MISSION 1.2

570 24 2
                                    

MEGUMII P.O.V.

Nakatayo lang kaming nakaabang sa Semi-God. Bungad palang ito ngunit nararamdaman ko na ang kapangyarihan nito. Napakalakas!

Napanganga ako sa mga nakikita ko ngayon.

Isang higanteng ibon! Hindi nalamang ito ibon kung hindi Python ang ulo nito! Sobrang laki nito at kulay pula. May ibong ahas pala?

Wraaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhssssssssssssssssss!!!!!!

Kaming lahat ay napatakip ng aming tenga dahil sa hiyaw nito.

"Nandito kami upang tulungan kang ibalik sa iyong pwesto. " wika ni Akira.

Wraaaaaaahhhhhhhhhssssss!!!!!!

Tila ay hindi niya nagustuhan sinabi ni Akira at lalo itong nagwala . Nagpakawala ito ng kidlat mula sa kalangitan at muntik na kaming matamaan buti nalang at nakailag kami.

"Wraaaaaaaaaaahhhhhhhsssssss! (Hindi ko kayo sasaktan kung aalis na kayo dito.) Parang natulala ako sa aking narinig. Siya ang narinig ko di ba?

"Ba-bakit mo ito ginagawa? Ba-bakit ka nananakit ng tao?" Seryoso kong tanong dito.

Napatingin naman ang ibong python sa akin.

Hinawakan naman ni Javier ang kamay ko ngunit di na ako nag abalang tignan pa siya.

"Wraaaaaaaaahhhhhhhhhsssss!!!!!! (May gumambala sa pananahimik ko, kahit sabihin ko sayo at di mo ako maiintindihan! Dahil walang nakakaintindi sa isang katulad ko!!)

"Naiintindihan kita." Tila ay napatigil ito sa pagwawala.

"Wrahhhhhhhhhhhhhhhsssss!!!! (Kalokohan! Sinasabi mo lang yan dahil ano? Gusto mong magpasikat sa mga kasamahan mo?)

"Hindi, hindi ko kailangan magpasikat sa kanila at bakit ko naman gagawin yun?"  Sagot ko dito.

"Megumii, anong pinagsasabi mo?" Tanong naman ni Akira.

Hindi na ako nag atubiling tignan si Akira at nakatingin lang ako sa ibong phyton na kausap ko.

"Wraaaaaahhhhhhssssssss!!!( totoo palang naririnig mo ako, pero paano?)

Bigla naman lumiwanag ang aking kwintas at lumutang ako.

"Wraaaahhhhhhhsssssss!!!! (I-ikaw?! Kilala na kita ! Paumanhin sa aking pagwawala. Ikaw na pala ang itinakda.)

"Bakit ka nagwawala ?" Tanong ko rito.

"Wraaaaaahhhhhhhhhhhhhhssssss!!!!!!!(May gustong pumasok sa aking sinasakupan at maghahasik siya ng lagim!!!! Hindi ako makakapayag na mapasok niya ito at makuha ang kanyang pakay.)

"Sino siya?" Tanong ko.

"Wrahhhhhhhssss! ( Isang masamang nilalang!)

"Bumalik kana sa iyong pinoprotektahan, at bantayan mo ito ng maigi. Huwag ka ng manakit ulit ng mga tao . Ginawa kayo upang protektahan sila hindi upang puksain." Sabi ko rito.

"Wraaahhhsss(masusunod po). Pagkatapos noon ay lumipad na ito pataas at nagliwang ito.

Naging isang napakagandang babae ito na ang suot ay kulay pula. Pula ang mga mata ,buhok at ang pakpak nito  . Napakagandang nilalang.

"Ako si Bubbles . Ang semi God ng Fierra." Wika niya.

"Ikinagagalak ka naming makilala Semi-God Bubbles." Sabi ko naman.

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon