Nandito ako ngayon sa garden nitong school at nakatanaw sa mga bulaklak. Nakaupo lamang ako sa may fountain at iniisip ang kapangyarihan ni Tricia.
Posible kayang magkaiba ang magiging kapangyarihan ng kambal? Sa sinabi niyang nakikita niya ang hinaharap ay bigla akong napaisip sa aking sarili. Walang nabanggit sa amin ni beshy ang elites na iyon ang kapangyarihan niya.
At hanggang ngayon ay binabagabag parin ako sa mga salita ng aking aklat.
"Magandang umaga aking Diyosa. Nais ko lang ipabatid na ang lahat ng pinagdaanan niyong misyon ay nandito na rin. Isusulat ko lahat ang iyong buhay sa librong aking tahanan. Kaya ako lumabas ay nais kitang balaan, hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Ang iba ay kathang isip lang at ang iba ay kalaban. Maging mapili ka sa iyong mga kakaibiganin dahil iyan mismo ang magdadala sayo sa kanya. Huwag kang basta basta maniniwala aking Diyosa." Wika niya. Na muli kong naalala.
Ano nga ba ang dahilan upang sabihin niya iyon? Sino nga ba ang tinutukoy nito? May alam ba siyang hindi ko alam?
Tila ay napatayo ako sa lalaking nakatutok ang mukha nito sa aking mukha, kulang nalang ay idikit niya ang kanyang mukha sa aking mukha.
"Ginulat mo ako." Ako, habang inaayos ang aking sarili upang pakalmahin ito. Napatingin naman ako sa kanya habang tumatayo.
"Kanina pa ako dito Megumii, ngunit malalim ata ang iyong iniisip at hindi mo namalayan ang aking prisensya." Mahabang saad nito.
Napabuntong hininga naman ako.
"Patawarin niyo po ako kamahalan may iniisip lang po ako." Paghingi ko ng pasensya sa kanya at yumuko.
Lumapit naman ito sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Ano ang iyong iniisip?" Takhang tanong nito.
"Ah e, tungkol lamang sa aking aklat Javier." Ako, kumunot naman ang noo nito.
"Anong sinabi ng iyong aklat?" Tanong nito. Kaya ay napaupo ulit ako sa fountain at sumunod naman siyang umupo.
Ikinwento ko sa kanya ang sinabi ng aking aklat. Tila ay napatigil naman ito at napatingin sa mga bulaklak.
"Sinong siya?" Bulong nito ngunit rinig ko parin ang kanyang sinabi.
Napatingin naman siya sa akin at muling hinawakan nito ang aking kamay.
"Magpakatatag ka lang aking mahal, walang sino man ang makakagawa sayong masama, nandito ako upang protektahan at iiingatan ka kaya wag kang mag alala. Babala lamang ang sinabi ng iyong aklat upang makapag ingat ka." Sabi nito sakin at napatingin naman ako sa mga mata nito.
"Sino naman ang tinutukoy nito?" Takhang tanong ko.
"Hindi pa natin alam ngunit kailangan tayong mag ingat. Huwag mo muna itong ikukwento sa iba , heto lang ang paraan para mapangalagaan kita Megumii." Napatango naman ako sa kanya habang nakatingin lamang sa kanyang mga mata.
Yinakap ako nito habang nakaupo kaming dalawa. Tila ay di ko maiwasang mapangiti dahil alam secure ako. Alam kong ligtas ako sa piling niya.
Someone's P.O.V.
Nakaupo siya sa kanyang trono habang ngumingiti.
"Panginoon?"aking sambit..
"Malapit na kitang makita at makasama konting panahon nalang..." parang hindi niya ako narinig at binigkas ang katagang yun. Tila ay may matigas na bagay naman na tumama sa aking puso ng sinabi niya iyon. Nasasaktan ako....
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasíaANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...