FORESTIANEM 0.3

439 17 1
                                    

MEGUMII P.O.V.

"Kung ganoon ay isa ba itong pagsubok ? Akala ko hunted house na ito." Natigil sa ginagawa si Akira at sinabi ang katagang iyon.

Bigla naman nagliwanag ang aking kwintas at napatingin kaming lahat dito. Tila nasasanay na ako sa kwintas kong ito. Alam ko na kung bakit umiilaw ito. Dahil makakausap na namin mismo ang semi-God. Napanganga naman si Akira ng biglang bumukas ang pinto at napatakbong lumabas ang mga babae pwera sa akin at sumunod ang mga lalaki na lumabas ng bahay. Hinawakan uli ni Javier ang aking kamay at paika ika akong naglakad palabas habang naka alalay lamang si Javier sa akin.

Nang makalabas kami ay bigla nalamang nasunog mag isa ang bahay na ikinagulat namin.

Bakit ito nasusunog? Kung siya ang semi-God nitong Forestianem ay hindi siya masusunog, right?

"Hala!" Narinig komg sabi no beshy.

Mga ilang sandali lamang ay naging abo na ang bahay na kanina ay nagpapahirap sa amin. Kahit ang mga simento nito ay abo na.

Napatingin kami sa taas at may nakita kaming isang napaka gwapong nilalang. Berde ang kanyang buhok at berde din ang kanyang mga mata. May pakpak ito na kasing puti ng kanyang mga ipin. Nakangiti ito sa amin at dahan-dahang bumaba sa lupa. Paglapag ng mga paa nito sa lupa ay sinuri ko pa ang kabuuan nito.

Puti ang suot niyang damit na kita ang 6 packs nito.

"Salamat at natagpuan na rin po kita." Magalang na sabi nito na ikinatingin samin habang nakangiti. Narinig ko namang tumikhim si Javier at napatingin ako dito na sa akin pala siya nakatingin. Napangiti naman ako sa kanya at hinawakan ulit ang kamay nito na kanina ay nabitawan ko dahil busy ako sa pagsuri sa semi-God na kaharap namin ngayon.

"Maraming salamat at pinalaya mo ako sa bahay na iyon. Mula noon ay nakakulong na ako dito at wala man lang nagagawing tao upang kausapin man lamang ako ." Sabi pa ng semi-God sa amin. Napatingin ulit ako dito at napangiti.

"So? Hindi ka po nagwawala tulad sa ulat sa amin?" Lakas loob na tanong ni Akira. Umiling naman ang semi-God.

"Misyon niyo akong palayain sa bahay na iyon. Ako nga pala si Fors ang semi-God ng FORESTIANEM. Ikinagagalak ko kayong makilala heros elites. May hinanda akong bahay sa inyo upang inyong tuluyan ngayong gabi. May mga masasarap na pagkain na rin doon upang tuloy-tuloy ang inyong pagpapahinga para may lakas pa kayo para bukas. Mga ilang araw pa ay makikita niyo na ang isa pang semi-God. Ang isa pa ay nasa malapit lang ninyo. Hanggang sa muli." Napahawak naman kami sa aming mga mata ng bigla itong nagliwanag at nawala nalang ng parang bula.

So? Dalawa pa pala ang semi-God na kakaharapin namin? Sino ang isa?

Napatingin kami sa bahay na kanina ay hunted house ,ngayon ay isa na itong makulay na bahay at may mga bulaklak na sa paligid. Wala na kaming sinayang pa na panahon at tumuloy na kami sa loob.

Tila ay naglaway ako sa sobrang daming pagkain ang makikita sa sala. At sobrang ganda ng bahay. Dalawang palapag ito at may apat na kwarto.

Umupo kami sa mesa at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos naming kumain ay nagsipunta na kami sa napag usapang silid namin.

Tatlo kaming babae ngayon dito sa silid. Si Raven, Akira at ako. Si beshy ay kasama ni Emma.

Nakahiga kami ngayon sa kama.

"Ang ganda talaga ng bahay na ito. At ang gugwapo at gaganda pa ng mga semi-God no?" Napatango naman si AKIRA sa sinabi ni Raven.

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit tayo ang napili ng mga semi-God sa mga misyon na ito upang makita at makilala natin sila." Sabi ni Akira.

" Ewan ko, basta alam ko lamang ay napakaswerte natin at tayo ang napili." Sabi ni Raven.

"Kilala niyo ba kung sino ang isa pang semi-God na tinutukoy ni Fors?" Napailing silang dalawa sa tanong ko.

" Hindi ko alam na may isa pa pala. Kung sino man siguro siya ay makikilala natin soon." Sabi ni Raven na napatango ako dito.

"Matulog na tayo at malayo layo pa ang ating paglalakbay papuntang MEINREINE." SABI NI RAVEN AT IPINIKIT NA NAMIN ANG AMING MGA MATA AT TULUYAN NA AKONG GINUPO NG ANTOK. ANG DAMING NANGYARI NGAYONG ARAW.

ITUTULOY...

SOBRA AKONG NANGHINAYANG SA IBANG PART NA NABURA😭 .. HINDI KO NA SILA MAKITA ..HELP GUYS PAANO MAREVIVE? HUHUHU... SHORT UD TAYO NGAYON KASI NANGHIHINAYANG TALAGA AKO 😭😭😭 ( ACTUALLY YUNG MGA CHARACTERS LANG NABURA AT KONTING DRAFTS.. KASO NANGHIHINAYANG KASI AKO HIHIHI)


Next upload natin guys sa MEINREINE kina Julius 💖...

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon