Third person P.O.V.
Masayang naglalakad ang mga heros elites habang papasok sana sa physical room ngunit lahat ng studyante na nakatingin sa kanila ay biglang humarang sa dinaraanan nila na may ngiti sa labi nag uunahan pa ang mga babaeng ito na makalapit sa kanila.
"Pinapatawag po tayo sa field. Ngayon daw po mag uumpisa ang grade battle." Sabi ng isang babaeng parang papanawan na sa sobrang kilig habang nakatingin kay prince Javier.
"Alright thanks for the information." Nakangiti naman sabi ni Ustin habang nakangiti sa babae. Biglang tumili ang mga nakapalibot sa kanila at nag umpisa naman maglakad si Javier at agad naman silang binigyan ng daan para makadaan sila patungong field. Sumunod naman ang pito kay Javier at pagkatapos ay nakasunod sa kanila ang mga babaeng kilig na kilig na nasa likuran nila.
Napanguso naman si Megumii habang nakatingin sa likod ni Javier habang naglalakad.
Akira P.O.V.
Papunta kami ng field nang biglang umilaw ang salamin ni Raven na nakabalot ng ice. Napatingin kami sa salamin niya at ngumiti si Raven.
"Nandito na ang ibang Kors at nasa field na sila." Napangiti naman ako ng sabihin niya yun. This is it makakaharap nanaman kami ng Kors . Kating kati nakong durigin sila sa mga kamay ko.
Megumii P.O.V.
Nandito kami ngayon sa field at para itong Arena sa laki. Nakaupo kami sa taas at ang mga nakasunod sa amin ay nag uunahang makaupo. Lahat naman ng student dito ay napapatingin sa aming heros elites parang di pa ako sanay sa mga tinginan nila pero hinayaan ko nalang . Ano pa bang magagawa ko sa araw araw na ginawa ng God ay ganito lagi ang ending . Di na maaalis sa amin na parang mga artista kung tratuhin. Sino nga palang hindi tatrato samin na ganun kasama namin ang mahal na prinsipe at ang mga Ladies and Lords ng kanya kanyang lugar ng white snow world. Tanging kami lang ni Hilda at Ustin ang commoners sa grupo. Tila kinakabahan ako ngayon ng hindi ko maintindihan . Parang may naaamoy akong subrang panghi sa mismong buong arena kaya napatakip ako ng ilong.
"Hey are you okay?" Nag aalalang tanong ni Javier na katabi ko lang ng upuan.
Hindi ko parin inaalis ang takip ko saking ilong.
"Ang panghi kasi." Napatingin silang pito sakin .
"Naamoy mo rin pala ." Sabi ni beshy at napatango naman ako sa kanya.
"Ganyan talaga ,amoy yan ng mga Kors . Sobrang panghi . Ngunit kung di ka malakas ay hindi mo kakayanin ang amoy nila . Mawawalan kayo ng malay." Saad ni Julius. Kaya napatango nalang ako at hindi inaalis ang takip sa ilong ko . Feeling ko kahit sobrang takip na ng ilong ko ay pumapasok parin ang amoy nito .
Nawala ang amoy ng bigyan ng shield ang battle ground. Lahat kami ngayon ay tutok na tutok.
Sa kabilang gilid naroroon ang mga prof ng bawat year. At ang mc namin ngayon ay si mam Arvie na nakatutok sa kanya ang mic upang marinig namin lahat .
"Good morning students, narito tayo ngayon upang magpractice at upang malaman ang bawat grade ng mga student. Kaya pagbutihin ninyo dahil kapag pumasa kayo sa matataas na grade na makukuha ninyo ay maaari kayong mapabilang sa heros elite." Nagsimula ng umingay ang paligid at naging excited silang lahat.
"Bawat isang student ay makakalaban ang isang Kors. Kailangan ninyong mag ingat at planuhin mabuti ang lahat ng inyong mga kilos. Use your power to destroy them. Ten ang pinakamataas na pwede niyong makuha . Students, Good luck." Pagkatpos nun ay tumahimik naman ang paligid. Tila lahat ng tao ngayon na naririto ay kinakabahan at isa na ako sa mga ito. Tila gusto kong umatras ngunit napatingin nalang ako kay Javier na hinawakan ang isang kamay ko at nakatingin pala ito sakin.
"Let's start, ang unang lalaban ay si ... Prince Javier!" Pagkabanggit palang ng pangalan niya ay tumayo agad ito at naglakad papuntang malaking stage kung saan naroroon ang mga Kors. Tila ay napakagat ako ng labi at tutok na tutok sa malaking stage na ito. Nang makababa sya ay dumiretso sya sa stage . Bumukas ang shield at ng makapasok na ito ay sumara ulit.
Nasa loob na si Javier at tinitignan namin ang bawat galaw nito.
Tila nagulat nalang kaming lahat pwera kay Javier at Anthony dahil sa biglang paglitaw ang isang kors na sobrang laki nito. Para itong elepante ang hugis ng mukha at nakatayo ito ng parang tao. Nakatingin lang sila sa isat isa. Nagulat nalang kami ng biglang sumabog ang katawan ng kors at nagkalat sa ground na wala man lang ginagawa si Javier. Hindi man namin siya nakitang gumalaw. Paanong nangyari yun? Nagpalakpakan naman ang mga manonood at umalis nalang si Javier sa stage upang lumabas na. Naghihintay nalang kami ng score nya sa screen.
Lalong lumakas ang hiyawan ng makita namin ang laman ng screen. 8.1, ganun ba talaga ang makukuhang score? Sa pinakita ni Javier ay napakalakas na nito . Imagine di namin siya nakitang gumalaw ngunit bigla nalang sumabog ang halimaw sa harap nya. Unbelievable di ba? Tapos yun lang makukuha niya? Tapos siya pa ang rank 1 . So paano nalang kami ?
"That was great battle. Wow ! Sa isang iglap nawala ang kalaban. Amazing ka talaga prince , you deserved your score. And the next is Anthony. " pagkasabi palang ni ms Arvie ay tumayo nalang si Anthony at nagsmile sakin bago siya lumakad papuntang stage. Nagsmile narin ako pabalik.
Someone's P.O.V.
"Nandito na siya. Nandito na ang matagal kong hinihintay. Mapapasaakin siya . Walang kahit na sino at ano man ang makakapag hiwalay ulit sa amin." Napangiti nalang ako ng sabihin ang binitawan kong salita. Ngayon lang ulit ako ngumiti. Kay tagal ng panahon na aking hinintay . It's been 700 years ang hinintay at ginugol ko para lang makita at makasama ulit kita aking Diyosa .
"Ano po ang plano ninyo aking panginoon?" Tanong ng aking kanang kamay. Kaya napangiti ako lalo.
"Papuntahan mo siya upang labanan ang aking Diyosa. Nararamdaman ko ang kapangyarihan niya hanggang dito . Maaari ka ng umalis." Nag bow ito sakin at umalis na sa aking silid. Lalo akong napangiti. Mapapasaakin ka sinusumpa ko yan.
Itutuloy....
Sino nga ba ang siya? Alamin...
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...