ANG PAGBABALIK

551 16 0
                                    

ANGELIQUE P.O.V.

NAPATINGIN ako sa nilalang na nagbukas ng pintuan sa aking silid napakuyom ang kamao kong napatayo sa harapan niya.

"Anong ginawa mo sa mga taong nilalang ko Chesterine?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko dito.

Napatingin naman siya sa akin at hindi makapagsalita.

"Nasa harapan mo na ako, nahahawakan, nakakasama pa ! Ngunit bakit ayaw mo silang tantanan?!" Sigaw ko dito.

"Ikaw ang nagpatakas sa mga mababang uring nilalang na iyon?" Tanong nito.

"Hindi sila mababang uring nilalang Chesterine. Ginawa ko sila! Mahal ko sila!" Sabi ko dito .

"Ako? Mahal mo ba ako?" Tanong nito sa akin dahilan upang mapatigil ako sa pagsasalita.

"Mas mahal mo sila kaysa sa akin hindi ba?!" Sigaw nito na ikinatingin ko ng matalim sa kanya.

"Bakit? Bakit hindi mo ako magawang mahalin kahit konti lang Angelique?! Kasama nga kita ngunit inilalayo mo naman lagi ang sarili mo sa akin. Mahal na mahal kita. Gusto kong iparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal ngunit lumalayo ka sakin." Galit na sabi nito.

"Kung mahal mo talaga ako Chesterine, please pakawalan mo na ako. Doon ako magiging masaya. Hindi ko kayang ibigay sa iyo ang gusto mo dahil hindi kita mahal." Pagmamakaawa ko dito.

Hinawakan naman ng mahigpit ni Chesterine ang aking braso.

"Hindi ka makakaalis sa lugar na ito Angelique." Sabi nito.

"Masaya kabang kasama ako?" Tanong ko dito.

"Masayang masaya akong kasama ka." Sabi nito.

"Naging masaya ka ba sa trato ko sayo?" Napatigil ito at nag kulay dilim ang mga mata nito.

"Sa akin ka lang Angelique. Hindi ko hahayaang makaalis ka sa lugar ko at lalong hindi ko hahayaang mawala ka pang muli!" Binitawan na ako nito sa aking braso at naglakad palabas ng aking silid.

"Bantayan niyo siyang maigi. Huwag niyong hayaang mawala siya sa pinyong paningin. Malalagot kayo sa akin." Madiin na sabi nito at tuluyan ng lumisan.

Nangilid naman ang aking mga luha.

Mga ilang sandali lamang ay napatingin ako sa nilalang na patakbong tinahak ang aking silid.

Pinunasan ko naman ang mga luha ko.

Iniupo ako ni Emma sa upuan banda sa bintana at bumulong sa akin.

"May plano ako." Sabi nito na ikinatingin ko sa kanya. Malapad naman ang kanyang ngiti at hinawakan ang tungki ng aking ilong pababa.

Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Anong plano?" Tanong ko sa kanya.

"Nagpaalam ako kay Chesterine kanina na kukuha ng mga prutas sa White Snow World dahil naubusan ng prutas. Pumayag siya sa akin. Gusto ko, ikaw ang aalis." Sabi nito.

"Gusto mong ako ang aalis?" Tanong ko dito. Tumango naman ito habang nakangiti.

"Magpalit tayo ng mukha." Sabi nito.

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon