MEGUMII P.O.V.
Nandito ako sa kwarto ko at walang balak lumabas ng kwarto. Actually kanina pa katok ng katok sina Raven, Akira, Anthony at beshy ngunit sinabi ko sa kanilang di ako nagugutom. Ewan ko ba wala ata talaga ako sa mood ngayon. Marami naman ang mga pagkain sa refrigerator ko ngayon dahil nga pumunta kami ng mall ni Anthony noong nakaraang araw. Medyo nasasanay na ako sa prisensya ni Anthony. Hindi ko na rin masyadong naaalala si Javier. Ewan ko ba sa puso ko siya pa rin ata tinitibok nito.
Napatingin ako sa pintuan kong kanina ay nakalock na ngayon ay bukas na bukas ito at ang anim ay nandito na sa loob ng kwarto ko.
"Hanggang kailan mo ibuburo ang sarili mo dito beshy?"
"Oo nga naman. Bakasyon natin ngayon pwede tayong lumabas ng academy." Napatingin naman ako kay Julius na siyang nagsalita.
"May ulat galing sa mahal na reyna at mahal na hari. Gusto nila tayong pumunta sa White Island. Isa sa pinakamagandang beach at pool sa buong white snow world. Pagmamay ari ito ng mahal na reyna at gusto nilang lahat tayo ay pupunta." Napatungo naman ako sa sinabi ni Raven.
"Masaya to promise." Sabi naman ni Akira.
"Oo nga para makapagrelax naman tayo at malay mo doon ka makakapag isip isip ng maayos." Napaisip naman ako sa sinabi ni Ustin.
"Pag isipan mong mabuti ha, sasama lahat tayo." Sabi ni Anthony.
"May magagawa pa ba ako? Utos yan ng reyna at ng hari tapos kinukumbinsi niyo pa ako. O di ba paano pa ako tatanggi ahahha." Sabi ko sa kanila at lumiwanag naman ang kanilang mukha.
"Great! Magbihis kana at mag empake dahil magtatagal tayo doon ." Sabi naman ni Raven. Ngumiti ako dito at tumango.
"Maya maya na darating ang sundo natin kaya make it faster ha ahaha." Masayang sabi ni Akira.
"Ahaha oo na. Salamat. " ako.
"O paano mag eempake na rin kami." Sabi ni Raven. Tumango naman ako.
Umalis na sila sa aking kwarto at tumayo na ako upang makapag empake na dadalhin sa aming bakasyon. Dadalhin ko ang isang maleta ko dahil sabi nila ay magtatagal kami roon. Sana nga ay maka move on na agad ako.
FAST FORWARD..
Nandito kami sa sasakyang napakahaba . Actually, kanina pa kami dito. Katabi ko ngayon si beshy sa upuan sa pinkaharap naman ay sina Akira at Anthony, sa side nila ay si Raven . Sa likod ni Raven ay sina Julius at Justin , sina Javier at Tricia naman ay nasa harapan namin ,inshort nasa likod nila kami. Pinipilit kong hindi mapatingin sa dalawa kaya mas pinili kong ituon ang paningin ko sa dinadaanan namin. Ilang oras na rin kaming nagbabyahe at inaamin kong nabobored na ako . Dagdagan mo pa ang harutan ng dalawang kaharap ko. Actually, si Tricia lang naman ang maingay e. Si Tricia lang naman ang panay dikit kay Javier pero wala na akong pakielam sa kanila. Dapat wala na .
"Honney, mahal na mahal kita." Narinig ko na sabi ni Tricia. Ngunit di ko naman narinig magresponds si Javier kaya napatingin ako sa harapan namin na ngayo'y hinalikan sa pisngi ni Tricia si Javier. Unti unti naman nadudurog ang puso kong pilit kong binubuo. Hindi ko namalayan na tuluyan ng tumulo ang luha ko buti nalang at tulog si beshy kaya agad kong tinakpan ang mukha gamit ang dala kong bandana.
Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.
Napagising nalang ako ng may tumatapik saking balikat para ako nitong yinuyugyog. Kaya agad akong napadilat.
"Nandito na tayo beshy. Bangon na dyan." Tumango naman ako bilang sagot at lumabas na kami ni beshy sa sasakyan.
"Asan sila?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
THE LIVING GODDESS (COMPLETED)
FantasiANONG GAGAWIN MO PAG NALAMAN MONG KASAMA MO SA MUNDO ANG ISANG DYOSA AT KAIBIGAN MO PA ITO? NGUNIT DI NIYA RIN ALAM NA ISA SYA SA MGA GOD .AT SYA ANG MAY GAWA NG LAHAT NG IYONG NAKIKITA . SIYA ANG MAY LALANG SAYO. NANDITO SIYA PARA SA ISANG MAHALAGA...