MISSION 2.0

564 23 0
                                    

MEGUMII P.O.V.

NAPAMULAT ako ng mata ng naramdaman at narinig kong pagtayo ng katabi ko. Sobrang dilim nakapatay narin ang apoy na ginawa ni Javier kanina. Tila ay nagsibangon lahat kami ng makarinig ng napakalakas na pagsabog at iyak ng mga hayop sa paligid.

Hahakbang sana ako ngunit natigilan ako sa paghawak ni Javier sa kamay ko .

"Don't move. Don't create any noise." Napatango naman ako sa kanya at hindi na itinuloy ang aking paghakbang.

May isang akong nakita na papalapit sakin. Shock ako dahil ang bilis nito. Kahit madilim ay kitang kita ko ito. Nabigla nalang ako dahil umaapoy na ito at ngayo'y nasusunog na pababa sa aking harapan.

"Are you okay?" Wala sa sarili akong napatango. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang aking mga kasamahan na nilalabanan ang mga ibon na nakita namin kanina lang.

Para akong manikin ngayon na hindi kumikilos ang aking katawan at shock pa rin ako, tanging si Javier lamang ang nakahawak sa braso ko at siya lang ang nagpapagalaw ng katawan ko sa pamamagitan ng paghila nito sa braso ko . Hindi parin kasi nag sisink in sakin ang mga nangyayari.

Gumising ka sa katotohanan...

Isang tinig ang narinig ko na nanggagaling sa aklat na hawak ko ngayon. Kung bakit hawak ko na to ngayon ay hindi ko alam. Heto ang aklat ng "The Legend Book".

Napatingin ako sa napakaraming ibon na may mga dugo sa tuka ng mga ito. Kita ko ang pagkabigla ng mga iba kong kasamahan at nakita ko ang takot na mukha ni beshy. Gumawa kasi ng liwanag si Javier sa pamamagitan ng apoy niya na ngayon ay hawak ng mga elites.( a/n: Yung sa mga athletes/athletics)

Tila natauhan ako ng papalapit na ito sa mga kaibigan ko. Nakita ko ang umaagos na dugo ni beshy sa kamay. Isa lang nasisigurado ko natamaan sya kanina. Kita ko ang sakit at takot sa mga mata nito. Binitawan na ako ni Javier ngayon dahil wala syang ibang ginagawa kundi magsunog ng mga mababangis na ibon sa aming harapan na hayok na hayok sa laman at dugo namin.

Bago pa makalapit ang mga ito ay nagpakawala ako ng aking apoy na kulay puti . Malalaki ito at marami para makasiguradong walang matitira. Hinagis ko sa kanila ang mga bolang apoy ko at nakikita kong isa isa silang tinamaan. Bawat matamaan ay nagiging abo ang mga ito.

Akala ko'y tapos na sila at natusta ko na silang lahat ngunit nagkakamali ako. Nakita ko ang napakaraming ibon ang paparating pa at doble pa ang bilang kanina na para bang walang katapusan.

"Tss. Be careful." Sabi ni Javier at nagpakawala nanaman ng maraming apoy. Lahat naman ng tamaan nya ay nasusunog.

"Wala na bang katapusan to?!" Rinig ko si Julius na nakaalalay kay beshy ngayon.

"I promise I will save all of you." Rinig kong sabi ni Javier. Gumawa ng barrier si Javier para sa aming mga elites. Lahat kami ay naipon ngayon sa shield na gawa niya.

Nakita ko si Anthony na gumagawa ng mga bato. Dagdag pang harang sa amin.

Gumawa naman ng napakaraming apoy si Javier at pinalutang nya ang mga ito. Kinalat nya ang apoy sa buong lugar kung saan kami naroroon. Napakalakas nito at nagawa pa niyang kontrolin ang apoy na nagkalat sa taas . Ginawa niya itong isang napakalaking bolang apoy.

"Are you crazy? Gusto mo bang mawala sa mapa ang Fierra?" Di mapakaling sabi ni Akira.

"I will destroy all that fucking creatures!!!" Tila ay tumahimik ang lahat ng magsalita si Javier. Dumagundong ang boses nito sabay na nakikita namin ang mga ibon na lumalapit sa malaking apoy ni Javier. Kusa silang pumunta rito at nasusunog. Bigla nalang lumiwanag ang paligid kasabay ng pagkawala ng apoy ni Javier at wala na kaming makita pang ibon sa paligid. Nawala na rin ang shield na nakapalibot sa amin.

Agad kong nilapitan si beshy habang hawak hawak ko ang aking libro.

"May sugat ka." Alalang sabi ko.

"W-wala to besh malayo sa bituka." Napailing nalang ako habang nag aalala.

"I think , kailangan na nating bumalik ng palasyo." Sabi ni Akira.

Inaalalayan naman ni Julius si beshy sa paglalakad.

Napadaing naman si Raven ng maglakad ito. Napatingin naman kami sa paa niya na malalim ang sugat.

"Dumudugo ang isang paa mo bhabe. Halika at bubuhatin kita." Binuhat naman ni Ustin si Raven sa likod nya.

"Piggy back ride." Pagbibiro pa ni Julius habang nakangisi.

"Shut up Julius!" Banta naman ni Akira at nag zip naman ng mouth si Julius at binuhat din si beshy ng pang bridal.

"Nakakapaglakad pa naman ako Julius e, kamay lang naman natamaan." Sabi ni beshy.

"No, it's ok . Alam kong masakit yan at alam kong pagod kana sa misyong ito." Sabi naman ni Julius.

Napatingin ako kay Javier na hinawakan ang isa kong kamay in short naka holding hands kami ngayon.

"S-salamat pala sa pagliligtas mo sakin kanina. Kung hindi mo yun ginawa. Tiyak kong patay na ako ngayon." Sabi ko sa kanya.

"I told you that I will protect you what ever happens."  Sabi niya sakin na naka poker face pa rin.

At tuluyan na kaming bumalik sa palasyo nina Akira.

Sa ngayon ay nagamot na si beshy at Raven . Nandito ako ngayon sa binigay na silid ng mga magulang ni Akira at nagpapahinga. Bukas ay babalik na rin kami sa school at dorm namin. Bukas na rin kasi lilipat si beshy ng dorm . Dorm ng mga elites at katabi pa nyang silid si Julius. Ang bruha ang saya ng ibinalita kanina ng mga magulang ni Akira.

Mag gagabi na at nandito lang ako sa silid na ito magdamag , pagkatapos gamutin ang sugat nina Raven at ni beshy kanina. Feeling ko kasi ang daming nagyari kahapon at ang daming nawalang enerhiya saking katawan. Himala nga at di na ako nahimatay. Sulit ang mga pag eensayo ko sa banyo araw araw sa aking kapangyarihan ehehe. Ayoko kasing maging pabigat sa mga kasamahan ko lalo na kay Javier na siya ang may kargo sa aming lahat.

Napatayo ako sa aking pagkakahiga at pumunta sa mini terrace ng aking silid . Kitang kita mo ang ganda ng paligid mula rito . Napakaganda talaga ng mga makukulay na ilaw na nagsisilbing masaganang pamumuhay dito sa Fierra.

Napangiti nalang ako ng maalala si bubbles ang semi-God ng Fierra. Napakagandang nilikha na tunay ngang siya ang sumisimbulo sa napakagandang tanawin dito sa Fierra.

Itutuloy....

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon