Isang magandang tanawin ang nakikita ko sa aking panaginip. Isa itong magandang panaginip na parang napuntahan ko na noon . Ang ganda talaga . Para akong nasa isang paraiso na kahit sino man ay walang nagagawing tao rito. Saan nga ba ito?At ng matanaw ko ang isang napakalaking kaharian na ngayon ko lang nakita . Isang puting kaharian na feeling ko ay tinatawag ako nito .
Papalapit na sana ako ng ....
Krrrrrinnngggg.....
Agad akong napabangon sa isang napakaingay na alarm clock . Agad ko itong nabato kung saan mang sulok ng aking kwarto. Ilang sandali pa ay tumayo na ako at naglakad papuntang banyo upang maligo at gawin ang daily routine ko .
Pagkatapos maligo at magtoothbrush ay umupo ako at tumapat sa salamin . Nagsuklay at naglagay na rin ako ng pulbos . Di ako mahilig sa make up at lipstick. Dahil di ko naman feel na mag ganun . Feeling ko pag magmamake up ako baka magmukha lang akong halimaw .
Pilit kong iniisip magmula kanina ang aking panaginip. Ngunit wala akong matandaan . Ngunit hinayaan ko nalamang ito. Wala naman akong mapapala kung maaalala ko pa yun .
By the way kanina pa ako nagsasalita dito ay di pa pala ako nagpapakilala .
Ako nga pala si Megumii Yamamoto . Im 18 years old at ulila na . Sabi sakin ng iba ay pinatay daw ang aking mga magulang ng mga KORS . Sila ang mga halimaw na gumagambala sa pananahimik ng aming bayan . Di nga lang buong bayan . Kung hindi buong planeta . I am 3 years old ng patayin ang mga magulang ko . Ang sabi sabi di daw ako tunay na anak dahil nakita lang daw ako sa isang kubo. Ngunit di ako naniniwala. Who knows? Baka sinisiraan lang sina mama at papa?
Mayaman sila. At lahat ng kayamanan nila ay nakapangalan sa akin. Nag iisang anak lang ako kaya di ako maniniwalang ampon lang ako dahil alam ko na pera lang habol nila para siraan sina mama at papa . Akala ba nila magpapatiwakal ako pag sinabi nilang ampon lang ako ? Oh c'mon . Hindi naman ako ganun kababaw na tao .
Nawala ako sa aking pagmumuni muni sa harap ng salamin ng sinigawan ako ni Hilda . Ang bestfriend kong anak ng katulong namin.
"Hoy babae! Malilate na tayo. Kanina pa ako katok ng katok sa pintuan mo na akala kong tulog ka pa . Pero heto ka at naglalakbay yang diwa mo kung saang planeta?!" Habang linalakihan pa nya ang mga mata nya at gigil na gigil na saad nito.
"Hahahahaha" 😂😂😂 ako habang nakahawak pa sa tyan ko.
"Aba at tinatawanan mo lang akong magandang babae ka ?" Di makapaniwalang saad nito sa akin .Na naka pamewang pa .
Nag peace sign nalang ako habang nakangiti sa kanya .
"Nakakatuwa kasi ang reaksyon mo Hilda . Para ka ng matatae sa gigil mo sakin . Ahahaha . Kakatapos ko lang naman maligo e ." Paliwanag ko sa kanya.
"O sya at bilisan mo na dyan at baka malate pa tayo sa exam sa university . " ani nito at nagmarcha na palabas ng aking kwarto .
Ganyan talaga sya sakin kaya wag na kayong magtaka . Magmula pa naman pagkabata ay ganyan na talaga sya kaya sanay na ako sa kanya . She have an ability too like me . She have an air ability. Malakas sya . At sa akin naman ay ice . Everyone has an ability but not ordinary people. My parents have an ice ability kaya namana ko yun sa kanila .
Nandito kami ngayon sa harap ng pagkain . Ang mesa ay napakalaki at napaka lapad na magkakasya ang lahat ng pagkain doon na akala mo laging fiesta . Pinapasabay kong kumain ang mga maids, kasabay namin ni Hilda dahil feeling ko di ako mabubusog pag tinitignan nila akong ngumunguya at lumulunok . Magmula pa noon ay ganyan na . Sumasabay sila sa akin . And they threat me like a princess na hinayaan ko nalang .
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...