IN THE CASTLE

760 32 1
                                    

Megumii P.O.V.

Pagkatapos ng party ay di muna kami pinapunta ng hari at reyna sa school. Ihahatid nalang daw kami bukas ng tanghali. At dahil sa nangyaring pagdiriwang ay cancel ang klase sa paaralan bukas upang makapagpahinga ang bawat isa. Nandito ako ngayon sa kwartong ibinigay sa akin ng reyna. Siya daw ang pumili na dito ako matulog. Sa una ay parang nahihiya pa akong tanggapin ngunit mapilit at makulit ang reyna kaya di na ako nakatanggi pa. Nagtataka talaga ako hindi naman kaugali ng mahal na reyna si Javier napakabaligtad ang kanilang mga ugali. Pati rin ang hari ay di ganun ang ugali. I wonder kung saan nagmana ng ugali ang prinsipe kung ang mga magulang niya ay napakamasayahin? Sa una, kapag nakikita mo ang hari iisipin mong magkapareha sila ng ugali pero nung nakasama namin sila kanina sa table ay napakadaldal din pala nito.

Nandito pala ako sa mini sala at linilibot ang paningin sa paligid ng silid ko ngayon. Napakaganda at napakalawak nito na tila ay galit na galit sa diyamante. Hindi parin maalis sa isipan ko kung bakit dito ako pinapatulog ni Reyna Ayesha. Pero hahayaan ko nalang dahil sobrang napakaganda talaga ng kwartong ito. Lumapit nalang ako sa mini library upang magbasa para makaramdam man lang ako ng antok. Kumuha ako ng isang libro at umupo sa may sofa. Tinignan ko ang nakasulat sa title nito.

The Legendary Book...

Napakunot noo ako. Ngayon ko lang ito babasahin. Ano kayang kwento ito?

Binuksan ko sa unang pahina at napatakip ako ng mata ng biglang umilaw ito. Napakaliwanag at tila nasisilaw ako. Nang mawala ang liwanag ay inalis ko na ang mga kamay ko sa aking mukha o mga mata at napatingin sa aklat. Hindi na ito umiilaw ngunit may mga imaheng gumagalaw kaya lumaki ang mga mata . Kinusot ko pa ang mga mata ko baka nag hallucinate lang ako ngunit hindi. Isa itong ulo ng matandang lalaki na malaki ang balbas nito at nakangiti sakin habang gumagalaw ang ulo nito.

"Magandang gabi aking Diyosa."

Nabigla nalang ako ng magsalita ito kaya nabitawan ko ang aklat at lumiwanag nanaman at bigla nalang itong lumabas sa aklat . Ngayon ay nakalutang ito na kumpleto na ang katawan . Napanganga nalang ako sa aking nakikita tila ako ay nananaginip lamang .

"Megumii." Napakunot noo nalang ako dahil tinawag niya ang pangan ko. Teka? Bakit kilala ako nito? Sini at ano ba talaga ito? Isa ba itong Kors?

"Nababasa ko ang laman ng iyong isipan Megumii. Nagkakamali ka dahil di ako isang Kors . Ako ang taga bantay ng aklat na ito at ako mismo ang aklat na iyong binuksan." Saad naman niya.

Ano raw? Siya ang tagapag bantay ng aklat ngunit siya rin ang aklat? Medyo magulo ha.

"Ginawa ako ng God of fire upang gabayan ang totoong nagmamay ari sa akin."  Sabi naman niya.

"Sino?" Takhang tanong ko.

"Ikaw." Sagot naman niya.

"A-ako? Baka nagkakamali ka lang." Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya at ngumiti.

"My master, mawawala lang ako kapag natupad na ang nakalaan sa aklat na ito. Ikaw ang nakatakda at nag mamay ari sa akin." Sabi naman niya.

"Ha?" Bigla nalang siyang nalaho at bumalik sa aklat at lumipad papunta sakin ang aklat. Pilit ko naman binubuksan ang aklat ngunit di na siya mabukas. Napadako nalang ako sa pintuan at nakabukas yun . Nandun ang mahal na reyna at si Javier na nakatingin sakin.

"Ikaw pala ang nagmamay ari sa aklat na yan Megumii." Sabi ng reyna na shock na shock pa.

"P-po?" Ako.

Ngumiti naman ang reyna at lumapit sakin.

"Di ako nagkakamaling dito kita linagay sa kwartong ito iha. " nakangiting saad nito.

"P-po? Tila umurong ang aking dila at di ko alam ang sasabihin ko.

Lumapad naman ang ngiti ng reyna.

"Yayayain sana kitang maglakad lakad sa labas . Alam kong di ka pa makatulog. Pero yang aklat na yan sayo na yan iha." Nakangiting sabi niya sakin.

"S-salamat po kamahalan." Sabay bow ko .

"Matutulog kana ba? Nakakaabala ba kami ni Javier?" Napatingin naman ako sa may pinto kung saan naroroon si Javier. Tipid ako ngumiti sa reyna.

"Hindi po your majesty. Ikinagagalak ko po kayong makasama ngayong gabi." Tipid na ngiti ko rito.

Napapalakpak naman siya.

"Great, c'mon iha . Marami tayong pupuntahan dito sa palasyo. Ililibot kita hanggang saan tayo makarating." Saad naman ng reyna habang hawak ang dalawang kamay ko.

Ngumiti lang ako rito at inilapag sa sofa ang aklat. At lumabas na kami ng aking silid.

Nandito kami ngayon sa labas ng palasyo dito sa may hardin habang naglalakad nasa likod naman si Javier.

"Alam mo ba iha, pinangarap kong magkaroon ng isang babaeng anak ngunit di nabiyayaan ngunit napakasaya ko dahil dumating naman samin si Javier. Di man siya ganun ka sweet pero magalang naman ang batang yan kahit laging tahimik at laging nakasimagot." Mahabang sabi naman ng reyna at napatingin ako kay Javier na tumikhim ngunit bumaling ulit ako kay reyna Ayesha na nakangiti sakin ngayon.

"I heard about your parents death. And I am sorry for what happened to them. If I had a chance to destroy all the bad creatures. I will destroy them all. But my power is not enough." Biglang lumungkot naman ang hitsura niya kaya napahawak ako sa kamay ni reyna Ayesha at napatingin ito sakin. Napakaganda ng reyna na parang kaedaran lang namin ito. Kaya di nako magtatakhang nabihag niya ang puso ng hari.

"That's ok you're highness. Thank you so much for your kindness . Maraming salamat po ." Saad ko kay Reyna Ayesha.

Ngumiti naman siya at naglakad muli kami .

Nakarating kami sa mga kwadra.

"I love horses. This one is my favorite." Hawak ng reyna ang isang blue and white na kabayo.

"Magandang gabi po sainyo." Biglang lumaki ang mga mata ko at napatingin sa kabayong hawak ng reyna. Teka? Sinong nagsalita? Linibot ko naman ang paligid at kami lang tatlo ang naririto.

"I think he likes you. His name is Quadz ." Habang hinihimas parin ng reyna ang kabayo.

Ngumiti lang ako bilang tugon.

"Napakagandang nilalang mo naman." Bumilog ang mga mata ko habang titig na titig kay Quadz.

"May problema ba iha?" Bumaling naman ako sa reyna at napailing.

"W-wala po kamahalan." Tugon ko dito.

Itutuloy.......

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon