MEGUMII P.O.V.
Naglalakad ako ngayon sa buhanginan sa tabing dagat . Medyo nakakalayo na ako at parang sobrang dilim na sa part na to. Gabi na kasi ngayon at pangatlong araw na namin dito.
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang isang boses. Yeah, boses yun at kilalang kilala ko ang boses na yun . Kaya dali-dali akong nagpunta sa may puno at nagtago doon. Kitang kita ko siya ngayon na nakatayo ito at nakatalikod sa pinagtataguan ko.
"Kamusta kana pala ahahaha, ang tagal nating hindi nag usap." Sabi niya sa kausap niya sa cellphone niya.
"Ah, talaga? Ikiss mo naman ako sa inaanak ko. Miss na miss ko na kayo." Dagdag pa niya at nag stop siyang magsalita.
"Ahaha , hindi nag eenjoy nga ako dito e. Pakiusap naman kay baby Evangeline."
"Hi baby miss ka na ni ninang, huwag kang mag alala at malapit nakong bumalik dyan konting tiis nalang, may ginagawa kasi si ninang, pag uwi ko dyan maglalaro tayo at kakain tayo ng marami nina mommy mo. Ahahhaa I love you, wag maging pasaway kay mama mo ha , sige na baby ibalik mo na kay mama mo." Masayang sabi ni Tricia at naghintay ng saglit sa kausap nito.
"Tricia, konti nalang at matatapos na ang pakay ko dito. Kaya magsaya na tayo ahahhaa!" Sabi nito na ikinakunot ng noo ko. Tricia? Di ba siya si Tricia? O kapangalan lang niya. Napatingin naman ako sa bandang paa ko at may nakita akong , ipis?! Biglang lumaki ang mga mata ko takot ako sa ipis . Napasinghap naman ako at napayuko ..
"May tao ba dyan?" Rinig kong sabi ni Tricia kaya napahawak ako sa bibig ko at pinipigilan ko ang mapatili.
Narinig ko na parang papunta dito si Tricia kaya napapikit akong inisip kong SANA MAKABALIK NA AKO NG AKING SILID DITO.
Napamulat naman ako ng mata ng napagtanto kong wala nakong marinig na lumalakad at inilibot ko ang aking paningin at great! Nandito na ako sa kwarto ko. Napahigop naman ako ng hangin at binuga iyon, atsaka ko tinignan ang mga paa ko. Wala na ang ipis doon ngunit puno naman ng buhangin ang aking paa kaya madali akong pumunta ng banyo at naghugas ng paa. Natigil naman ako ng maalala ko ang sabi ni Tricia kanina.
"Tricia, konti nalang at matatapos na ang pakay ko dito. Kaya magsaya na tayo ahahhaa!"
Tricia, konti nalang at matatapos na ang pakay ko dito. Kaya magsaya na tayo ahahhaa!"
Tricia, konti nalang at matatapos na ang pakay ko dito. Kaya magsaya na tayo ahahhaa!"
Paulit ulit sa isipan ko ang katagang yun. Sino ang tinutukoy nitong Tricia? Posible nga bang kapangalan niya lang yun ? Ano naman ang pakay mo dito Tricia? Si Javier ba?
Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Ako mismo nagpapasakit ng ulo ko sa kakaisip. Tsismosa ko kasi at nakinig pa ako sa usapan ng may usapan. Napatampal nalang ako ng noo at pagkatapos ay itinuloy ko na ang aking ginagawa.
Napatuwid naman ako ng may marinig akong nagsisigawan sa baba kaya dali-dali akong kumaripas ng takbo papuntang ibaba.
"Di ka talaga titigil?! Rinig ko mula sa ibaba. Nasa hagdan na kasi ako at kita ko lahat ng tao sa baba. Kaya nagmadali ako ngayon at maya maya'y nakababa na ako. Tumigil ako ng marinig ang boses ni beshy.
"Ganyan ba talaga ang asal mo?! Di ka na nahiya!" Sabi ni beshy.
"Tama na mahal!" Napatingin naman kami kay Julius na siyang sumigaw.
"So? Kinakampihan mo siya?! Nakita mo naman ang ginawa ng kambal mo! Tapos kakampihan mo pa siya?!" Di makapaniwalang sabi ni beshy.
"H-hindi naman sa ganun." Sabi ni Julius.
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...