OFFICIAL

497 20 0
                                    

MEGUMII P.O.V.

Nandito kami ngayon sa elites dorm dito sa school. Nakaupo lamang ako sa study table ko habang si Javier naman ay nandito din sa aking kwarto at kinakalkal ang mga libro sa aking mini library. Nagulat nga ako kaninang dumating ito sa kwarto, marami syang dalang aklat at inilapag sa study table ko. Kailangan
ko daw basahin lahat ng iyon at isaulo lahat. Nung una ay umangal pa ako ngunit mapilit siya kaya heto ako ngayon at nag aaral mabuti. Nakakalahati ko na nga itong aklat e. Di ko nga alam kung anong oras na. Napaangat naman ako ng noo ng bigla nalang inilapag ni Javier ang iba pang aklat, karagdagan sa mga aklat kanina. Napa sigh naman ako at ibinalik ang aking atensyon sa aklat na aking binabasa.

"Diyan ka muna at ipapakuha kita ng makakain sa mga maid." Tumango lamang ako sa kanyang tinuran habang nakatuon pa rin ang atensyon ko sa binabasa kong aklat.

Umalis naman ito sa side ko at binuksan ang pinto ng aking kwarto. Pagkatapos ay lumabas na ito at isinara ulit ang pintuan. Nagbabasa ako ng mabuti ngayon at iniintindi ang lahat ng aking mga binabasang aklat. I'll never hate reading books. Sa katunayan nga nyan e tuwang tuwa ako pag nakakahawak ng libro at binabasa ito, ngunit masisisi niyo ba ako? Sa dami ng mga librong ito ay parang nalulula na ako. Okay lang kung tatapusin ko bawat libro sa isang linggo ngunit sabi ni Javier ay kailangan kong matapos ang isang libro sa isang araw. Really? Sa kapal ng mga librong ito,bawat pahina ay talagang sobra liit ng mga letra at napakahaba pa ng mga sulat dito.

Mga ilang oras pa ay ramdam ko na ang gutom. Bakit di pa dumadating ang kamahalan? Tinapos ko muna ang pagbabasa sa librong hawak ko bago ako tumayo. Pagtayo ko ay napahawak ako sa lamesa sa aking harapan. Tila ay di ko maramdaman ang mga paa ko, kaya minabuti ko munang ganoon ang aking posisyon para manumbalik ulit sa dati at maramdaman ko na ang aking mga paa.

Ilang minuto lamang ay okay na ang aking mga paa. Kaya napagpasyahan ko ng lumabas ng aking kwarto.

Pababa na ako ng hagdan ngayon at rinig kong nag uusap ang kawal sa palasyo at ang prinsipe. Anong ginagawa ng kawal na ito dito?

"Kamahalan, inaasahan po ng ibang planeta na makausap at makita po kayo. Sana po ay makarating po kayo sa palasyo." Yumuko naman ito at umalis na.

Napatingin naman ako kay Javier na naka side ngayon at kita ang pagkakunot noo nito.

Ibang planeta? Pupunta ba dito ang mga tiga ibang planeta? Anong gagawin nila dito.

"Ano kayang mga hitsura nila no?" Masayang tanong ni Raven kay Akira na kakalabas lang nila sa kusina.

"Aba ewan ko. Baby pa lamang daw tayo nung huling punta nila dito sa White Snow World." Sabi naman ni Akira.

Napatingin naman sa taas ng hagdan si Raven at ngumiti sakin.

"Megumii!" Tawag nito at kumaway pa sakin dahilan upang mapatingin si Javier sa akin.

Ako nama'y dali daling bumaba ng hagdan. Pagkababa ko ay silang tatlo ay nakatingin sakin. Ang tingin ni Javier ay blanko. Ewan ko ba kung ano ang tumatakbo ng pag iisip nito. Habang ang dalawa naman ay ngumisi ngisi.

"G-Gutom na ako, kaya ako bumaba." Sabi ko sa kanila. Hinila naman ako ni Raven at Akira.

"Tara, handa na ang hapunan." Sabi naman ni Raven habang hila ako. At naiwang nakatayo lamang si Javier.

"Alam naman namin na gutom na gutom kana e. Kaninang umaga kapa di kumakain." Sabi ni Akira.

Nadatnan namin si beshy na patapos ng nagluluto.

Nang maamoy ko ang kanilang inihanda ay biglang tumunog ang aking tiyan. Tinignan muna nila ako atsaka sila tumawa.

"See?" Sabi ni Akira. Napatango naman ako na nahihiya.

Pinaupo nila ako at tinawag na nila ang mga boys upang makapagsimula na kaming kumain. Nang dumating na ang mga lalaki ay tahimik lang kaming kumain nung una ngunit sa kalagitnaan ng aming pagkain ay nagsalita bigla si Julius.

"Alam niyo ba, hindi ko alam kung magiging excited ako sa pagdating ng mga tiga ibang planeta e." Sabi nito.

"A-ano bang meron?" Tanong ko sa kanila dahilan upang mapatingin silang lahat sakin.

"Ehemm." Narinig ko tikhim ni Javier.

"A-ah, wala naman bibisita lamang sila." Tila ay hindi ako kuntento sa sinabi ni Raven. Bibisita lamang ba sila? Pero bakit kakaiba ang nararamdaman ko?

"A ganun ba?" Ibinalik ko naman sa pagkain ang tingin ko at sumubo. Sumubo na rin sila ng kanilang mga pagkain. Tahimik lamang kaming kumakain at minsan ay napapatingin sa mga kasamang tahimik lamang sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay sari sarili kaming balik sa aming kwarto na walang nagsasalita. Weird! Pero hinayaan ko nalamang ito.

Kakatapos ko lang maligo ng marinig ko si beshy satapat ng aking pintuan.

"May malaking kahon sa ilalim ng iyong kama beshy, ang laman ng kahon na iyon ay ang mga gagamitin mo para bukas. Babalik tayo ng palasyo upang salubungin at ientertain ang mga bisita. Utos ng hari at ng reyna." Narinig ko naman ang yabag nito palayo sa aking pintuan.

"Sige." Nasabi ko nalang at kinuha ang puting kahon sa ilalim ng aking kama.

Binuksan ko ito at iniangat ang laman. Isa itong Red Royal na kasuotan. May kapares itong red shoes na may konting takong at may mga accessories din ito. Napa sigh naman ako. Kailan kaya ito inilagay sa aking kwarto? Sino kayang naglagay nito? Si beshy ba?

Hinayan ko nalang ang aking nasa isipan. At ibinalik sa kahon ang mga susuotin ko daw bukas at pagkatpos ay isinara ang kahon. Ibinalik ko na ang kahon sa ilalim ng aking kama at nahiga na. Ano man ang mangyayari bukas ay bahala na. Humiga ako at dahan dahang ipinikit ko ang aking mga mata.

Ano kayang mangyayari bukas? Yan lamang ang aking katanungan magmula kanina...

Iginupo na ako ng antok....

Itutuloy...

Next chapter OFFICIAL 0.1 , abangan....

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon