MEGUMII P.O.V.
Nandito kami ngayon sa secret room ni king Jared and queen Ayesha. Nakatayo kami ngayon pa bilog sa kanilang dalawa . At may pumasok na mga maids na may hawak na mga kahon. At isa isang lumapit ang mga ito sa mahal na hari at mahal na reyna . Kinuha ng mahal na reyna ang kulay puting maliit na kahon at pumunta sa tapat ni Justin.
"Ipinagkakaloob ko sayo ito. Kunin mo at iyong buksan." Sabi ni queen Ayesha at kinuha naman ni Justin at nag bow ito ng kaunti at pagkatapos ay unti- unti niya itong binuksan.
Isa itong bato ng tumambad saamin ang laman nito. Nagtatakha naman kaming napatingin sa mahal na reyna na ngayon ay nakangiti kay Justin.
"B-bato po kamahalan?" Takhang tanong nito.
Tumango naman ang mahal na reyna.
"Hindi yan basta bastang bato lamang. Meron kang sampung beses na magagamit mo yan. Yan ang bato ng sandata . Sayo ko ipagkakaloob yan dahil alam naman natin na ang taglay na lakas mo ay ang kamao at mind reader ka. Kaya sana gamitin mo ng maayos ang sandang ito." Ani ng reyna. Napakunot noo naman si Justin habang nakatingin parin sa batong hawak nito. Bato ng sandata?
"Ikaw lamang ang makakapaglabas ng sandata Justin . Walang ibang makakapagpalabas niyan kundi ikaw lamang ." Dagdag pa ng mahal na reyna.
"P-pero paano po?" Tanong ni Justin.
"Sa tamang panahon malalaman mo rin ." Ani ng reyna at lumapit naman ang hari kay Raven. Lumapit naman ang isang maid sa hari at ang hawak nito ay dilaw na maliit na box.
"Iha, tanggapin mo ang kahon na ito at aking binabasbasan upang magkaroon ito ng bisa." Ibinigay naman ng maid ang kulay yellow na kahon kay Raven at kinuha niya ito.
Dahan dahang binuksan niya ito at nagtatakang tumingin sa akin.
"Isang salamin ? Bakit po napapalibutan ito ng yelo mahal na hari?" Takhang tanong ni Raven.
"Hindi natutunaw ang yelong yan ikaw lamang ang makakahawak ng salamin ng katotohanan Raven. Siya ang inyong daan upang malaman niyo kung may kalaban sa paligid. Iilaw ang mismong salamin at ipapakita nito ang direksyon ng kalaban. Hindi ito mahahawakan ng kahit sino bagkus ikaw lamang. Ang magtangkang humawak nito ay mapapaso ng yelong nakabalot dyan. " mahabang saad ng hari . Kinuha naman ni Raven ang maliit na salamin at tinitigan niya itong maigi .
Lumapit naman ang mahal na reyna kay beshy. At lumapit din ang isang tagapaglingkod sa kanila . Kinuha ng reyna ang kulay berdeng kahon at ibinigay kay beshy. Kinuha naman ito ni beshy at kaunting nagbow ito. Pagkatapos ay dahan dahang binuksan niya ito. Nababakas ang kalituhan ng kanyang mukha ng makita ang nilalaman nito. Hinawakan niya ito at itinaas ang laman.
"Towel po ba ito? Bakit ang laki po kamahalan?" Takhang tanong nito.
"Isa yang maliit na kumot iha." Napatango tango naman si beshy. Makapal na kumot ito at siguro kalahati lamang ang laki nito sa orihinal na kumot.
"Ang kumot na yan ay hindi pangkaraniwan dahil yan ay magagamit mo sa oras ng sakuna. Magiging invisible ka kapag linagay mo ang kumot sa ulo mo o buong katawan. Di ka makikita ng mga tao kapag gamit mo yan , ang iyong katawan ay tatagos lamang kapag babanggain ka nila. You can share that thing to your friend if you want . Di yan tulad ng dalawang nauna. Magagamit ito nino man kaya pakaingatan mo ito dahil once na mawala yan at mapasakamay ng kaaway wala na tayong magagawa pa." Napatango tango naman si beshy.
"Maraming salamat po kamahalan, makakaasa po kayong iingatan ko po ito." Paniguradong saad niya. Ngumiti naman ang mahal na reyna sa kanya at tumapat naman ang hari sa katabi ni beshy na si Julius. Habang hawak na nito ang isang kulay blue na kahon.
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasyANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...