HER ABILITY

566 23 0
                                    

MEGUMII P.O.V.

Nandito ako ngayon sa kwarto, tatlong araw na ang nakakaraan ng pinatakbo kaming lahat. Kaya ang mga students ay hindi nagawang pumasok ng tatlong araw kasama na kami ng elites. Pinostpone muna nila ang pagpeprepare ng mga booths dahil naawa ang mga teachers samin. Ewan ko ba kay Headmaster kung ano ang naisip niya bakit niya yun pinagawa. Oo, naiintindihan ko naman ang punto niya kaso mali parin ang ginawa niya lalo na at naka heels kami. Ang mga boys ay medyo ok lang ang mga paa nila kumpara saming mga girls ngunit lahat kami ay masakit amg katawan. Tatlong araw ako nakahilata sa higaan. Hinahatiran lang ako ng mga pagkain ni Javier at binabantayan ang aking pagtulog. Oo, alam kong binabantayan niya ako kahit di niya sabihin. Hindi ko alam kung bakit alam ko ang bagay na iyon ngunit nararamdaman ko ang prisensya niya kahit tulog ako.

Tungkol sa sinabi ko noon sa aking sarili na sasagutin ko na siya ay nagpasya parin akong pag isipanang bagay na yun. Siguro ay handa na talaga ako ngayon na sagutin siya. Pagaling na rin ang aking mga paa. Nakakalakad na ako ng maayos kahit papaano kaya tumayo ako at maliligo muna ako.

Pagkatapos kong naligo ay isinuot ko ang dress ko at napatingin ako sa "The legendary book" at lumutang ito sa ere. Bumukas ito at iniluwa ang tao sa loob ng libro.

"Magandang umaga aking Diyosa. Nais ko lang ipabatid na ang lahat ng pinagdaanan niyong misyon ay nandito na rin. Isusulat ko lahat ang iyong buhay sa librong aking tahanan. Kaya ako lumabas ay nais kitang balaan, hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Ang iba ay kathang isip lang at ang iba ay kalaban. Maging mapili ka sa iyong mga kakaibiganin dahil iyan mismo ang magdadala sayo sa kanya. Huwag kang basta basta maniwala aking Diyosa." Tila ay naguluhan ako sa sinabi niya. Napakunot noo akong nakatingin sa kanya.

"Sa kanya? Kanino ?" Takang tanong ko ngunit unti unti itong nawawala sa at bumabalik sa libro.

"Malalaman mo rin..." rinig kong sabi niya bago pa ito tuluyang nawala at bumalik sa aklat. Bumalik naman ang aklat sa kinalalagyan nito ngunit tila iniisip ko parin ang kanyanv sinabi kanina.

"Sino kaya ang tinutukoy mo?" Out of the blue kong bulong.

Naibalik ako sa realidad ng aking pag iisip ng may biglang kumatok sa aking kwarto at dali dali akong binuksan yun.

"Beshy! My gosh nakakatayo kanang maayos at nakakapaglakad ka na rin! Alam mo bang ilang ulit kong sinumpa sa isipan ko si Headmaster dahil akala ko ay katapusan ko na." Exaggerated na sabi ni Beshy kaya napangiti ako.

"Ah oo. At salamat naman at nakakapaglakad kana rin ng maayos. Kamusta na pala sina Akira at Raven?" Ako.

"Ayos na sila. Nagluluto sila sa baba. Kaya nga nandito ako ngayon dahil mag fofood trip tayo sa kusina ngayong araw. Tara na."  Hinila na ako ni beshy at isinara ko muna ang pinto bago niya ako tuluyang hilain.

Nakababa na kami at nandito na sa kusina. Abala ang lahat sa pagluluto. Si Raven ang naghihiwa at si Akira ang nagluluto. Ang tatlong lalaki naman ay nasa sala, dinaanan namin sila kanina na naglalaro sa cellphone nila. Himala nga at nakisali si Anthony sa kanila ngayon at nakangiti pa ito habang tutok sa cellphone niya.

"Nandito na kami." Napatingin naman ang dalawa samin ni beshy at ngumiti.

"Great! Umupo na kayo at lulutuin na naminang iba pang ulam. Yung ibang ulam luto na mamaya ay ilalagay na namin sa sala. Doon tayo kakain." Nakangiting sabi ni Raven.

"Naglalaro ang tatlo don." Sabi ko.

"Hayaan mo sila ahaha, doon tayo para naman mag iba ang nakikita natin habang kumakain. Malaki naman ang lamesa dun e at mahahabang upuan." Tumango nalang ako sa sinabi ni Akira.

"Kanina pa sila naglalaro sa cellphone nila. Enjoy na enjoy. Alam mo bang tawag kami ng tawag sa kanila kanina para tumulong. Ngunit parang di nila naririnig kaya hinayaan na namin sila. Bahala sila ." Parang batang sumbong ni beshy.

"Hayaan muna natin sila , para naman mawala yung stress nila nitong nagdaang araw." Sabi ko nalang.

Ngumiti lang sila at tinuloy ang kanilang ginagawa si beshy naman ay umupo kasama ko at tinignan sila.

"Mukhang palaging busy ang kamahalan ngayon a." Napatingin naman ako kaya beshy.

"Oo nga e lagi siyang umaalis pag ganitong oras na." Sabi naman ni Akira.

Napatingin naman ako sa taong bagong dating ngayon.

"Hello." Nakangiting sabi niya.

"Hi." Sabay sabay naming bati sa kanya na walang halong kaplastikan.

"Upo ka muna dito." Yaya ni beshy at umupo ito sa tabi niya.

"Kamusta kana ? May masakit pa ba sayo?" Umiling muna ito bago sumagot kay beshy.

"Hindi na, salamat sa pag aalala at pasensya na rin. Salamat din kay Anthony na sa binigay niyang healing pills. Feeling ko lalo akong lumakas nun." Nakangiting saad nito .

"Ano nga pala ang kapangyarihan mo?" Tanong ni beshy.

"Ang kapangyarihan ko ay nakikita ko ang hinaharap pag hinahawakan ko ang isang tao." Nakangiting saad nito. Kaya napatingin ako sa kanya.

"So? Nakita mo ang hinaharap ko?" Takang tanong ni beshy.

"Konti lang naman ang nakita ko dahil sandali lang kitang nahawakan." Sabi naman ni Tricia. Ang dalawa naman doon ay abalang abala pa ewan ko lang kung nakikinig sila.

"Anong nakita mo?" Parang nagniningning ang mga mata ni beshy sa tanong na iyon.

"Ikakasal kayo ni kuya." Napanganga naman si beshy sa sinabi ni Tricia.

"Ayyyiiieeehhh'" Rinig kong tukso ng dalawa ngunit sa ginagawa parin nakatuon ang atensyon. Tila naman di makapagsalita si beshy sa nalaman niya. Shock na shock siya.

Bigla naman tumingin si Tricia sakin.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang hinaharap mo ?" Nagulat ako ng tanungin niya ako at umiling ako.

"Hindi na. Mas maganda kasing hindi mo alam ang hinaharap di ba? Para may thrill." Sabi ko sa kanya kaya napatango naman ito at ngumiti. Ngumiti naman ako dito.

Napatango naman ito at ngumiti sa akin.

Itutuloy...

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon