MEGUMII P.O.V.
Nagising nalang ako na nasa isang silid na ako. Linibot ko ang aking paningin at naupo sa kama. Gawa ang silid sa dyamante dahilan upang mapa awang ang aking bibig. Nasaan ako? Hindi naman ito ang palasyo nina Raven. Di ba? Gawa sa emeralds ang kastilyo nila. Ngunit dito sa kinaroroonan ko ngayon ay puro dyamante ang nakikita ko.
Napatingin naman ako sa pagbukas ng pintuan at pumasok si Javier.
"You're awake." Nakangiting sabi ni Javier at inilapag ang tray ng pagkain.
"Anong nararamdaman mo ngayon?" Malambing na sabi nito.
"Ayos na ang pakiramdam ko Javier, nasaan tayo?" Sabi ko sa kanya .
"Nasa FORESTIANEM na tayo. Nung nawalan ka ng malay ay dumeretso na tayo dito upang makapagpahinga na. Kahapon ka nawalan ng malay at ngayon ka lang nagkamalay." Sabi nito na ikinatango ko naman.
"Nasan sila?" Tanong ko kay Javier.
" Naghahanda na sila sa susunod na misyon. Are you sure that you are fine now?" Alalang tanong nito.
Tumango naman ako at tumayo. Inalalayan niya ako sa pagtayo at pinaupo sa mini sala nitong kwarto. Inayos nito ang mga kubyertos at plato saka niya iniabot sakin ang kutsara na tinanggap ko naman aat nagpasalamat.
"Kumain kana ba?" Tanong ko dito atsaka ito ngumiti sakin at tumango.
"Yeah, kanina lang ng konti bago ako pumunta dito, love." Napangiti nalang ako sa kanya at nag umpisa ng kumain. Pagkatapos kong kumain ay lumabas muna si Javier upang makausap daw ang mga magulang ni Anthony kaya ay naiwan ako at hinahalungkat ang mga gamit ko ngayon. Hinahanap ko kasi ang toothbrush ko at mga pamalit na damit . Nang makita ko ang mga ito ay tumayo na ako at naglakad na papuntang banyo at nagsimula ng gawin ang daily routine ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng cr at humarap sa salamin, nagpulbos lamang ako at lipstick pagkatapos ay linagay ko na ang mga marurumi kong damit sa plastic bag at linagay sa backpack ko.
Lumabas na ako ng silid at naglalakad lamang ako dito sa loob ng kastilyo nina Anthony. Palinga-linga lang ako habang hinahanap ang labasan. Para maka langhap man lang kahit sariwang hangin.
Ngunit nagtaka nalang ako bakit padilim na padilim ang paligid?
Napahinto naman ako ng lakad ng may marinig akong nag uusap. Tila ay kilala ko ang mga boses na nag uusap. Kakatok na sana ako.
"Anong plano mo ngayon?" Tila natigilan ako sa sinabi ng babae. Plano? Para saan? Yan lamang ang katanungan ko sa aking sarili na di namamalayan ang vase sa tabi ko at natamaan ko ito sa aking siko na ngayon ay nagpakawala ng sobrang ingay at napatingin ako sa pinto na nagbukas iyon.
"Kanina ka pa ba nandyan?" Tanong ni Ryan sa akin.
"Hindi naman, kadarating ko lang dito. Kakatok sana ako upang tanungin kung saang direksyon ang papuntang garden? Gusto ko sanang magpahangin muna at lumanghap ng sariwang hangin. Kaso bago ako kumatok ay natamaan ng siko ko ang vase na hindi sinasadya. Paumanhin sa nangyari." Sabi ko sa mga ito at thank God dahil di ako nautal. Napangiti naman si Emma sa akin habang si Ryan ay sinusuri ang aking kabuuan.
"Tara at sasamahan kita lumabas ng palasyo." Nakangiting sabi ni Emma at tinangay ako nito at tinahak ang daan papuntang garden ng palasyo. Naiwan naman namin si Ryan na nakatayo doon.
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasíaANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...