MEGUMII P.O.V.
Nagising akong sobrang sakit ng aking ulo. Tinignan ko naman ang paligid . Nandito na pala ako sa kwarto ko at iba na ang suot ko? Baka si beshy ang nagbihis sakin.
Inaalala ko naman ang nangyari sa akin kagabi ngunit wala akong matandaan. Agad akong tumayo at pumunta sa mini refrigerator ko at binuksan iyon. Kumuha ako ng tubig at ininom ito. Napatingin naman ako sa taong biglang nagbukas sa pintuan ng kwarto ko.
"Nagdala ako ng hot chocolate at hotdogs . Alam kong masakit ang ulo mo ngayon e." Sabi niya at pumasok sa aking silid . Linagay niya ang tray sa mesa at umupo siya sa upuan ng mini sala ko.
"A-anong nangyari kagabi beshy?" Tanong ko rito habang lumalapit sa kanya at ng makalapit ay umupo na ako sa isang upuan.
"Hindi mo natatandaan?" Takhang tanong nito at umiling lang ako bilang sagot.
"Lasing na lasing ka kagabi buti nalang at nandun kami kung hindi baka napahamak kana." Sabi naman niya na ikinakunot ng noo ko.
"Kasama ko si Anthony bakit ako mapapahamak?" Nagkibit balikat nalang siya at kinuha ang isang hotdog at isang tasang hot chocolate na dala niya. Sinubo niya ang hotdog at ngumuya.
Kinuha ko rin ang isa pang tasang hot chocolate at kumuha din ng hotdog. Kumain kami na tahimik lamang.
Pagkatapos namin kumain ay pumunta muna ako ng cr at kinuha naman ni beshy ang pinagkainan namin at tumayo na.
"Mauna ka nang bumaba beshy maliligo lang ako para naman kahit papaano ay maging okay ang pakiramdam ko." Sabi ko rito.
"Sige, tapos manonood tayo ng movies ha." Rinig kong sabi niya mula sa sala .
"Oo ba." Sigaw ko naman mula dito sa banyo at narinig ko nalang ang pagsara ng pintuan ng kwarto ko. Binababad ko pala ang katawan ko sa bath tub para naman makapag relax naman ako kahit konti. Sem break na pala namin ngayon. Malapit na kasi ang pista ng buong white snow world . Taon taon itong pinaghahandaan ng lahat . Ilang linggo din kaming walang pasok at gusto ko naman ito. Makakapag isip at makakapag move on ako ng madali dahil di ko siya makikita lagi. Wala naman kasi akong kabalak balak na lumabas ng lumabas sa kwarto ko. Kung hindi lang importante ay di na ako lalabas. Inaamin kong masakit sa mata lalo na sa dibdib kapag nakikita ko silang magkasama. Para akong ewan ngayon dahil nasasaktan na naman ako sa taong hindi naman naging akin , sa taong natutunan ko nang mahalin. Sa taong akala ko ay ako talaga ang mahal nito. Ngunit illusion lamang ang lahat . Kahit saan mo parteng tignan ay ako ang kawawa . Ako ang ginamit sa sandaliang pagkawala ni Tricia. Minsan naisip ko , e paano nga kaya kung sinagot ko siya agad, pipiliin niya na ba ako non? Siguro ay iiwanan din niya ako tulad ng ginawa niya.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ulit ako. Ang hirap umasa sa taong puro lamang salita . Gumawa nga siya ng effort na suyuin ako ngunit agad din niya akong iniwan sa ere. Napakasakit na umasa ka sa isang taong akala mo ay mamahalin mo habang buhay. Bakit kung kailan mahal ko na siya doon dumating ang taong wawasak ng pagkatao ko? Bakit hindi siya dumating nung panahon na kaaway ko pa si Javier. Alam kong wala siyang alam sa nangyayari. Alam kong wala siyang kasalanan. Ang tanging naging kasalanan lang niya sakin ay mahal niya ang lalaking minamahal ko hanggang ngayon. Panandaliang saya lamang ang lahat. Kung kailan masaya ka doon darating ang matinding kalungkutan.
Humahagulgol na ako dito sa banyo.
Bakit ko ba siya iniiyakan? Bakit ba ang sakit ng dinulot mo sakin. Alam ko namang palabas lang ang lahat lahat pero heto ako at iniiyakan ka! Bakit Javier? Bakit ang sakit?
Nang wala nakong maiyak ay umahon na ako sa bath tub pagkatapos ay kinuha ko ang twalya ko at ibinalot sa aking katawan. Lumabas na ako ng banyo at may naaninagan ako sa may mini library ko na isang bulto ng tao.
Humarap ako dito.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Tila ay pipi ito at hindi umiimik. Naisipan ko itong lapitan ngunit bigla nalang itong nawala ng parang bula.
Dali-dali kong kinuha ang mga damit na aking susuotin sa aking aparador at nagbihis ng mabilis.
Mabilis ako lumabas sa kwarto at nagtungo sa kusina. Lahat sila ay napatingin sa akin pati na si Tricia na ngayon ay nakakapit tuko siya kay Javier. So? Hindi pala si Javier yung kanina? Oo, umasa ako na baka siya yun ngunit sa nakikita ko ngayon ay malabong siya.
Umupo ako sa tabi ni Akira na ngayon ay binibigyan ako ng mainit na tsaa.
"Alam namin na masakit ang ulo mo kaya inumin mo na yan." Sabi pa niya sakin.
"Pero pinagdala na ako ni beshy ng hot chocolate---." Ako.
"Makakatulong pa rin yan sayo kaya inumin mo na." Pagpupumilit niya at kinuha ko ang isang tasang tsaa at humigop ako ng kaunti.
"Dahan-dahan mainit yan." Sabi ni Akira na kita ang pag aalala sa mukha niya ng makitang napaso ako.
"S-salamat ha." Ngumiti naman ito sa aking sinabi.
"Dapat yinaya mo kami kahapon kung iinom ka rin pala . Edi sana nag challenge tayo ng palakasan uminom. Ahahaha" napayuko naman ako sa sinabi ni Justin.
"P-pasensya na pala kahapon a. Hindi ko man matandaan ang nangyari kagabi ngunit nagpapasalamat parin ako sa inyo. Eehehehe" Panghihingi ko ng paumanhin.
"Huwag ka ng uminom ulit at huwag ka ng pumunta sa bar na yun." Napatingin naman ako kay Javier na siyang nagsalita.
"O kaya uminom nalang tayo dito sa dorm hihihi." Pilyang sabi ni Akira.
"Ahaha sige ba." Sabi ko naman at pilit binabalewala ang sinabi ni Javier.
"Tss." Rinig kong sabi ni Javier
"Sorry pala kagabi Megumii. Nagpaalam kasi akong pupunta sa cr sayo kasi lalabas na talaga di ko na mapigil . Pasensya na." Paghingi ng paumanhin ni Anthony. Ngayon ko lang nakikita ang side na ito ni Anthony.
Ngumiti naman ako dito.
"No it's okay. Wala ka namang kasalana----" bigla akong napatigil at biglang sumakit ang ulo . Natatandaan ko na ang nangyari sakin kagabi , lahat lahat. Yung lalaking bastos!
"Ayos ka lang beshy?" Nag aalalang tanong niya. Tumingin naman ako sa kanila at ngumiti.
"Don't worry ayos lang ako. Natatandaan ko na ang nangyari sakin kagabi. Ano palang nangyari don sa lalaki kagabi?" Tanong ko sa kanila.
"Ano pa nga ba , e bugbog sarado lang naman siya kina Javier at Anthony ayun nadala daw sa hospital." Pagpapaliwanag ni Raven.
Alam mo yung feeling na naguguilty ka dahil nabugbog siya dahil sayo? Ganun ang feeling ko ngayon , ngunit di ba tama lang sa kanya yun? Binastos niya ako kagabi. Pero may guilt parin ako sa nangyari sa kanya.
"Don't worry, hindi naman siya masyadong napuruhan basag lang ang mukha nun. Ahahahha, bagay lang sa kanya yun upang magtanda." Napatingin naman ako kay Akira na siyang nagsabi ng katagang yun.
"I felt guilty sa nangyari sa kanya." Sabi ko kay Akira.
"Naku beshy! Bagay lang sa bastos na yon ang nangyari sa kanya no, huwag ka ng maguilty , bukas ay lalabas na daw siya ng hospital sabi ng doctor." Napatango tango naman ako sa sinabi ni beshy.
"Pero kung hindi namin inawat ang dalawang to baka pinaglalamayan na yung hayop na yun. Buti nga at nagpipigil pa tong dalawa . Knowing them ay makakapatay sila sa isang suntok lang." Napatingin naman ako kay Ustin.
"Salamat naman." Out of nowhere kong sabi.
"Movie time na ba?" Pag iibang usapan ni beshy.
" Game! Tara na." Excited na sabi ni Raven at lahat kami ay nagtungo ng cine room. Nasa likod ko ngayon sina Javier at Tricia . Inaamin kong nasasaktan parin ako ngunit pilit kong pinapatatag ang sarili ko.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasíaANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...