Trust
Natapos ang linggong nagkaron ako ng sakit at ang linggo ng final exams namin. At last, summer na din!
"Anong plano niyo ngayong summer?" tanong kagad ni Evian na may malaking ngiti sa kanyang mukha.
Parang kelan lang nung nagsimula kami bilang babies ng High School. Ang dami ding nangyare, ano na lang kaya ang mangyayare kapag graduate naman kami ng High School diba?
"Pupunta kami ng Bicol, gusto ko kasi makita yung Mayon Volcano." Ngiti ni Eloise. "May kaibigan din kasi si Mommy na bibisitahin namin.
"Wala pang plano mga magulang ko eh, kung ano na lang siguro ang mangyari." Sabi ni Evian at ibinaling ang attention sa akin. "Ikaw Bianca, anong plano niyo?"
"Kami? Pupunta ata kami-"
Nagsasalita ako nang biglang dumaan sa harap naming tatlo ang J4. Sa laki ba naman ng space ng school na ito, bakit kailangan sa harap pa namin sila dadaan? Wala man lang respeto eh.
"Excuse me, Vomit Girl!" sigaw ni Jacelle pagkatapos niya akong itulak ng marahan.
At least naturuan siya mag "excuse me" kahit na bastos pa din na dumaan siya sa harap namin.
Napayuko naman ako sa tawag niya sa akin, after ko siyang masukahan sa likod weeks ago, tinawag-tawag niya akong "Vomit Girl". Ginagawa ko na nga lahat ng kaya kong gawin para lang makalimutan yun eh, pero eto siya nakahanap ng bagong pang-asar sa akin.
"Tama na nga, 'Celle." Saway ni Lance.
Teka, ni Lance? Anong ginagawa dito ni Lance? At anong "Celle"? Close sila ni Jacelle?
"Totoo naman ah?" simangot ni "Celle" niya at umirap.
Tinignan ko si Lance at nakitang nakatitig lang ito sa akin. Hindi ako nasabihan na meron pala kaming staring contest nito.
Ilang linggo na ang nakalipas nung nagkasakit ako at tinulungan niya ako tapos hindi na kami ulit nag-usap. Nahihiya ako dahil sa mga sinabi ni Mama sa harap ni Lance. Ngayong nandito siya sa harap ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, pero nangingibabaw ang inis ko ngayon sa kanya kasi close pala sila ni "Celle".
Hindi ko napansin na umalis na pala si "Celle" at ang J4 at andito pa din kami ni Lance sa silent mutual agreement namin na mag-staring contest.
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Fiksi RemajaIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?
