THE ABILITY UNIVERSITY ACADEMY

2K 51 0
                                    

👆👆👆👆👆👆👆MEGUMII

Megumii Pov

Nandito kami sa loob ng headmaster room. Ngayon ay naka harap kami kay headmaster Joey na nakatingin sa mga papel . Si Secretary Lim ay umalis na pagkahatid palang samin .

"Miss Yuri and Miss Yamamoto , congratulations. You've been pass in the examination. Welcome to Ability University ACADEMY." Masayang sabi nya samin na nakangiti na ngayon na kanina lang ay nakakunot noo ito habang hawak ang mga papel namin.

"Thank you po headmaster" sabay naming sabi ni Hilda kay headmaster Joey. At napayuko na rin kami.

" You may go  to the fitting room. For your sizes. "Agad naman naming nakuha ang ibig sabihin ni headmaster na susukatan daw kami para sa uniform.

Tinawag ni headmaster si Secretary Lim upang tulungan kami . At tuluyan ng nagpasalamat at umalis kami ni Hilda sa Headmaster room .

Nakangiting naka sunod kami ni Hilda kay Secretary Lim habang di pa rin mawala wala ang mga matang nakatitig sa amin at yung iba pasulyap sulyap pa.

Pumasok kami sa isang room at nakalagay doon ang FITTING ROOM OF UNIFORM. Nagtataka siguro kayo kung bakit fitting room ito. Dahil nakagawa na ang mga uniform , iba iba lang ang sizes . Ngunit susukatan ka parin nila para mag fit ito sayo . Ireremedyuhan nalang daw .

Nakapasok na kami ng room at nakita namin ang magandang babae na halos nasa 30+ lang ang edad nito. I'm not sure dahil di naman tumatanda ang mga tao rito sa White Snow world. Makikitaan mo nalang ang katandaan kapag nasa 150 plus kana . Doon na unti unting mag iiba ang balat mo base sa edad na meron ka .  Ang Royal Family ang silang  may hawak ng TOTTEM . Isa itong napakakinang na hugis bilog na kulay puti . Sobrang kinang nito na wari'y masisilaw ka sa umpisa pag nakita mo daw ito. I don't know , dahil di ko pa nakikita ang tottem na yan at ayun lang sa sabi sabi . Ang tottem ang nagsisilbing magandang bagay dahil sa kabataan ng iyong balat . Pag nawala ang tottem ay madaling tatanda ang mga tao ayon sa edad nito . Bali ang tottem ang nagsisilbing tagapagligtas ng balat at pampahaba ng buhay kaya iniingatan ng Royal Family ang Tottem .

"Tulala ka dyan?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Hilda at di ko pala namalayan na tapos na pala kaming sukatan.

Nakangiti sa amin ang babaeng nagsukat samin at ibinigay agad nya ang mga uniform namin.

"Buti naman at may kasya pala kayo . 3 uniform yan . Every Wednesday and  Saturday may pupunta sa inyong maids na maglalaba ng mga damit nyo kaya don't worry 😊" nakangiting saad nito samin.

"O my bad . Nakalimutan kong ipakilala ka "sabi ni ms. Lim na ngayon ay nagsalita na rin

Ngumiti naman sa kanya ang nagsukat samin.

"This is Manang Lucille and she's 69 years of age." Nakangiting saad ni Ms. Lim saamin . At kami naman ay napanganga . Akala ko ay 30+ lang sya . O great nakalimutan ko na once nag 35 kana doon titigil ang aging cells mo . Ngayon ko lang naalala . Siguro ay ganun din nasa isip ni Hilda kaya ganyan din ang reaction nya.

Agad naman ako nakabawi sa reaksyon ko kanina at ngumiti .

"Nice to meet you po Manang Lucille. Ako nga po pala si Megumii at heto nga po pala ang best friend kong si Hilda "  Ngumiti naman ito samin .

"Ikinagagalak ko kayong makilala . At ang gandang bata mo naman iha. " Puri nito sakin bigla akong namula sa hiya.

"So ako di maganda?" Bulong naman ni Hilda na nakabawi na pala . At ngayon parang pato nanaman ito na nakanguso .

THE LIVING GODDESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon