THE PROMISE

446 19 0
                                    

MEGUMII P.O.V.

NAGISING ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking kwarto. Katatapos lang ng mga aralin at pinagbakasyon kami ng mga guro upang makapagpahinga naman daw kami dahil sa tambak tambak na gawain nitong nakaraan, naisipan naman naming lahat ng mga elites na magbakasyon sa White sand beach resort. Pagmamay ari ni Javier.

Kadarating lang namin kagabi dito. Sa sobrang pagod ko ay nagpaalam ako sa mga kasamahan ko na matutulog na at kinabukasan na kumain. Wala man akong narinig sa mga ito ay ipinagpatuloy ko na ang paglalakad papunta sa aking magiging kwarto.

Napakaganda at napakaaliwalas ng paligid dito sa resort. Napakasariwa ng hangin. Gawa sa crystal ang mansyong aming tintuluyan sa ngayon.

Bumangon ako at pumunta na sa banyo upang gawin ang nakasanayan kong gawin araw-araw. Pagkatapos ay lumabas na ako.

Naka short ako ngayon ng maikli at naka sando ng itim. Mahilig kasi akong mag short at sando dahil na rin siguro sa init ng panahon ngayon.

Napatingala ako ng makitang pababa ng hagdan si beshy at halata ang pamumula ng pisngi nito. Pinagmamasdan ko siya habang bumaba ng hagdan. Nasa itaas kasing bahagi ang kanyang kwarto at sa akin nama'y sa ibaba, glass lang ang harang sa  aking kwarto kaya nakakapasok ang sinag ni haring araw doon.

Nang makababa ito ng tuluyan ay di ako napansin nito at tuloy-tuloy lang sa kitchen.

Napa tikhim naman ako na ikinalingon nito bago pa makapunta sa kitchen.

Alanganing ngumiti ito sa akin.

"May problema ba beshy?" Alalang tanong ko dito. Ngayon ko lang nakikita ang expression nito na hindi ko maipaliwag kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon. Agad naman umiling si beshy.

"Want to open up?" Tanong ko dito. Lumapit ito sa akin at hinila ako sa papasok sa aking kwarto pagkatapos ay isinara niya iyon..

"A-ano?!" Di makapaniwalang tanong ko dito.

"Shhh. Huwag kang maingay. Sa atin nalang muna ito beshy ha." Sabi nito at halatang kinakabahan.

"Are you out of your mind?! Why do you have to do that? Hindi pa kayo kasal beshy." Sabi ko dito . Napalabi naman ito at umupo sa tabi ko dito sa side ng kama.

"Alam kong mali,pero nangyari na beshy. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at na carried away ako." Sabi niya. Napailing naman ako at hinawakan ang aking noo.

"Okay, relax." Hinwakan ko ang kanyang mga kamay.

"What if nabuntis ka niya?" Tanong ko dito. OO,TAMA ANG NABASA NINYO. MAY NANGYARI SA BESHY KO AT KAY JULIUS! Nawindang ako sa nalaman ko!

"He said, he loves me and I love him too. Megumii, sabi niya pananagutan daw niya ako sa nangyari sa amin." Sabi nito.

"Dapat lang! Naku kung hindi ay makakatikim sa akin ang lalaking yan." Sabi ko dito na ikinangiti naman niya.

"Thank you beshy ha. Thank you dahil nandyan ka for me always." Napangiti naman ako sa sinabi niya at yinakap ito.

Lumabas kami na parang walang nangyari. Napag usapan kasi namin na umarte para di magduda ang mga kasamahan namin.

Nadatnan namin silang lahat na nakaupo na sa mga upuan nila at nakahain na ang mga pagkain.

"Kayo nalang hinihintay. Let's eat." Masayang sabi ni Julius at pinaningkitan ko to ng mata. Napalunok naman siya at tumingin sa mga pagkain. Umupo naman kami ni beshy at kumain ng tahimik. Pagkatapos ay diretso kami sa pool area. Nagbabad lamang kami saglit at umahon din kalaunan.

Palihim kong kinakausap si Julius sa aking isipan .

"Mag usap tayo mamaya sa may tabing dagat Julius. May importante tayong pag uusapan." Sabi ko dito.

"Copy." At yan ang natanggap kong sagot mula sa kanya.

Lumipas ang oras at hating gabi na. Nagpaalam ako kay Javier na maglalakad lakad muna ako sa tabi ng dagat. Gusto nga niyang sumama ngunit sabi ko gusto kong mapag isa. Hindi naman siya nagpumilit dahil na rin kay headmaster na lagi siyang ginagambala sa cellphone nito.

Habang naglalakad sa tabi ng karagatan ay napatingin ako sa isang pigura ng tao na papalapit sa akin na ikinatigil ko sa paglalakad. Alanganin itong ngumiti at di malaman kung ngingiti ba o kakabahan.

"Let's get to the point Julius. Alam kong mahal mo si beshy. At alam kong di ko pwedeng panghimasukan kung ano man namamagitan sa inyo pero please do not hurt her ." Sabi ko dito at seryosong nakatingin sa kanya. Sumeryoso naman siya.

"Hindi ko siya sasaktan, makakaasa ka. Mahal na mahal ko ang beshy mo Megumii. I will do whatever she wants me to do." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"So? Kailan ang kasal?" Diretsahang sabi ko dito.

"Soon as possible. I love her too much. And I am willing to give her the world." Kita ko ang ningning sa mga mata nito habang sinasabi iyon. Ang ningning na lagi kong nakikita kapag kasama ko si Javier. Lumapad naman ang aking ngiti.

"Kailan mo gustong magpropose?" Hindi ko man naranasang magpropose si Javier sa akin ay gusto kong maranasan ni beshy ang ituring na parang isang prinsesa. She deserves it.

"Bukas." Sabi nito at tumango naman ako dito.

"Good, ingatan mo ang best friend ko Julius. Mahal na mahal ko yan. Itinuturing kong nag iisang kapatid ang bride-to-be mo. Huwag na huwag mo siyang sasaktan at pababayaan. Ako ang makakalaban mo." Sabi ko sa kanya habang tapik-tapik ang balikat nito.

"Makakaasa ka. Pinapangako ko Megumii." Contentment, yan ang nararamdaman ko ngayon. Humakbang na ako at naglakad papalayo sa kanya at dire-diretsong pumasok sa aming tinutuluyan.

Nakita ko naman ang mga girls na naglalaro sa sala at napatingin sila sa akin pagpasok ko ng pintuan.

"Saan ka galing? Tara at samahan mo kami dito at maglaro tayo." Sabi ni Akira. Napangiti naman akong pumunta sa kanilang pwesto at umupu na rin sa sahig katulad nila. May mga shot glass at mga whiskey ang nasa lapag at may boteng pinapaikot nila.

Napatingin kaming lahat sa mga boys na humahangos papasok ng rest house.

"Pack your things now. We have urgent mission." Sabi ni Javier at naintindihan naman namin yun kaya tumayo na kami at pumasok sa kanya kanyang mga silid upang makapag empake ulit. Napatigil naman ako sa pag eempake ng maalala ang pagpopropose ni Julius para bukas.

"Bakit ba ngayon pa kami biglaang nagka misyon?!" Inis na sabi ko at ipinagpatuloy ko ang aking pagbabalot ng aking mga damit...

Itutuloy...

Paumanhin kung bihira muna mag aupdate si Author dahil maraming ginagawa this days. Pero pipilitin kong makapag UD agad .. thanks for supporting guys. Sana di kayo magsawa hanggang matapos ang THE LIVING GODDESS LOVE YA....

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon