PORTAL

665 21 0
                                    

MEGUMII P.O.V.

Nandito ako ngayon sa sala at hinihintay ang mga heros elite dahil nasa kwarto pa ang mga ito . Ilang araw pagkatapos kong makalabas ng hospital ay agad na ibinalita ni Headmaster Joey na may mission kaming gagawin ngayong araw kaya nagreready na ang heros elite ng mga gamit nila sa paglalakbay.

Natapos na ako kagabi sa mga dadalhin ko sa aming paglalakbay. Konti lamang ang dala kong damit at maraming pagkain ang dinala ko pati tubig, di maaalis ang chocolate na talagang pinagkasya ko pa saking backpack. Mukha tuloy puputok ang backpack ko sa dami ng dala ko. At ngayon nakikita ko na ang pangangawit ng aking likod at balikat kapag binuhat ko na ito. This is my first mission, kami pala ni beshy . Sana ay agad namin itong masolusyonan at sana di gaano mahirap ang susuungin namin. Alam ko namang hindi biro ang mga misyon ng mga elites base sa kwento nila Ustin ngunit kailangan talagang maging matatag ka kaht anu man ang misyon na iyon.

Napatayo ako ng makita ko ang mga maletang dala nila. Seriously? Kailangan maleta talaga????

"Bakit backpack lang ang dala mo Megumii? Sasabak tayo sa misyon." Takhang tanong ni Ustin.

"Ha? Dapat nga akong magtanong sa inyo kung bakit nakamaleta kayo? Di ba yan sagabal sa paglalakbay natin?" Takhang tanong ko.

Umiling naman sila.

"Pupunta tayo samin Megumii , pwede namang iwanan niyo ang gamit niyo sa kaharian namin." Sabi ni Akira.

Napatingin naman ako kay beshy na maleta din dala nito.

"Okay na yan friend, tara na ." Nakangiting saad ni Raven. Kaya tumango nalang ako. Walang anu ano'y kinuha ni Javier ang dala kong bag at sinukbit sa balikat niya.

"Teka, baka mahirapan ka." Sabi ko dito.

"Don't worry I am fine, c'mon." Una ng naglakad si Javier palabas ng dorm at sumunod kami sa kanya.

Nandito kami ngayon sa pinakasulok ng school at makikita mo ang isang daan na umiilaw, para itong pinto ngunit umiilaw ito .

"Ito ang portal , dito tayo papasok upang makapunta sa aming palasyo." Wika ni Akira.

"First time kong makakita ng ganyan." Sabi ni beshy at di nakaligtas sa mga mata ko ang magkahawak na kamay nila ni Julius. Napatingin naman ako kay Javier na inakabayan ako nito.

"Don't worry I'm here to protect you." Pagkasabi niya noon ay biglang nalang nagwala ang mga paru paro saking tyan at biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya tumango nalang ako sa kanya paradi niya mahalatang kinikilig ako.

"Ready na ba kayo." Tanong ni Ustin.

Napatango naman kami sa kanya.

Hinawakan ako sa kamay ni Javier at ngayon ay nakaholding hands na kami . Bago pa ako makareact sa ginawa niya ay tinangay na ako nito papasok sa portal. Habang hinihigop kami ng portal ay parang bumabaliktad ang sikmura ko. Feeling ko ay hinuhukay ang laman loob ko. Napakasakit! Napamulat nalang ako na nasa ibang lugar na kami. Sa isang palasyo na kulay Red. At ang lahat ng bagay na makita namin ay parang Ruby ang ginamit sa palasyong ito. Napakaganda!!!

"Welcome to my home." Pagkasabi ni Akira ay napatingin kami kay beshy na nagsuka .

Lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod niya.

"Okay ka lang ba?" Alalang tanong ko sa kanya.

"Medyo okay na ako beshy, peste kasing portal na yan e. Sa susunod ayoko ng pumasok sa portal ulit."  Nakangusong saad nito.

"Babe, ganyan din kami ng una , masasanay ka rin." Tila naman napataas ang isa kong kilay ng marinig ko ang babe . Naku ! Inalababo talaga tong dalawang to. Napatingin kaming lahat sa dalawang taong dumating.

"Mom ! Dad! "  wika ni Akira at sinalubong niya ang mga ito ng yakap . Pagkatapos ay kumalas din agad ito.

Bahagyang yumuko ang mga ito ng makita si Javier .

"Mahal na prinsipe nagagalak kaming nakapunta ka saming munting kaharian." Wika ng isang napakatangkad na lalaki at gwapo din ito. Siya ang ama ni Akira.

Tumango naman ang prinsipe.

"Nagagalak ko po kayong makita Lady Marisa at Lord Hordi , salamat po sa pagsalubong sa amin." Magalang na sagot ni Javier . Nakikita sa ugali nito ngayon na sobrang galang nito. Ngumiti naman ang dalawa dito at yumuko ng kaunti.

"Isang malaking karangalan po sa amin kamahalan." Sabi naman ni Lady Marisa.

Sabay baling ng tingin sa amin ng ina ni Akira samin.

"Masayang paglalakbay sa inyo. Welcome to our place ladies and gentlemen." Nakangiting saad nito .

"Salamat po tita." Saad ni Julius. Napatingin naman sakin ang ama at ina ni Akira.

"Napakagandang bata, I heard a news about the two who will added in heros elite group. I think the news was true. Awesome ." Nakangiting sabi ng ina ni Akira at sakin siya nakatingin. Tila ay nahihiya ako sa tingin na inuukol nito sakin.

"Maraming salamat po lady ." Saad ko rito.

"Ustin kamusta na pala, balita ko ang iyong amang mandirigma ay ipapadala din dito upang tumulong. Nagagalak kaming makita at makasama ang iyong ama. "Turan ng ina ni Akira ng bumaling ito kay Ustin.

"Ikinararangal po naming mapabilang sa mga magigiting na mandirigma na kasamang lulutas sa misyong ito tita." Magalang na sabi ni Ustin atsaka ngumiti ito pagkatapos sabihin ang katagang kanyang binitawan.

"Ikinararangal din namin iho." Saad naman ni Lord Hordi.

"Halina kayo sa hapag kainan dahil nagpaluto ako ng maraming pagkain dahil alam naming darating kayo. Doon nalang natin pag usapan ang inyong misyon. Ipapadala nalang namin ang mga gamit niyo sa inyong magiging silid" Sabi ni Lady Marissa.

Sumunod naman kami dito at iniwan doon ang mga gamit namin pagkatapos ay sumunod na kami sa ina at ama ni Akira.

Itutuloy...

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon