PIXIES

558 18 0
                                    

MEGUMII P.O.V.

NATAPOS ang mini vacation namin na ang daming nangyari. Para sa akin napakatagal ng bakasyon na iyon. Nandito pala ako sa hardin ng school ngayon hinihintay na lumabas ang mga pixies. Yes! Sabi kasi nila Raven ay mayroong mga pixies dito at madalang lang silang magpakita sa mga taga white snow world. Kaya nandito ako para hintayin silang lumabas . Madaling araw palang ngayon, ewan ko ba sa sarili ko , nang malaman ko kasi ang tungkol sa mga pixies kagabi ay na excite talaga ako kahit walang kasiguraduhang magpapakita ba sila o hindi . Malay natin di ba? Marami namang kababalaghan ang nangyayari sa buhay ko kaya igrab na natin na magpapakita sila sakin. Ehe, never pa kasi akong nakakita ng pixies e, wait ! Parang nakakita na pala ako noon pero di ko alam kung saan. Hays! Baka imagination ko lang pala yun.

"Pst!"

Napatayo naman ako sa gulat ng may parang tumatawag sakin. Nakaupo kasi ako sa damuhan kanina e. Nagpalinga linga ako ngunit wala naman tao sa paligid o kahit pixies. Kaya umupo ulit ako . Baka guni guni lang pala yun.

"Pst! Pst! Pst!"

Napalinga linga naman ako. Hala! Baka may multo dito! Totoo ba ang mga multo? Takot pa naman ako sa mga multo, sabi kasi ni beshy hindi daw totoo ang mga multo kaya pinaniwalaan ko siya. Ngayon para na akong matatae sa takot.

"Pst ! Pst! Pst!"

Linakasan ko naman ang loob ko at tumayo ulit at pinakinggan ito.

"Pst! Pst pst!"

Napatingin naman ako sa may maraming bulaklak at may nakita akong napakaliwanag na hugis tao ngunit napakaliit nito.

Linapitan ko siya at to my surprise napakaganda ng mga pakpak nito. Kulay pink at purple ang kulay.

Ngumiti naman ako dito. At siya rin ay ngumiti. Kulay green ang kanyang kasuotan na hanggang tuhod lamang. May korona din ito sa ulo. Ang ganda niya! Biglang lumiwanag ang aking kwintas. Kung bakit, ay hindi ko alam kung anong dahilan.

"Matagal na kitang hinihintay. Sa wakas ay natagpuan mo na ako. Maari ba kitang tawaging aking amo?" Sabi niya.

Napanganga naman ako at naguguluhan sa mga sinabi niya.

"Bakit mo ako hinihintay? At bakit moko tatawaging amo?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Malalaman mo rin sa takdang panahon." Sabi naman niya.

"Huh? Kailan? Bakit hindi pa ngayon? Baka nagkakamali kang ako ang hinihintay mo." Umiling naman siya at ngumiti.

Nagulat nalang ako ng nagsilabasan ang napakaraming pixies. At gaganda ng mga kulay ng mga pakpak nila.

"Ako ang kanilang prinsesa, Megumii." Lalo akong napanganga sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman ang aking pangalan?" Takhang tanong ko.

"Dahil ikaw ang aking hinihintay, ikaw lamang...ako nga pala si Clariz, hanggang sa muling pagkikita amo...." bigla nalang silang nawala sa paligid .

"Himala at ang aga ata ng bff ko." Napatingin naman ako sa nagsalita.

"Ah oo." Napatingin naman ako sa kalangitan at umaga na pala. Hindi na madilim ang paligid.

"Bakit nandito ka?" Tanong ni beshy kaya napatingin naman ako dito.

"Hinihintay mo ang mga pixies na lumabas no?" Tanong niya .Taas baba pa ang kilay niya habang sinasabi iyon. Napangiti naman ako dito at tumango.

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon