Gown of Hilda👆👆👆👆
Megumii P.O.V.
Lulan pa rin kami ni Javier sa sasakyan nito hinihintay ko lang na makarating agad sa palasyo dahil nakakabingi ang katahimikan saming dalawa ni Javier. Gusto ko sana siyang kausapin tungkol kagabi at linawin ang mga sinabi niya kaso napapaghinaan ako ng loob. Himala at di ko ata kayang kausapin siya ngayon. Oo nangako ako sa sarili kong iiwasan siya ngunit di rin kasi ako mapakali sa mga naiisip ko tungkol kagabi. Ang daming tanong ang nasa isipan ko magmula kagabi hanggang ngayon. Para akong sira ngayon na titingin sa kanya at bigla magbabawi ng tingin at yuyuko. Pinaglalaruan ko ang dalawang daliri ko sa kamay. Dagdagan mo pa si Anthony na gusto ko ring kausapin upang makahingi ng paumanhin sa nangyari kahapon.
"You can talk to me if you want." Biglang baling naman nito sakin. Heto nanaman yang english niya.
"Ah k-kasi. A-about kahapon..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at natulala nalang ako at napataas ang noo ko sakto para makita siya. Shock pa rin ako sa ginawa niya. What did he do? Bakit ganito feeling ko ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may humahabol na kabayo rito.
Did he KISS ME?! Smack lang pero damn ! Ninakawan niya ako ng first kiss. My first kiss was HIM at dito pa sa sasakyan niya!
"I am serious about yesterday Megumii." Sabi niya at bumaba na ng sasakyan di ko na namalayan na nandito na pala kami sa palasyo.
May nagbukas ng pintuan ng sasakyan banda sakin kaya nginitian ko ito. Nagulat pa nga ito at napanganga kaya lumabas na ako ng sasakyan at nagpasalamat sa kawal na nagbukas ng pintuan ng sasakyang sinakyan namin kanina ni Javier. Yumuko naman ito at binigyan niya ako ng space para maka alis sa lugar na yun, kaya naglakad nalang ako papasok ng palasyo. Lahat sila ay nakatingin sakin na para bang manghang mangha at napapanganga pa . Ngiti lang ang aking tugon sa kanila. Sino bang hindi mapapatingin kung kasabay mo ang isang prinsipe. Medyo awkward nga lang pero pilit ko itong winawaksi.
Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa palasyo. Napakaganda at napaka laki ng palasyo na akala mo ay sobrang daming nakatira dito.
Inalalayan naman ako ni Javier sa pag akyat ng napakahabang hagdan . Sobrang haba nito na parang nakikita ko na ang mga paa ko na mamamaltos mamaya dahil sa 6 inches na heels ko.
After one milyon years aha charrr nakarating na kami sa harap ng napakalaking pintuan . Dahan dahang bumukas naman ang dalawang pintuan sa aming harapan at unti-unti kong nakikita ang loob ng palasyo. Napanganga nalang ako ako dahil parang galit na galit sa ginto ang loob ng palasyo. Mula chandelier hanggang flooring. Mahihiya ka talagang umapak dito. Medyo masakit na din ang mga paa ko ngunit winalang bahala ko nalang iyon lalo na at narinig ko ang mga Heros Elite sa likuran ko at si beshy. Di na ako napatingin sa likuran ng hawakan ni Javier ang aking palad . Nang makita kami ng mga tao sa loob ay nagsipalakpakan ang mga ito . Ang mga kawal naman ay bahagyang yumuko samin.
Hinila na ako papasok ni Javier habang hawak pa rin nito ang aking palad. Pinagmamasdan ko lang ang aming mga kamay habang nakayuko. Tila namumula ako ngayon. Buong mukhang pamumula ata ang nararanasan ko kaya di ko na itinataas ang aking mukha baka may makapansin sa mga kasamahan namin ni Javier at tuksuin lang ako ng mga ito.
Tumigil naman sa paglalakad si Javier kaya napatigil na rin ako. Ngunit di parin niya inaalis ang pagkahawak sa palad ko.
"Iho, mabuti at nakadalo ka . Kayo ng mga kaibigan mo." Napaangat ako ng tingin sa baritonong boses na iyon. At lalo ata akong kinabahan ng makita ko ang hari at reyna na nasa harapan namin ni Javier at nakangiti samin ni Javier ngayon.
"I miss you so much my son, ikaw ha kung hindi pa ako magpapaparty ay di ka dadalaw sa palasyo." Nakangusong sabi ng reyna.
"Patawarin niyo po ako ina at ama." Magalang na saad naman ni Javier. Teka? Tama ba narinig ko? Nagtagalog siya at di siya bastos kausap ngayon. May galang din pala sa matatanda to e. At marunong naman palang magtagalog pinapahirapan pa kami.
Napabaling naman ang tingin ng reyna at hari sa akin.
"Siya na ba son?" Tanong ng reyna.
Tumango naman si Javier. Na ikinanoot ng noo ko. Anong pinagsasabi nila? Ano ang pinag uusapan nila?
Ngumiti naman ang reyna at ang hari sa akin.
"Welcome sa palasyo iha. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Sabi naman ng reyna sakin.
"You're majesty, ako nga pala si Megumii Yamamoto---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang akong yakapin ng reyna na ikinabigla naming lahat. Kaya nabitawan ni Javier ang kamay ko.
"Tama nga ang sinasabi ng prinsipe na napakaganda mo nga talaga. Alam mo ba na--" hindi natuloy ng mahal na reyna ang sinasabi niya.
"Ma, I am hungry." Sabi ni Javier. Ngumiti naman ang reyna at kumalas sa pagkakayakap sakin.
"I am sorry my son. You may go now. Enjoy the party guys." Nakangiting saad naman nito habang nakangiti sakin.
Nagbow lang kami sa reyna at hari at tumalikod na ang mga ito upang pumunta sa kanilang trono at kami naman ay pumunta sa magarbong handaan . Nakakislap nalang ang mga mata ko sa mga pagkain na nasa harapan namin. Kukuha na sana ako ng plato ng may mga dumaang tagapaglingkod samin at nag bow muna.
"Doon po ang inyong pwesto kamahalan." Turo naman ng isang tagapaglingkod . Sumunod naman kami sa sinabi niya. Nakayukong napapanguso ako. Gutom na kaya ako. Bakit kaya di muna nila kami pinakuha ng pagkain .
Napaangat naman ako ng tingin ng magsalita si beshy.
"Beshy tatayo ka lang ba dyan halika na dito dali!" Kumakaway pa ang bruha kaya ang mga mata ay nasa amin namaman nakatuon. Dali dali akong pumunta sa pwesro daw namin at natatanaw ko na may mga pagkain na pala doon na sobrang dami rin. At madami ring fried chicken kaya dali dali akong umupo at kumukha ng plato at kubyertos.
"Sabi ko sa inyo e gutom na si Megumii. "Sabi naman ni Raven. Pero di ko muna pinansin . Gutom na gutom na kaya ako no.
May umupo naman sa tabi ko kaya napatingin nalang ako. Nakasmile lang siya sakin ngayon. Sa huli kong natatandaan e galit na galit to sakin a . Bakit ngayon ay di maalis ang ngiti nito sakin? Pero masaya na ako dahil okay na siya.
"Kain tayo Akira." Yaya ko sa kanya . Tumango naman siya at kumuha ng pagkain at sumubo ito. Pinagmamasdan ko lang siyang kumakain.
"Hindi ako nabubusog pag may nakatingin saking kumakain." Sabi naman niya. Kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain.
"S-sorry." Hingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Nah,apologies accepted." Nakangiting sabi niya sakin. Nagtatakha na talaga ako dito e. Parang may hindi tama. O baka di na siya galit sakin. Ewan ahaha pero masaya ako sa pinapakita niyang ugali ngayon. Napansin ko rin na kanina pa tingin ng tingin sina Raven, JULIUS, Justin, at beshy samin ni Akira pero ang dalawang lalaki sa gilid ay walang expression. Tahimik lang silang kumakain.
"Ano ba yan guys. Kumain na nga lang kayo. Kanina pa kayo tingin ng tingin sakin a, alam ko naman na maganda ako pero wag niyo naman masyadong pinapahalata." Biro ni Akira.
Kaya ngumiti lang ang apat na naiiling. Ibinalik na nila ang tingin sa pagkain nila at kumain na . Ganun rin ang ginawa ko at masayang kumain ng sobrang dami.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
ФэнтезиANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...