MARRIAGE BOOTH

500 22 1
                                    

MEGUMII P.O.V.

Nandito ako sa likod ng napakalaking puno dito sa field at nagtatago. OO! As in nagtatago!

Paano ba naman kasi pagkatapos ng training namin kahapon sa box na iyon ay di na ako tinantanan nina Akira, beshy at ni Raven! Kinukulit kasi nila akong pumunta sa marriage booth kaso nga lang ay ayoko. Sinong papakasalan ko? Ang bata ko pa para dun! Ni wala nga akong boyfriend kasal agad? Kahit na fake lang yun ay ayoko pa rin. Kaya ginawa ko iniwasan ko sila. Eh ang mga bruha kinontsaba lahat ng students na dalhin ako sa marriage booth! Buong students na naghahanap sakin, para tuloy akong kriminal na walang kasalanan na nagtatago sa mga kawal. Napabuntong hininga naman ako at napaupo.

Siguro ay dito muna ako hanggang mamayang matapos ang booth festival. Tuesday palang ngayon at Friday pa matatapos ang booth festival, hays paano ko kaya maieenjoy ang ibang booth kung hina hunting nila akong lahat. Wala na ata talaga akong magagawa kung hindi magtago hanggang 5 pm, pero gutom na ako di pa ako nag lulunch magmula kaninang umaga.

Napahawak naman ako sa aking tiyan at napanguso.

Ang daya naman! Sila nag eenjoy sa mga booth habang ako heto nagtatago at tinitiis ang gutom.

"Ayun siya!"  Napatingin naman ako sa lalaking sumigaw at tinuturo ako nito kaya napatayo ako bigla at tatakbo na sana ngunit huli na at hawak na ako ng tatlong lalaki at binuhat nila ang dalawang kamay at dalawang paa ko.

"Saan niyo ba ako dadalhin! Ano ba!" Ngunit tila wala silang naririnig at dinala nila ako sa kulungan ng marriage booth este sa lugar kung saan nilalagyan ng kolorete ang mukha ng bride.

Di na ako makapalag ng lumabas sina beshy, Akira at Raven na hawak hawak ang ibat ibang kolorete . Napanguso nalang ako at napaharap sa salamin at di na gumalaw. Paano ba naman tinali ako ng tatlong lalaki sa mga paa at dalawang kamay ko. Double kill di ba?

Di na ako nagsalita at inumpisahan na nila akong ayusin at pagkatapos nila ay inalis na nila ang pagkakatali sakin.

Napatingin naman ako kay Akira ng may inilabas na white na pang kasal at white shoes na mataas ang heels. Napa nganga naman ako ng inihagis niya sa akin iyon.

"Tumayo ka na dyan at suotin mo na yan. Kanina pa naghihintay ang groom mo." Wika nito. Tila napalunok naman ako sa sinabi niya.

"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" Takha kong sabi na medyo naiinis na.

Nag peace sign naman sila at hinila ako ni Akira papasok sa fitting room kuno. Napa roll eyes naman ako at wala na akong magagawa kaya sinuot ko nalamang ang bride's gown na akalain mo talagang totoo akong ikakasal. Napatingin nalang ako sa salamin sa aking harapan at pinagmasdan ang aking kabuuan.

"Di ka pa tapos dyan? Kanina pa naghihintay ang prince charming mo hihihi." Rinig kong sabi ni Raven kaya padabog akong lumabas.

Napa woah pa sila at nag apir apir pa sa harap ko.

"May kulang e." Sabi ni beshy.

"Ay oo nga pala." Dali daling kinuha ni Akira ang mga white ang purple rose at ibinigay sakin.

"Perfect!" Sabi ni Akira.

"May kulang pa rin e." Sabi naman ni beshy.

"Ano?" Takhang tanong ni Akira at Raven na nakatingin sakin mula ulo hanggang sa paa.

"Smile na beshy." Sabi naman ni beshy sakin.

"Binebenta niyo na nga ako gusto niyo pang maging masaya ako? Hello? Ni clueless nga ako kung sino ang sasakalin este papakasalan ko ng peke." Galit na sabi ko. Tampo na ako ! Hmp!

"Promise magugustuhan mo kung sino." Sabi naman ni Raven.

"Ayaw mo ba talaga?" Tanong ni beshy.

"(Sigh), may magagawa paba ako?" Naparoll eyes nanaman ako.

"Wala hihihi." Sabi ni Akira at hinila na nila ako papuntang altar.

Iniwan ako ng mga ito sa daanan papuntang altar at kita ko ang isang lalaking nakatalikod na naka pang groom din ito.

Napa gulp nalang ako at nagsimulang maglakad papuntang altar sunud sunod akong napa gulp ng makita ko si Javier na siyang nakasuot pangkasal na seryoso parin ang hitsura nito. Kinakabahan ako! Ang kaninang inis ay napalitan ng kaba! Sobrang bilis ng puso ko ngayon. Totoo ba ito? Siya ang groom? Pero peke lang naman ito di ba bakit ba ako kinakabahan?

Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang naglalakad papuntang altar.

At nang malapit na ako sa altar ay sinalubong ako nito. Kinuha nito ang isa kong kamay at inilalayan paakyat sa isang step ng altar.

At nang makaakyat kami ay humarap kami sa isang padre? Totoong padre ito di ba? Akala ko ba na student ang magkakasal dito? Bakit totoong pari?

Napatingin naman ako kay Javier na may pagtataka sa aking mukha. Ngumiti naman siya sakin.

"Narito tayo ngayon upang saksihan ang pag iisang dibdib ng dalawang nag iibigan." Napaharap naman ako sa paring kaharap namin ng magsalita ito.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Salita ng salita ang pari sa harapan ngunit parang di pa rin nagsisink in sakin ang nangyayari.

"I do." Sabi ni Javier.

"I do."

"I do."

"I do." Paulit ulit sa isipan ko ngayon.

Napatingin nalang ako kay Javier ng hawakan nito ang aking isang kamay.

Tumingin naman siya sa akin at pagkatapos sa pari.

"Inuulit ko, ikaw babae,tinatanggap mo bang maging kabiyak ang lalaking ito sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan?" Teka parang may mali talaga dito.

Dug dug dug...

O heart! Ikaw nalang ang naririnig ko.

"I-III do." Sabi ko. Napayuko nalang ako ng marinig na magsigawan at magpalakpakan ang buong elites at ang mga students na nanonood.

"Isuot na ninyo ang inyong mga singsing"  sabi ng pari kaya napaangat ako ng tingin dito at napatingin kay Javier.

Singsing? Pero wala akong dalang singsing! Haist ano ba tong iniisip ko! Peke lang naman to bakit may singsing pa?

Lumapit naman si beshy samin at ibinigay sa amin ang singsing tig isa kami ni Javier.

Kinuha ni Javier ang aking kamay at dahan dahang isunuot ang hugis na heart ruby stone na singsing sa aking palasingsingan.

Plain lamang ang singsing na hawak ko ngunit kumikinang ito. Pagkatapos niyang ilagay ang singsing saking palasingsingan ay ganun din ang ginawa ko. Nang maisuot ko na sa kanya iyon ay nag salita muli ang pari na lalo kong ikinakaba ang salitang binigkas nito.

"You may now kiss the bride!" Wika nito at napaharap kay Javier, bago pa ko magsalita ay sinakop na ng labi nito ang aking labi. Tuluyan ng magwala sa saya ng mga manonood. Tanging ang puso ko lamang ang naririnig ko. Totoo bang nangyayari ito?

Pagkatapos niya akong halikan ay humarap kami sa mga taong nanonood.

"Honey moon na!" Sigaw ni Justin na ikinapula ng pisngi ko.

Napabaling naman kami sa pari ng ibigay nito ang papel na pipirmahan namin kaya lalo akong nagtaka.

"Para saan po yan?" Tanong ko dito.

"Para lamang yan sa school na katunayan na sumali kayo sa marriage booth." Sabi naman ni Akira at kumikindat kindat pa ito. Kaya napatango tango naman ako.

Kinuha ko ang mga papel at panulat at isa isa kong piniramahan ang mga ito. Bakit ang dami naman ata?

Ganun din ang ginawa ni Javier at pagkatapos ay napatili nalang ako ng buhatin ako nito ng bridal position at naglakad palabas ng booth.

"Sa-saan tayo pupunta?" Natatarantang tanong ko dito. Nginitian lamang ako nito at dinala sa karwahe niya at pumasok na rin siya.

Itutuloy...

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon