TRAINING PART 2

897 31 1
                                    

Megumii P.O.V.

Panaka naka ang tingin ng bawat isa samin ni Javier na ngayon ay ayaw umalis sa tabi ko magmula pa kanina. Gusto nya daw kami ang maglalaban ayaw daw nyang kalaban ko si Jinx . Ewan ko ba kung bakit , sa pagkakaalam ko may kasalanan pa ako sa kanya e. Nung sa clinic remember? Baka heto na ang way niya para gumanti sakin. Nakita ko ang training nila ni Alucard at masasabi kong napakagaling talaga nito . Sabi nga ni Ustin kahapon na undefeated talaga ito at napakalakas. Even the king daw ay sobrang hanga sa anak nito because he is so strong daw.  Marami pang naikwento sina Ustin at Julius sakin kagabi . Like sa mga monster na nakasagupaan daw nila sa mga misyon nila . Sobrang kulit din nila magkwento habang kumakain kami . Hindi na siguro maaalis ang pagkain saming tatlo .

"You're spacing out." Rinig kong usal ng katabi ko kaya napatingin ako rito . Nagtama naman ang aming mga mata at agad akong namula ngunit di ko binabawi ang tingin ko sa kanya.

"Your face is red. Are you sure you are okay?" Tila natauhan naman ako sa sinabi nya at biglang yumuko.

"I -- I am okay. Don't mind me ." Sabi ko naman sa kanya na nahihiya .

"Okay, let's start." Saad naman nito at pumunta naman sa harap ko pero masyado naman syang malayo sakin.

At tumayo ako ng tuwid .

"First you need to concentrate." Sabi nya at ginawa ko naman.

"I can't fight you here. I know you ,you know how to fight just relax there and focus on what they're doing."  Sabay turo sa mga nakapaligid samin na ngayon ay nag aaral kung paano umatake . Yung iba nag wawarm up at yung iba naman ay nagtutuos .

Tahimik lang akong nakatingin sa mga taong nasa palagid ko at sinusuri ang bawat galaw nila . And I only say na sobrang galing pala talaga ng mga Heros Elite kung makipaglaban.

Napatingin kaming lahat ng marinig namin si Ms. Miya na nagsalita.

"Everyone be ready to your fight, this is your journey . Goodluck. " pagkasabi non ay kumuha sya ng isang bowl na babasagin na color white at bumunot sya ng isang pirasong papel sa loob nito . Itinaas nito papel na binunot nya .

"Ustin your the first challenger. And (bumunot ulit ito) Alucard . Please come forward and be ready to your fight."

Pumwesto naman ang dalawa at nagsimula na ang laban . Agad sumugod si Alucard kay Ustin upang suntukin ito sa mukha ngunit mabilis ang mga galaw ni Ustin at easy lang nitong nailagan ang mga suntok ni Alucard. Hanggang sa kumuha ng tiyempo si Ustin at sinuntok nito sa panga si Alucard at bumagsak si Alucard na di na gumagalaw . Nawalan ata ng malay o baka napatay na nya? Bigla tuloy akong kinabahan.

Dinala na sa clinic si Alucard at walang imik na pumunta ulit sa team nito si Ustin.

Pambihira pala talaga ang lakas nito.

"Next will be Hilda and Jinx." Sabi naman ni Ms. Miya. Ako talaga ang kinakabahan sa best friend ko naku po .

Pumwesto na sila sa gitna at nag umpisa na sila .

Sa una ay parang walang gustong sumugod pero kalaunan nama'y sumugod na si JINX kay beshy at si beshy naman nakailag sa mga pag atake ni JINX. Tila at nagiging experto na si beshy. Kasama ko kasi sya sa bawat training namin nung nag aaral ako sa self defense. May ngiti sa labi si beshy ng nahawakan nito ang kamay ni Jinx at sinikmuraan niya ito. At nababakas naman kay Jinx ang sakit dulot ng pag atakeng yun ni beshy . Hindi binitawan ni beshy ang kamay ni JINX kahit namimilipit ito sa sakit ng sikmura. At agad na sinuntok nito ito sa tyan para maging doble ang sakit at napagtagumpayan naman nya ito. Sumuka na ng dugo si Jinx at nagtaas na ng kamay. Surrender ang tawag sa ginawa nya kaya pumalakpak naman ang lahat kay beshy at dinala na sa clinic si Jinx upang maipagamot .

Marami na ang mga natapos at nadala sa clinic . Di naman malala katulad nung kina Ustin ,Beshy ,Raven, Anthony, JULIUS at Javier na halos mawalan na ng malay sa sakit na sinapit ng mga katunggali nila.

"And the last will be Akira and Megumii. "Sabi ni Ms. Miya.

At pumunta naman kami sa gitna at pumwesto na rin. Pa ngiti ngiti pa si Akira. Napabaling ako sa paligid at himalang wala akong makitang tao na parang kaming dalawa lang ang narito . Illusion ang ginamit para di mo makita na may mga tao sa paligid.

Napatingin naman ako ng magsalita si Akira.

"Sino ka ba talaga ? Alam mo ba na unang kita ko palang sayo ay ayaw ko na talaga sayo. Oo maganda ka pero di naman ganda ang basehan para mapansin ka niya di ba?"

Mahabang sabi nito sakin at napakunot noo naman ako .

"Alam mo bang nagsaya ako nung nawalan ka ng malay. I hate you dahil pa bida ka e. Kebago bago nakapasok ka agad sa Heros Elite. E di ka naman maharlika . Isa ka lang commoner . Kaso nung nabalitaan kong nagkamalay kana lalo akong nagalit sayo. You know why? Because I don't like you. At lalong di ko gustong mapalapit ka sa kanya. All of my life nagpapapansin na ako sa kanya but hindi niya ako kayang mahalin o pansinin manlang. Then you came on the picture at agad mong nakuha ang attention niya. Sino ka ba ha? You are nothing."  At biglang sumugod ito sakin. Na agad ko namang naiwasan.

Panay ang sugod nya at natamaan ako sa mukha at napaatras.

Shocks! Ang sakit ng mukha ko! Sa tingin ko ay namamaga na ito ngayon.

"Ako ang papatay sayo !" Sabi pa nya at sinuntok nya ako sa tyan. Di ako nakailag dahil sa bilis ng kanyang mga galaw kaya napahiga ako at iniinda ang sakit ng tyan ko.

"Kasalanan ng mga magulang mo kung bakit ka nabuhay . Ha! Dapat kasama ka na lang nilang namatay para wala na akong kaagaw! Napaka-stupid ng mga magulang mo at binuhay ka pa nila." And there,kahit di ko pa alam ang pinupunto nito kaya galit na galit ito sakin ay di ko parin palalampasin ang mga sinabi niya sa mga magulang ko .

Biglang nandilim ang paningin ko at nahaharangan ko lahat ang bawat pag atake niya. Ang kaninang masakit na tyan at mukha ko ay di na masakit pa .

"Wala kang karapatan na sabihan ng ganyan ang mga magulang ko Akira! You don't know them at all! You never saw them for entire of your life ! The one who stupid is you ! Now you will regret all of your words! Every single of word you say . "

Mabilis ang galaw ko at siniko ko siya upang makadistansya siya sa akin ng konti at nagtagumpay naman ako. Di na ako nagsayang ng oras at sinikmuraan ko siya. Di naman siya makailag sa mga pag atake ko. At walang humpay na pinagsusuntok siya sa tyan at sa mukha niya.

Nagtagumpay siyang makawala sa isang suntok ko ng tumalon siya palikod. May lakas pa pala ang isang to.

Nag smirk lang ako sa kanya .

"Die."  Sabi ko at umatake nanaman . Tinadyakan ko ang tagiliran nya at napadaing naman siya ngunit bawat daing niya ay parang musika sa aking pandinig kaya lalo akong nasisiyahan. Di ko tinigilan ang pagsuntok at pagtadyak sa kanyang katawan at mukha hangga't di pa siya bumabagsak. At nang bumagsak ito sa sahig ay agad akong umibabaw sa kanya at itinaas ko ang aking kamay sa ere upang basagin ang mukha niya. Ngunit bago ko pa ito ibaba ay may narinig akong boses na tumatawag sakin at napatingin nalang ako sa paligid . Biglang sumakit ang ulo ko at parang di nagsisink sa utak ko kung  anong nangyari? Ano nga ba ang nangyari kanina bakit wala akong matandaan? Unti-unting kinakain na ako ng dilim hanggang sa tuluyan ng dumilim ang paligid.



Itutuloy...

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon