PAGBABAGO

614 26 0
                                    

MEGUMII P.O.V.

Bago ako lumabas saking kwarto ay inayos ko ang aking sarili. It is time to move on. Oo, gusto kong makausap si Javier at gusto kong magpaliwanag siya sa akin, ngunit napag iisip isip kong wala na rin pala akong mapapala kung makakausap ko pa siya. Unang una halata namang ginawa niya lang akong panakip butas nung nawala si Tricia at ngayong nandito na siya ay itatapon nalang ako ng parang basura ni Javier. O pangalawa na totoo ang sabi ni Jinx na pinaibig lang niya ako upang makapaghiganti sa asal ko sa kanya noong unang araw naming magkita sa canteen. Alin man don ay parehong masakit.

Oo masakit aminin sa sarili ko pero yun ang totoo na kailangan kong tanggapin. Siguro ay masaya na ito ngayon at nangyari ang pinaplano niyang saktan ako . Nagtagumpay siya. Ngunit ako si Megumii Yamamoto na matatag at matibay ay hindi magpapatalo sa kanya. Nagwagi ka man saktan ang puso ko pinapangako kong tatayo ako at babangon.

Naglagay ako ng kolorete sa aking mukha at lipstick para sa pagbabago. At lumabas na ng aking kwarto napatingin ako sa mga matang nakatingin sakin at sinarado ko ang pintuan ng aking kwarto.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Anthony . Ngumiti muna ako dito.

"Sa mall lang." Sabi ko rito.

"Na ganyan ang ayos mo?" Tinignan ko naman ang ayos ko .

"Bakit? Malaswa ba?" Tanong ko rito.

"Fitted dress na hapit na hapit sa legs with high heels na sobrang taas and your make up. Seriously Megumii?" Di makapaniwalang sabi nito sakin.

"Mag mamall lang ako promise." Sabi ko naman.

"Go to your room and change your outfit." Mahinahon na sabi nito kaya napataas naman ang kilay ko.

"Gusto ko nito e. Di ko pa to nasusuot magmula noong binili ko." Nakanguso kong sabi.

"Damn it, damn it." Madiin na bulong nito ngunit dinig ko naman.

"Okay, okay , ganito nalang, what if sumama ka nalang sakin para masure mo na sa mall lang ang punta ko at para may kasama rin ako Anthony." Nag iisip na napatango siya sakin na ikinangiti ko naman.

"Salamat." Masayang sabi ko.

"Magbibihis lang ako. Pero kapag may nambastos sayo roon , huwag mo akong pigilan na baka mapatay ko sila." Sabi naman nito sakin.

"Kaya nga isasama kita para di ako mabastos no. Hihihi" naiiling na pumunta siya sa kanyang kwarto.

Hihintayin ko nalang siya dito.

Napatingin naman ako sa isang bulto ng tao na alam kong kanina pa nagmamasid. Madilim ang anyo nito but who cares? Ngumiti naman ako dito ng pagkalapad lapad.

"Honney(ha-nei), anong ginagawa mo diyan?" Napatingin naman sa akin si Tricia at nabigla ito nung una ngunit agad itong nakabawi at ngumiti sakin. Ngumiti din ako pabalik dito.

Linagay naman niya ang kamay niya sa bewang ni Javier ngunit di ata napapansin ng mokong si Tricia at sa akin lang siya nakatingin.

Napatingin naman ako kay Anthony na kalalabas lang ng kanyang kwarto. Ang gwapo nito sa polo shirt na suot niya. Napangiti nalang ako.

"Matagal ba ako?" Umiling ako .

"Hindi a, ang bilis mo nga e." Nakangiti kong sabi.

"Sure ka bang susuotin mo yan sa mall?" Napatingin naman kami ni Anthony kay Javier na siyang nagtanong. Anong problema ng lalaking to.

"Anong pangit sa suot niya hon e she is hot and beautiful. Kakaiba ang ganda niya." Sabi naman ni Tricia.

Ngumiti naman ako dito.

"Salamat." Lumakad ako papunta sa kanila.

Alam kong nakatingin ang lahat ng elites ngayon pati si beshy na kanina pa nakatulala sakin ewan ko ba.

"Hi, I'm Megumii Yamamoto."  Sabay bow sa kanya.

"Naku wag ka ng mag bow , ako nga pala si Patricia Lobe, nice to meet you." Linahad nito ang kamay niya at tinignan ko muna ito bago nakipagshake hands sa kanya. At ngumiti.

Nasa sa likod ko naman si Anthony.

Tumingin naman ako sa likod.

"Beshy and Raven, bukas na tayo magbobonding ha . May kailangan lang akong gawin at bilhin." Sabi ko sa kanila.

"Sige." Raven.

"Mag iingat kayo." Sabi naman ni beshy. Tumango ako na nakangiti. Lalakad na sana ako.

"You can't go out with that outfit of yours." Napatingin ako kay Javier.

"Nandito naman si Anthony e, he can take care of me, WHAT EVER HAPPENS." Sabi ko rito nakita ko ang adams apple nito na gumalaw.

Binigyan naman nila kami ng daan at hinawakan ni Anthony ang kamay ko at ngayon ay naka holding hands kami at tuluyan na kaming nagtungo sa hagdanan papunta kami ngayon sa labas.

Lumabas na kami at kita ko ang pagkanganga ng mga student sa paligid at bulungbulangan nila. Pero hinayaan ko nalang. Naglakad lang kami saglit papuntang parking lot nitong school . Actually malapit lang siya sa dorm namin kaya carry naman. Nasasanay nako sa takong na suot ko ngayon . Medyo masakit na ang mga paa ko ngunit carry pa naman at kakayanin. Nang makarating kami sa parking lot at pumasok sa kotse ni Anthony ay napahanga ako sa loob at labas ng kotse niya.

"Ang ganda naman ng sasakyan mo, bet mo talaga ang color red no?" Tumango naman siya at ngumiti.

"Alam mo ba na ang daming lalaking tinitignan ka kanina mula ulo hanggang paa." Biglang pag iiba niya ng mood.

Nakasakay na kami ngayon.

Napanguso naman ako.

" Huwag kang ngumuso dyan. Saan mo ba talaga balak pumunta?" Tanong nito.

"Mall?" Patanong kong sabi.

"Di ako naniniwala , so, saan nga?" Napabuntong hininga naman ako.

"Sa bar dapat, kaso sumama ka e." Sabi ko. Inistart naman niya ang kotse at dali dali akong nagseat belt. At pinaandar niya ang kotse niya.

"Saan mo ko dadalhin niyan? E doon sa kabila ang papuntang mall ?" Takhang tanong ko.

"Sa bar ko." Napatingin naman ako at lumiwanag ang aking mukha.

"May bar ka?" Tanong ko dito at tumango naman siya.

"Talaga? " di makapaniwalang tanong ko.

"Oo, pinatayo ni daddy dito. Para daw may pagkaabalahan ako kahit konti." Sagot niya.

"Ah kaya pala."

Itutuloy...

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon