MY SEMI-GOD

670 20 0
                                    

MEGUMII P.O.V.

  ARAW-ARAW akong nagpupunta ng garden nitong paaralan dahil umaasa akong makikita ko doon ang aking Hokros na si Clariz. Matagal na rin pala noong ibinigay ko ang sarili ko ng walang pag aalinlangan kay Javier ngunit pagkatapos ng gabi na iyon ay hindi na muling naulit pa dahil na rin sa kagustuhan kong makatapos muna. Minsan ay napapa isip ako kung nabuntis ba ako dahil sa pagpayag ko nung gabing yon ay makakapasok pa ba ako ng school. Sa palagay ko ay hindi na ako papayagan ni Javier lalo na ng mga magulang niya upang sa aking kaligtasan.

Luckily, walang nabuo sa nangyari sa amin noong gabing iyon na lubos kong ipinagpapasalamat. Don't get me wrong. Dahil kung may nabuo man ay maluwag sa kalooban kong tatanggapin iyon. Sino nga ba ang taong iwawaksi ang sariling anak? But not now, not yet. Marami pa akong misyon na kailangang gawin sa mundo. Marami pa akomg kailangang tulungang tao na nangangailan ng aking tulong.

Malapit na pala kaming matapos.

Napaupo ako sa damuhan at napabuntong hininga.

"Ang bilis ng panahon. Malapit na kaming matapos ni Myra." May ngiting sabi ko. Si Myra pala ay tulog pa sa kanyang silid dahil alas tres pa lamang ng madaling araw. Ito kasi ang mga oras na lumalabas ang mga pixies kaya nandito ako.

Napangiti lalo ako ng maramdaman ang kanyang enerhiya habang nakatingin sa madilim na kalangitan.

"Mahal kong amo." Iyon ang tinig na matagal ko ng hindi naririnig. Habang nakatingin pa rin ako sa kalangitan.

"Bakit ngayon ka lamang nagpakita sa akin muli? Kay tagal na kitang inaabangan?" Sabi ko dito at unti-unting tumingin sa kanya.

Nakita ko naman na seryoso ang kanyang mukha.

"Mahal kong amo, patawarin niyo ako ngunit nandito ako upang bigyan ka ng babala." Seryosong sabi nito.

"Ano ang mangyayari sa hinaharap?" Tanong ko dito. Oo, siya ang ginawa kong Hokros at nakikita niya ang hinaharap . Binigyan siya ng kapangyarihan ni Kylersto upang makita ang hinaharap upang mabigyan ng babala ang buong white snow world sa pamamagitan niya.

"Nalaman na niya at padating na siya upang bawiin kang muli. Mag iingat po kayo aking amo. Hindi siya titigil hangga't hindi ka niya nakukuhang muli." Seryosong sambit nito.

"Kung ganoon ay hindi ko hahayaang makuha niyang muli, at ipaglalaban ko ang mundong ito." Matigas na sabi ko. Lumipad naman papalayo ang aking Hokros at nawala ng parang bula.

"Ang daya mo talaga Clariz, magpapakita ka lamang sa akin sa oras na may mangyayaring sakuna." Sambit ko habang napapangiti at naiiling din.

Kalaunan ay tumayo na ako sa damuhan at naglakad papuntang dorm ko.

"Kailangan kong maghanda sa papalapit nating pagtutuos Chesterine. Alam kong darating ang araw ng ating paghaharap muli." Sambit ko sa aking isipan.

Nang makauwi ako ng dorm ay nagtungo ako sa aking kwarto at naligo. Pagkatapos ay nagbihis ako at nag suklay. Linagyan ko ng konting kolorete ang aking mukha at naglagay ng lipstick sa aking labi. Nang makita ko ng okay na ang ayos ko ay lumabas na ako at nagtungo sa kusina. Hindi na ako nabigla ng makitang nasa mesa na ang mga pagkain. Pasado alas sais na kasi ng umaga. Ganon siguro ako katagal naligo at nag ayos ng aking sarili.

Pinagmasdan ko si Myra na papalapit sa akin at naka uniform na rin ito.

Ngumiti ito sa akin at umupo sa aking tabi.

"Kain na tayo."masayang sabi nito.

Kumain kami at pagkatapos ay iniligpit muna namin ang mga plato at iniwan sa kusina. Meron naman kasing mga katulong na maghuhugas non mamaya at isa pa malapit na rin magsimula ang aming klase.

"Sa ating pagtatapos ay darating ba si Manager Harry?" Tanong ko dito. Hindi naman nakatakas sa akin ang ngiti at pamumula nito. Tumango naman siya sa tinanong ko. Napangiti din ako sa sagot niya.

Sila na kasi ni Manager Harry, dumadalaw kasi siya kay Myra noong nakaraang mga taon. Nagtapat ito na mahal niya ang kaibigan ko at nanligaw ito kay Myra. Habang tumatagal, nakikita kong nagiging mas masaya pa si Myra kay Harry kaya sobrang saya ko rin para sa kanila. Last year lang nung sinagot ni Myra si Manager Harry at ngayong malapit na kaming makatapos ay nagpropose na ito dito.

Maganda naman ang buhay na naghihintay kay Myra dahil medyo may kaya ang lalaki, mabait na at matulungin pa ito.

" Sa pagtatapos natin ay nagpaplano na rin kaming magpakasal mga ilang linggo pagkatapos nating makuha ang mga certificate natin." Masayang sabi nito .

"Mabuti naman kung ganoon. Masaya ako dahil nakita mo na rin ang lalaking para sa iyo talaga. " Masayang sabi ko habang naglalakad kami.

Nandito kami ngayon sa aming room at nagpapaalam na sa amin ang mga guro. Mababakas naman sa mga students ang lungkot at saya sa kanilang mukha. Yung iba ay umiiyak pa.
Mas nabigla ako nung lahat sila ay nagpunta sa aking harapan at nag bow.

"Mamimiss po namin kayo kamahalan. Napakabuti po ninyo sa amin." Sabi ni Jerrene na aking kaklase ngayon at tumatango-tango naman ang iba.

Tumayo ako sa kanila at nagbigay ng isang matamis na ngiti. Hindi ko man to naranasan noon sa dati kong mga kaklase ay iba pala ang feeling kapag nagmamahalan ang mga tao sa room. No more hates.

"Mamimiss ko rin kayo. Sana ay ipagpatuloy niyo rin ang mga nasimulan niyo. Yang mga struggles o mga pagsubok ay gawin niyong positive outcome para maging successful kayo. Laban lang, huwag susuko. Masaya akong naging kaklasi ko kayo." Masayang sabi ko at isa-isa silang nagsiiyak at napayakap sila sa akin. Napangiti naman ako ng malapad.

"Bad news! Nandito ang mga DEMONS!!!" NAPATIGIL kami sa aming dramahan ng may lalaking pumunta sa aming room at makikita mo rito ang sobrang takot sa mukha nito.

"Umalis na po kayo kamahalan, kailangan ay maging ligtas kayo." Napatingin ako kay John na siyang nagsalita. At umiling sa sinabi niya .

"Kailangan niyo ng makaalis dito sa madaling panahon. Please call a help too." Sabi ko sa kanila.

"Ngunit---" Myra said.

"Myra please." Sabi ko dito at wala naman itong magawa kung hindi ang tanguan ako.

"Classmates! This way!" Turo naman ni Myra sa isa pang labasan.

"Go!" Sabi ko sa kanila at tumakbo na sila palabas. Nasa labas na rin ang aming guro at nilalabanan ang mga alagad ni Chesterine.

Muli ay napabuntong hininga ako at lumabas na ng silid sa main door ako dumaan.

"Ang bilis naman ata ng mga nangyayari."

Itutuloy..



Huhuhu 😭😭😭, malapit ng matapos ang THE LIVING GODDESS.. THANK YOU SO MUCH SA MGA WALANG SAWANG PAGSUBAYBAY SA KWENTO KO KAHIT MALAPIT NA ITONG MAG 2 YEARS. NAKAKATABA NG PUSO . THANK YOU SO MUCH,❤️❤️ LABYA...

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon