Megumii P.O.V.
Nandito ako ngayon sa sala ng dorm . Yes, nakauwi na kami kagabi pa. Umalis na rin kasi kahapon ang mga bisita kaya di na kami nagtagal pa ng palasyo at naisipan na naming umuwi na ng dorm.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko.
Totoo ba talaga ang kasal namin ni Javier? Kahit sinabi ng mga elites na totoo iyon ay hindi pa rin ako kumbinsido. Tila ay nananaginip lamang ako. Hindi ba masyadong maaga pa upang magpakasal ? 18 palang ako! Dapat ineenjoy ko pa buhay dalaga di ba? Ang nakakatuwa pa ay kinasal akong hindi ko alam na totoo pala ang kasalang naganap.
Napatingin ako sa tinidor na hawak ko ngayon , nakatusok lang naman ang hotdog dun kaya kinagat ko ang hotdog upang mawala naman ang pagkabad trip ko. Oo! Mahal ko si Javier! Mahal na mahal ! Ngunit kasasagot ko palang sa kanya nung makaraan di ba? At isa pa, kinasal kami na hindi pa kami.
Naubos ko ang hotdog na hindi ko namamalayan. Nang tindor nalang ang nakagat ko ay napatingin ako dito at napanguso. Naubos ko ang mga hotdogs sa refrigerator. Marami rami din akong nakain ngunit hindi ako mabusog busog.
Muli ay napabuntong hininga ako at tumulala sa kawalan katulad kanina ko pang ginagawa.
Di ba dapat masaya ako ngayon? Dapat nagdiriwang ang puso ko dahil sa wakas asawa ko na ang akimg nobyo? Ngunit parang pinagtaksilan nila ako? Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit parang naninibago ako sa sitwasyon?
Natural lang naman na manibago ,right?
"Booooh!" Pagulat na sigaw nito .
"Ay! Kabayo ka!" Ako habang hawak ang aking dibdib.
"Ayos ka lang ba?" Umupo si Anthony sa tabi ko na tila ay nag aalala siya sa kalagayan ko.
Napabuntong hininga ulit ako.
Umupo naman siya sa upuan sa tapat ng mesa sa harapan ko .
"Anong mararamdaman mo kung isang araw nalaman mong kasal kana pala? " Tanong ko sa kanya habang nakatingin dito.
"Magiging masaya ako." Nakangiti nitong sabi. "Kung ang napangasawa ko naman ay mahal na mahal ko ay ako na ang pinakaswerteng lalaki sa mundo. Kahit sa una di ko alam na totoo na pala ang kasal namin ay magpapasalamat talaga ako ng napakalaki dahil siya ang naging asawa ko, masasaktan siguro ako kung ibang tao ang napangasawa ko at hindi ang taong nagpapaligaya sa akin. Kung pagising ko ng umaga mukha nito agad ang makikita ko tapos buong araw siya lang makakapiling ko . From the start of the day to the end siya ang matatanaw ko ay sobrang saya na ng mararamdaman ko. Walang hanggang saya." Sabi nito.
"Eh paano kung gusto mo pang ma-enjoy ang mga araw sa pagiging dalaga o binata mo ?" Curious na tanong ko.
Tumingin naman ito sa vase na may bulalak na nasa harapan namin.
"Ma-e-enjoy ko pa rin naman iyon lalo na at wala pa akong anak, spend your time with your friends and your husband or wife. Napag uusapan naman yan . Ayaw mo ba nun? Wala ng makakaagaw sayo kay Prince Javier, lahat sila ay didistansya dahil nalaman nila na kasal na kayo. Wala ka ng kaagaw sa kanya. At isa pa you can do whatever you want to do, di naman porket nag asawa kana ay pababayaan mo na sarili mo. May kanya kanya tayong sariling isip at paniniwala. Basta maniwala ka lang sa kanya at maging masaya kung ano man ang meron kayo. Swerte mo nga at agad mong nabakuran ang prinsipe e, ahahaha". Nakatingin lang ako dito at bahagyang napangiti sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...