ko na nga tumakbo paalis dito, gusto ko mag-isip!
"Bianca!" Tawag niya sa akin pero hindi ako lumingon, tuluy-tuloy lang ako sa pag fast walk. "Mag-usap tayo!"
Walk away. Walk away.
"Lance!" Narinig kong tawag ni Jacelle.
Magiging sila kaya today? Dahil nanalo si Lance, malamang oo! Kelan pa kaya nililigawan ni Lance yun?
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Novela JuvenilIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?