ENEMIES

673 19 1
                                    

MEGUMII P.O.V.

SA aking paglabas ng silid ay nakita ko ang ibang students na nahihirapan na dahil kinukuha ng mga alagad ni Chesterine ang kanilang kaluluwa. Yes! This is their power. They're eating your spirit.

Wala akong pinalagpas na pagkakataon at naglabas ako ng enerhiya sa aking palad and I release it to them. One by one will become ashes.

Agad kong linapitan ang mga students at ibinalik sa kanila ang nawala nilang lakas.

"How many are they?" Tanong ko sa isang student.

"Hindi po sila mabilang kamahalan . Maybe they are around five thousands or more." Napapikit ako sa aking nalaman. Great! Lahat na ng alagad niya ay naririto na!

"Ngunit po walang kors ang dumating." Sabi naman ng katabi nito dahilan upang napamulat ang aking mga mata. Napatango naman ako sa sinabi niya.

Naubos na kasi ang mga kors nung huling pagsugod nila. Turan ko sa aking isip.

"Mag iingat kayong lahat dahil hindi madaling kalaban ang mga alagad niya." Napatango naman silang lahat sa sinabi ko.

"Mag iingat din po kayo kamahalan." Sabi nila. Napangiti ulit ako sa sinabi nila.

"Don't worry. I promise , I will." Sabi ko sa kanila at tumalikod na. Patakbo kong tinahak ang daan pababa ng hagdan upang makatungo sa unang palapag. Nasa ikapat na palapag kasi ako ngayon. Habang tumatakbo ay may nadadaanan akong mga students na kinakalaban na mga alagad ni Chesterine. Muli ay nagpakawala ako ng malakas na enerhiya sa aking palad at ibinato ito sa mga kaaway. Nakita ko naman nagtalsikan ang mga ito at nawala nalang ng parang bula. Agad kong linapitan ang mga students na nasa hagdan at ginamot ko ang kanilang napinsalang katawan. Pagkatapos ay patakbo ulit akong bumaba.

Sa ikatlong palapag ay mas marami na sila. Nakita ko naman ang aming mga guro na nakikipaglaban. Nakikita ko man na nahihirapan sila ay hindi na muna ako nakielam sa laban nila dahil sa lalaking nakikita ko sa harap ng fountain nitong building.

Hawak nito si Myra at nakataas sa ere habang hawak nito ang kanyang leeg. Nangunot naman ang aking noo sa nakikita ko. Hindi maaari!

Napabaling ulit ako sa mga ibang students dito sa ikatlong palapag at alam kong nahihirapan na sila kaya gumawa ako ng air ball at pinatamaan ang mga kalaban nila. Pagkatapos ay walang alinlangang tumalon sa ikatlong palapag. Habang bumaba ay nakatuon lamang ang atensyon ko kay Myra na nahihirapan na ngayong makahinga. Tumakbo ako sa ere papunta sa kanila habang bumababa ako sa hangin. Nang makalapag ang aking mga paa sa harapan nila ay napatingin ito sakin na malaki ang ngiti sa labi. Nakatingin naman ako sa kanya ng seryoso.

"Ibaba mo si Myra, Chesterine." Mahinahon kong sabi dito.

"Bakit ka umalis ? Bakit mo ako iniwan nag iisa ulit ha?!" Tanong nito sa akin at nababakas ang sakit sa mga mata nito.

"Bitawan mo si Myra." Pag uulit ko dito.

"Mahal kita! Mahal na mahal! Bakit mo kailangang iwanan ako?!" Sabi nito. Nakita ko namang nagkukulay violet na si Myra kaya mabilis ang aking mga galaw at gumawa ng levitation. Pinalutang ko ang isang bato at ibinato sa kamay ni Chesterine. Napagtagumpayan ko naman iyon upang sanhi para matamaan ito at mabitawan si Myra. Pinalipad ko si Myra papunta sa aking bisig.

"Tigilan mo na ito Chesterine." Nakakunot na sabi ko. Nakita ko naman si manager Harry na papalapit sa aming kinatatayuan ngunit bago pa ito napalapit ay pinalipad kong muli ang walang malay na si Myra sa kanya. Napatigil ito ng masapo niya ito sa kanyang mga kamay.

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon